" Lance, please don't give me to mommy, ayoko dun sa kanya baka pilitin nila akong magpaopera.. please don't let them take me away..." Nagmamakaawang wika ni Glea sa asawa.
" That will never happen... Hindi ko hahayaang makuha ka nila, now that you are my wife ako ang may karapatan kung saan ka..." Wika si Lance.
Biglang nakaramdam ng sakit ng ulo si Glea..
" SHIT ang sakeeet..." Daing niya habang sapo ang kanyang ulo..
" Hon masakit nanaman ba? Wait tatawagin ko ang doktor..." Natatarantang wika ni Lance.
" Bilisan mo parang sasabog ang ulo ko sa sakit.. AAAHHHHHH!!!!" Sigaw ni Glea.
Wala sa sariling tumakbo si Lance upang tumawag ng doktor sa labas.
Mabilis namang dumating ang doktor at nurse sa silid ni Glea. Agad siyang tinurukan ng gamot upang makatulog at pansamantalang mawala ang sakit ng kanyang ulo. Muling ginawan ng karagdagang test si Glea upang malaman ng doktor kung gaano na kalala ang sakit nito.
" This is not really going well, if we don't take the tumor she might not make it.." Wika ng doktor.
" But doc, you said before the chance is low..." Ani Lance.
" Yes, low but there's a chance. "
" I won't mind if she lost her memory, I just want her survive... " Wika ni Lance.
Bagsak ang balikat ni Lance habang pabalik siya sa silid ng asawa. Hindi niya alam kung paano kukumbinsihin si Glea na magpaopera. Kung pwede lang sana ilipat nalang sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito.
Nang makarating na siya sa pasilyo papunta sa silid ni Glea ay napansin niya ang tatlong mga maskuladong lalake ang nakatayo sa labas ng pintuan ni Glea. Bigla siyang kinabahan at binilisan niya ang kanyang mga hakbang.
*************************************************************
" I can't believe na ginawa mo sa akin ito tita. All this time alam mo kung nasaan si Glea at sino ang kasama nito. How could you do this to me? " Galit na wika ni Arnold nang dumating sa bahay ang kanyang tiyahin at kinausap siya nito.
" Hindi ko alam na iisang babae lang ang sana'y fiancee mo at ang kasama ni Lance. Isa pa diba sinabi mo na wala ka nang gagawin dahil ikaw rin ay may asawa na, bakit ka ganyan magreact?"
" Iba to tita! Niloko mo ako! Nagsinungaling ka, naglihim ka sakin!!!"
" HIndi kita niloloko... Nagmamahalan silang dalawa bakit ko sila pipigilan? Masaya naman sila... Tsaka hijo baka pwedeng wag mo na munang sabihin to kay Janice.. Maawa ka naman kay Glea.."
" Paano ang kanyang ina? Walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nandoon sa ospital ngayon??? "
" She has a brain tumor, at ayaw magpaopera ni Glea, kung hindi siya ooperahan baka kaunting panahaon na lang ang nalalabi sa kanya. " Nanlulumong wika ng kanyang tiyahin.
" GOD! HIndi ko alam na ganun... Mabuti nalang..." Hindi makapaniwalang wika ni Arnold.
" Mabuti nalang na ano Arnold?" kinakabahang tanong ng ginang.
" Sa mga oras na ito, I guess nasa ospital na si Tita Janice para kuhanin si Glea. Mabuti na rin yun dahil siya ang mas may karapatan kay Janice dahil anak niya ito..." Wika ni Arnold.
" No... Mag-asawa na silang dalawa! They just got married that day na dumating ka!" Cory bursted out.
" What? HIndi pwede yun tita! Hindi pwedeng ikasal si Glea sa kanya!!!" Galit na wika ni Arnold.
BLAGGHHH!!!
Isang malakas na pagkalabog ng pintuan ang kanilang narinig mula sa itaas. Saka pa lamang naalala ni Arnold si Jewel. Patakbong umakyat ang lalake patungo sa kanilang silid.
*****************************************************
Please don't forget to hit the star... Tnx.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...