A/N
Ayyyyy and bilis..hehehe. Daming silent reader jan ah... pavote po.. pashare na rin... Relax lang po kayo ha..bawal po ulit highblood this part... Ciao.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bakit tahimik ka?" Tanong ni Aaron habang nagdadrive ito.
Pauwi na sila galing kumain sa labas. Sinundo siya nito kaninang umaga upang manood ng sine at mamasyal. Pinagshopping din siya nito ng mga damit para gamitin niya pagpasok sa opisina.
"Wala napagod lang ako.." Aniya.
"Ganun ba? O sige pahinga ka nalang muna diyan.. maaga tayong matutulog mamaya ha..." Pilyong wika nito.
Hindi niya pinansin ang parinig nito, bagkus ipinikit niya ang kanyang mata at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Nagsisinungaling lang siya kay Aaron, ang totoo inisip niya si Emma at ang matalim na tingin nito kanina nang masalubong niya sa mall... Kontra ito sa ginagawa niya... Lalo siguro itong nagalit nang makita silang magkasama ni Aaron.. Dahil sinabi niya dito na di na siya makikipagkita sa lalake at magreresign na siya.
Nung araw na yun nakapagdesisyon na siyang magreresign at uuwi na lang sa kanila upang makasama si Glea, subalit nang uwian na yun.. Dinala siya ni Aaron sa bahay nila at ipinikilala sa kanyang mga magulang. Bagay na nakapagsisigurado sa kanya na mahal siya nito at wala itong commitment sa iba. Ddon nahulog lalo ang loob niya sa lalake at hindi na niya kaya pang kumawala pa dito.
Mabait din ang mga magulang ni Aaron, maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Maayos itong nakikipagkwentuhan sa kanya lalo na ang mommy nito. Naramdaman niya na welcome siya sa pamilyang iyon. AT kung ipapakilala man niya si Aaron sa kanyang pamilya ay sigiradong walang tutol ang mga ito sa kanilang dalawa.
Matagal na sila ni Glea, subalit hindi pa niya ito nagawang dalhin sa bahay nila at ipakilalang katipan. Dahil istrikto ang kanyang ama at baka atakihin ag kanyang ina sa puso kapag malaman ang tungkol sa kanilang dalawa ni Glea. Ang pagkakaalam ng mga ito ay mag bestfriend lang sila.
Nakilala niya rin ang kapatid ni Aaron na si Lance.. Mabait din ito..
"Nakahanap na rin siguro si Bro ng babaeng magpapatiklop sa kanya.." Wika nito.
"Bakit? Good boy naman ako ah!!!" Wika ni Aaron.
"OO kung minsan..hahaha!!" Biro ni Lance.
Mas bata si Lance kay Aaron ng dalawang taon. Makikita mo sa mukha ng lalake na sadyang mabait talaga ito, halatang maayos ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang magulang.
"So Rhoanne.. Where are you working?" Tanong nito.
"Sa Makati.." Sagot niya.
" Ah.. Paano naman nakaabot si Kuya sa makati?" Tanong nito.
"Hahaha!! Ikaw talaga Lance... tigilan mo na nga pangungulit mo kay Rhoanne.." saway ni Aaron.
" OO na.. Ah.. Rhoanne... feel at home ha... wag kang mahiya sa amin.. Kuya asikasuhin mong mabuti yang bisita mo.." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomansaOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...