The Pain

68 6 0
                                    

A/N

***************************************************MjBlue (",)------------------------------------------------

Tiim-bagang nakatitig si Glea sa labas ng kotse. Sa kabilang hanay ng mga nakapark na kotse ay ang kotse ni Aaron na kararating lang. Kitang-kita nila kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob ng kotse dahil hindi naman tinted ang glass ng kotse nila sa harapan.

"Alam mo? Mas maganda ka kaysa kanya.. Kung aakitin mo si Aaron.. tiyak walang kawala ang lalakeng yan at kawawa ang babae na yan." Sabi ni Andrew.

Lumingon si Glea kay Andrew. nakita niya sa mga mata nito ang kalungkutan at nagbabadyang mga luhang aagos. Mauya-maya'y pumatak na ito...

"I don't wanna see that tears again Glea if it's for her... Bruha tama na yang luhang yan!!!" Wika ni Andrew.

Binaling ulit ni Glea ang tingin sa laabs, nakita nilang lumabas na ang dalawa sa kotse at panay pa rin ang harutan at hipuan... Habang nasa tapat na ng elevator ay naghahalikan pa rin.

"You go now Glea... Dumaan ka sa harap nila." Sabi ni Andrew.

"Now?" Tanong nito.

"Yes.." Sagot nito. " Tantiyahin mong nakabukas na ang elevator pag dating mo..." Wika nito.

Lumabas ng kotse si Glea, sinunod niya ang sinabi ni Andrew. Tinantiya niyang pagdating niya sa may bandang elevator ay nakahanda na ito upang sumakay siya. Saktong pagdating niya ay sumakay agad siya ng elevator.

Nagkalas ang dalawa subalit papasara na ang pintuan ng elevator. Natulala sila nang makita si Glea kaya hindi naisip ni Aaron na habulin ang pintuan. Bago pa tuluyang magsara ang pinto, she painted wicked smile at nakataas ang kanyang kilay.

Pagkasara ng elevator ay nasapo ni Glea ang kanyang puso. Dahil sobrang sakit ang kanyang nararamdaman. Pagdating sa kanyang floor ay agad na tumakbo siya sa kanyang unit, deretso sa kwarto at umiyak siya nang umiyak.

"Paghandaan mo ang araw na maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon Rhoanne!!! Taste my wrath!!!" Galit na wika niya.

**********************

Nasa basement pa rin si Aaron at Rhoanne at naghihintay ng pagbalik ng elevator. Saka pa lamang lumabas si Andrew nang makitang nakaalis na ang elevator sa Basement. Naglakad na siya patungo sa antayan ng elevator kung saan ang dalawa'y naghihintay rin.

Lumingon ang dalawa sa kanya. Ngumiti naman siya kay Aaron.

"Good evening Aaron.." bati niya dito.

"Andrew.. Good evening..." Sagot din naman dito. " This is my girlfriend Rhoanne..." Pakilala nito.

Saglit lang niyang sinulyapan.." Hi" Sabay harap sa elevator at di na nagsalita.

"Have you seen that girl kaninang kasasakay lang ng elevator?" Tanong ni Aaron sa kanya.

"Huh?"

"I just thought naabutan mo... I was doubting kung yun ba yung bagong Marketing head natin o hindi kasi iba ang hitsura eh.. But she looks just like her...And the elvator stops at 15th floor..."

Wika nito.

"Uhmm.. Maybe bisita niya lang... Kapatid or what.." Sagot ni Andrew.

"Yeah.. maybe.." Sang-ayun naman nito.

Hindi na umimik si Andrew. Hindi na rin nagsalitang muli si Aaron dahil ramdam niyang wala sa mood makipag-usap ito sa kanya.

Naunang bababa ng elevator si Andrew dahil sa pinakataas pa ang unit ni Aaron.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon