She's Leaving

33 3 0
                                    

Happy day lang palagi walang ending... Pagod sa work..pero aja aja lang!!!
(",)
*#*#*#*#*#*

Niligpit na ni Glea ang kanyang mga gamit. Effective kasi kinabukasan ay hindi na siya papasok sa opisina. Nagpaalam na siya sa kanyang mga tauhan kanina... Nilibre niya ito ng lunch bilang pafarewell niya sa kanila.. Malungkot ang mga ito, halata sa mga mukha ang kalungkutan ng kanyang mga staff, lalo na si Jewel.

" You will stay the same kahit na wala na ako dito ha.. Kahit na hindi na ako ang marketing head, kung ano man ang tinuro ko sa inyo, kung gaano kayo klareliable under my lead, you will stay the same kahit na iba na ang magiging head ninyo." Paalala niya sa mga ito.

" Mamimiss ka namin Glea... Lubos kaming nalungkot sa iyong pag-alis sa kompanyang ito, subalit wala kaming magagawa ko iyon ay talagang kagustuhan mo." Ani JEwel.

" Salamat sa pag-initindi niyo sa ginawa kong ito.. Ako man ay nalulungkot dahil napamahal na kayo sa akin, subalit mayroon lang akong kailangang gawin at tuklasin sa buhay ko... " Ani Glea.

Mabigat ang loob niya nang puamsok siya sa kanyang opisina, naawa siya sa mga staff niya dahil biglaan niyang iniwan, nag-aalala siya baka magiging masama ang ugali ng papalit sa kanya. Nalulungkot siya dahil maiiwan na nia ang mga ito.

Maya-maya'y pumasok si Jewel.. may dala itong envelope at unabot ito sa kanya.

" May nagpapabigay niyan sayo.." Anito.

" Okay salamat.." Inabot niya ang envelope. Bubuksan na sana niya ito nang magring ang kanyang telepono.

"Hello?"

"Hey.. Glea.. Arnold here... Okay ka na ba diyan? Are you done packing up?" Tanong iya.

"Yeah.. tapos na ako.." ANiya.

"Good, im on my way to pick you up... Let's have dinner together.. Madami tayong pag-uusapan." Wikanito.

"Okay.." Aniya.

" Okay see you then..." Anito.

Tinignan niya ang relo sa wall.. Mag-aalas-otso na pala di niya namalayan ang oras dahil sa pagliligpit. Isa-isa nang nagpaalam sa kanya ang mga staff niya kanina bago ito nagsiuwian dahil hindi na sila magkikita kinabukasan. Si Jewel ay nanuna na rin, bumalik nalang ito upang iabot sa kanya ang envelope na pinapabigay sa kanya. Nilagay nalang niya muna ang envelope na yun sa bag niya at binitbit ang box na maylaman ng gamit niya.

Sa huling beses nilibot niya ang paningin sa kanyang opisina.. Mamimiss niya ang lugar na yon... Bumuntong-hininga siya saka lumabas na sa lugar na yun. Mag-isa nalang siyang naglalakad, nauna na kasi si Andrew dahil may lakad pa daw sila ng kanyang jowa. Magkikita naman sila palagi sa bahay dahil nandoon yun every weekends.

Pinipilit niyang doon nalang sa Mansion Tumira pero ayaw nito, mas malapit din kasi sa city ang condo at madali siyang makagala. Umuuwi naman siya sa mansion kapag week ends.. Sinisigurado niya iyon dahil request ng kanyang lola.

Pagbukas ng elevator, nandoon pala si Mariano.

"Glea.. Sige pasok ka na.. Inalalayan siya nito dahil sa bitbit nitong box.

'Salamat po..." Aniya.

" So wala na talagag urungan yan.." Tanong nito.

Ngumiti lang si Glea sa kanya...

"Mamimiss kita anak.. Mag-ingat ka palagi ha.." Wika nito.

Parang nadurog ang puso ni Glea sa sinabi ng lalake. Kung alam lang nito na siya si Glea ang kanyang anak.. PEro ayaw niya munang magpakilala dahil gusto niyang bumalik ang kanyang alaala bago siya lumapit sa kanyang ama.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon