Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
****************************************************************
Pabagsak na humiga si Rhoanne sa kanyang kama. Nagpahatid nalang muna siya kay Aaron sa apartment niya. Ang reason niya ay magligpit muna siya ng gamit para sa paglipat niya doon sa lalake. Pero ang totoo gusto na niyang iiyak ang kanyang nararamdaman. Kanina pa niya tinitiis ang hapdi ng kanyang dibdib.
"Hayup ka Aaron!!! Hayop ka!!! Walanghiya ka manyak ka! Babaero!!!" Mura ni Rhoanne habang umiiyak siya. " MInahal kita nang buong-buo... Binigay ko sayo ang lahat pati ang buhay ko! Pagkatapos lolokohin mo lang pala ako.. Walang hiya ka!!! Paano mo nagawa sa akin to? Wala kang konsensya! Akala ko mahal mo ako!! HUhuhu..." Aniya.
"Isa ka rin Glea... HIndi ka marunong magpatawad... Ilang beses ba akong hihingi ng tawad sayo? Ilang beses ba akong luluhod para mapatawad mo?" Aniya.
Nakatulugan na ni Rhoanne ang kanyang naramdaman. Kinaumagahan ay mabigat ang katawan niya... Ayaw pa sana niyang bumangon dahil inaantok pa siya ngunit naramdaman niyang babaliktad nanaman ang kanyang sikmura. Hindi pa siya tapos sa kanyang morning sickness. Agad siyang tumakbo sa banyo at nagduduwal. Panay ang tulo ng kanyang luha habang nagduduwal, ramdam pa rin niya ang sakit sa kanyang dibdib... Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.
Maga ang kanyang mga mata, magulo ang buhok...
" Look at you Rhoanne.. you are such a mess! Hahayaan mo nalang ba ang isang Glea ang sisira ng buhay mo at ng buhay ng anak mo?" Aniya sa sarili.
" NO!! I will fight for my right.. Mahal ako ni Aaron and that's what I know, yan lang at kaya ko pang makipaglaban." Aniya sa sarili.
Nagluto siya ng paboritong pagkain ni Aaron at naligo. Inayos ang sarili. naglagay siya ng konting make-up at concealer sa kanyang mata upang matakpan ang pamamaga nito. Dadalhin niya ang pagkain sa opisina ni Aaron. tinignan niya ang relo, alas diyes pa lang, sakto lunch time na pagdating niya doon.
Hindi siya magpapatalo kay Glea. Nagsuot siya ng sexy na damit, hindi pa naman halata ang kanyang tiyan.
"Akin si Aaron Glea, mahal ko siya at mahal niya ako.." Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...