Whew!!! Since mabait ako.. mabilis akong mag update... kaya here's the next chapter...
Don't forget po your comments ad votes... thank so much..
Dedicated ko ulit to kay Cindy Delmo as per requested..
***************************************************************
Tinupad ni Rhoanne ang sinabi niyang tatawagan si Glea at maglalaro sila ng basketball sa kanila. Tumawag ito after a week nang kinuha ng babae ang number niya. Agad silang nagkasundo na maglaro sa week-end.
"Ano ka ba Glea? Para kang maylangaw sa puwet di ka mapirmi.." Sita ng kanyang ina habang inaayos ni Glea ang kanilang sala.
"Kasi nay.. may bisita ako.. nakakahiya naman baka sabihin magulo ang bahay natin.." Aniya.
"Aba eh di papasukin mo sa kwarto mo nang malaman niya kung gaano ka gubat yang silid mo.." Wika ng kanyang ina.
"Inay naman..." aniya. Totoo ang kanyang ina.. Magulo nga ang kanyang silid.. parang kwarto ito ng lalake.
Maya-maya'y dumating na si Rhoanne, naka shorts ito na pangbasketball pero maikli lang ito.. Nakarubber shoes at may dala itong bola.
"Ba't ka pa nagdala ng bola eh meron naman ako?" Aniya.
"Binili ko talaga to para sayo, gift ko dahil nanalo kayo.." sabi ni Rhoanne.
"Hala!! Nag-abala pa to.. no need naman na.." Aniya.
"Hindi.. tsaka diba tuturuan mo ako sa mga moves mo.. kaya bayad ko na rin yan..." Wika nito.
" Abah mukhang mapapasubo ako ah.." Aniya.
" Yeah.. I guess so.." Sagot nito. Nakangiti ito at lumantad ang mga mapuputi ang pantay-pantay na magagandang ngipin na lalong nagiging cute ito.
Masaya silang nagbasketball dalawa. Marami siyang itinurong tricks kay Rhoanne kung papano makakaiskor ng malaki sa game.
"Hinto niyo muna yang paglalaro magmeryenda muna kayo." Sabi ng kanyang inay.
"Wow.. naghanada pa po talaga kayo... nakakahiya naman..' Sabi ni Rhoanne.
"Di ka yata busy nay.." Puna naman ni Glea.
"Walang internet connection eh.. Nasira daw ang line.. baka bukas pa daw ang matapos ayusin." Wika nito.
"Ganun ba? Thank you sa meryenda nay ha.." Sabi ni Glea.
" O siya..iwanan ko muna kayo't itutuloy ko lang ang niluluto ko nang may pangmeryenda naman pag-uwi yung tatay at mga kapatid mo." Aniya.
" Sige po nay..salamat."
"Thanks again tita.." Sabi ni Rhoanne.
Kinain muna nila ang luto ng kanyang inay na pritong saging. Magkwentuhan sila habang kumakain.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Glea kay Rhoanne. Napagkwentuhan kasi nila ang tungkol sa kaibigan nitong may boyfriend na niloko lang.
"Uhmm.. wala... nagbreak kami ng boyfriend ko 3 months ago..." Aniya.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Umalis kasi papuntang states, eh ayoko ng long distance relationship.. hindi ako naniniwalang oobra yun.. Marami kayang chicks sa US.." Aniya.
"Eh.. kung mahal niyo naman ang isa't-isa.. Kaya naman yun ah.. Tiwala lang ang kailangan." Aniya.
"Hindi rin... Walang kwenta din kasi ang lalakeng yun.. babaero.." Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...