Just Married

33 8 0
                                    

Don't forget to hit the star button at the end of the chapter. Thanks mucho.


ciao!


BHADJOY (",)


******************************************************************************************

" Tired?" Tanong ni Arnold habang naglalakad sila palabas ng airport.

" Medyo, first time ko kasi ang mahabang byahe, kahit na nakaupo sa eroplano nakakapagod pa rin. Buti ka diyan sarp ng tulog mo." Wika ni Jewel.

Sadya namang di siya nakatulog sa byahe nila, business class ang kanilang kinuhang seat, magkatabi ang kanilang upuan ngunit nang matutulog na ay tumabi si Arnold sa kanya. Hindi niya alam kung anong iisipin, kung tinutotoo na ba nito ang ksnilang pagiging mag-asawa o sadyang laro lamang o palabas nila. Ngunit wala namang nakakakita sa kanilang dalawa bakit malambing pa rin ito sa kanya? Ang kanyang nararamdaman para sa lalake ay totoong pagmamahal, kaya siya pumayag na magpagamit sa kanya. Ngunit ang kanyang halik nang gabing yun ay hindi isang drama lamang, ramdam niya ang init at pagmamahal nito. Kung wala lang sila sa eroplano ay malamang may nangyari na sa kanila. Maniniwala na kaya siya?

" Hon? Kanina pa kita kinakausap, di mo ata ako naririnig..." UNtag sa kanya ni Arnold.

" Ha? ANo yun hon? May iniisip lang kasi ako kaya bigla akong nawala?" Aniya.

" Wag mo na kasing isipin ang work mo pagbalik, you don't need to. I will never make my wife work. All she had to do is be my wife and maybe the mother of my kids." Wika nito sabay hawak sa kanyang kamay at humarap ito sa kanya. Isinabit nito ang nakalaglag na buhok sa kanyang mukha sa likuran ng kanyang tenga sabak halik nang marahan sa kanyang labi.

" Let's go, I can't wait to get solo with you..." pilyong wika ni Arnold.

" Loko!" Kinikilig niyang sagot.

Kalmado siya, pero sa loob-loob niya ay nagtatalunan ang kanyang puso at utak sa saya. Parang totoo ang lahat, sana totoo ang lahat.

Driver ang naabutan nilang sumundo sa kanila. Mayroon daw inaasikasong importante ang kanyang tita Cory kaya't nagpadala nalang ito ng susundo sa kanya.

" Siyanga pala manong, asawa ko si Jewel. SI manong Elmo matagal nang naninilbihan kay Tita Cory bilang driver." Pakilala ni Arnold.

" Mabuti naman po at nakapag-asawa ka na Arnold, matutuwa ang tita mo nito. Mam Jewel, maligayang pagdating po dito sa France, ikinagagalak ko pong makilala kayo." Bati ni Mang Elmo.

" Maramang salamat po Mang Elmo." Nakangiting sagot ni Jewel.

Panay ang kwentuhan ng driver at ni Arnold habang nasa byahe sila, habang si Jewel naman ay nakatulog na habang nakasandal sa dibdib ni Arnold.

" Nasaan nga pala si Tita Mang Elmo?" Biglang natanong ni Arnold.

" Nasa Hospital..." Sagot ng driver.

" Ha? Bakit? ANong nangyayari sa kanya?" Nag-aalalang tanong niya.

" Wag po kayong mag-alala, hindi ang tita niyo ang naospital. Wala po ako sa posisyon na magsabi kung sino ang pinunta niya doon, ang tita Cory mo na ang bahalang magsabi sayo." Pahayag ng driver.

" ANong kadramahan ito mang Elmo at hindi mo pwedeng sabihin sa akin?" Nagtatakang tanong ni Arnold.

" Basta po, tanungin mo nalang ang tita mo." Sagot ng driver.

HIndi na kinulit ni Arnold ang lalake, ngunit nakaramdam siya ng kaba. Iba ang kanyang pakiramdam.

******************************************************************************************************

" I will now pronounce you Husband and wife, you may now kiss the bride..." Wika ng paring nagkasal kay Lance at Glea.

Sa loob lang ng ospital idinaos ang kasal dahil hindi pumayag ang doktor ni Glea na lumabas siya doon. Hindi pa kakayanin ng katawan ni Glea dahil kakatrigger lang ng sakit niya.

" Congratulations!" Wika ng mga nurse at doktor na dumalo sa kanilang kasal at iilang mga taong kakilala ni Lance at ng kanyang tita.

" Thank you so much." Sagot naman ni Glea.

" There are some foods prepared for all of you at the lobby, you can take your lunch now." Wika naman ni Tita Cory sa mga nandoon.

" You're my wife now..." Wika ni Lance kay Glea.

" And yeah, you're my husband now." Sagot ni Glea.

" Sorry ha, hindi yung dream wedding ng mga babae ang naibigay ko sa'yo, ayaw kasi pumayag ng mga doktor." Wika ni LAnce.

" I'm fine with it my love, basta ang importante naikasal tayo." Wika ni Glea.

" Congratulations sa inyong dalawa..." Maluha-luhang bati sa kanila ng kanilang tita Cory.

" Maraming salamat tita, at sa effort mo. SObrang napakalaki ng pang-iistorbo namin sa'yo." Wika ni Glea.

" ANo ka ba Glea, anak ko na rin si Lance, at ganun na rin ang turing ko sa'yo simula pa nung dumating kayo. Ang ginagawa ko ay bukal sa loob at gusto ko. MAsaya akong nakatulong sa inyo dahil mahal na mahal ko kayo. Wag kang mag-alinlangan sa akin anak kung may kailangan pa kayo." Wika ni Cory.

" Tita, thank you so much." Wika ni Lance.

" You are always welcome son. O siya uuwi na muna ako at may gagawin ako sa bahay. Kumain kayong dalawa ha..." Bilin ng tita Cory nila.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon