" ANg ganda po ng napili mong bulaklak sir..." Wika ng nagbebenta ng bulaklak.
" Para sa pinakamamahal ko eh.." Sagot niya.
Bitbit niya ang isang bouqet ng magagandang rosas at isang stuff toy at nilagay niya ito sa likuran upuan ng kanyang kotse. Papunta siya ngayon sa lugar na sinasabi ni Glea na magkikita sila. Magpicnic daw sila. Halos tatlong buwan na rin niyang nililigawan ang asawa. Nawalan na siya ng pag-asang bumalik pa ang alaala nito kaya nagdesisyon siyang ligawan na itong muli.
" May pabulaklak at stuff toy ah! " Wika ni Glea nang unang nagdala siya para dito.
" You don't like it?" Tanong niya.
" I like it! It's just that nanibago lang ako... Para kasing... Para kasing nanliligaw ka na eh..." Nakangiting wika nito.
" HIndi ba pwede?" Tanong niya.
Kunway nag-isip ito...
" Hmmmm... Pag-iisipan ko muna.... Sige payag na ako..." Anito.
" ANg bilis makapag isip ah..." Natutuwang wika ni Lance.
" Ayaw mo?"
" G-Gusto... Natuwa lang ako sa pag-iisip mo..."
" Eh sadyang ayokong mag-0isip nang matagal... baka mastress ang brain ko.." ANito.
" Hahaha may ganun talaga... So kung tatanungin kitang will you be my girlfriend sasagutin mo agad ako?" Tanong niya.
" Ah yun ang di pwedeng agad-agad..."
" Sayang... Akala ko.."
" Hoy mister... Manligaw ka muna noh!!! Tignan natin kung pano ka manligaw saka ako magdecide." Anito.
" Okay... Ito ang tandaan mo... HIndi kita tatantanan..." ANiya.
" Hahaha... Tignan natin..." Anito na nakataas pa ang kilay.
" Katakot naman..." ANiya.
" Natakot ka?"
" HIndi noh!!"
Napapangiti si Lance kapag naalala ang araw na yun. Parang bumalik sila sa pagiging teenager. Mas okay na rin yun atleast naranasan niyang ligawan ang asawa na hindi niya nagawa bago sila nagpakasal. Masarap din sa pakiramdam ang kanyang ginagawang panliligaw sa dalaga. Lalo pa't suportado siya ng mga kapatid nito at ng kanyang daddy. Syempre mas gusto nito ang anak niya para sa kanya upang lalo silang magkalapit.
Biglang nagring ang kanyang telepono, mabuti nalang at connected ito sa sasakyan niya.
" Hello?"
" Lance... San ka na?"
Tanong ni Glea na nasa kabilang linya.
" AH.. kaalis ko lang ng bahay..." Pagsisinugaling niya para hindi magmamadali ang dalaga.
" Ah sige, kasi lipat na tayo ng lugar pumunta ka nalang sa isendko sayong address okay? See you there..." Anito sabay baba ng phone na hindi man lang siya nakapagsalita. Sabay tunog ng kanyang message alert tone.
Ipinarada niya muna ang kotse sa gilid upang basahin ang address ng sinasabi ni Glea.
" Pambihira.. Akala ko picnic... " Aniysa sarili. Isang restaurant kasi na mamahalin ang pupuntahan nila at naka jeans at shirt lang siya.
" HIndi ko alam na date pala ang gusto mo... Sasagutin mo na ba ako?" Text niya kay Glea.
" Neknek mo!" Reply naman nito.
Napatawa nalang siya sa sagot nito.
Halos isang oras din bago nakarating si Lance sa sinasabing lugar ni Glea. Nagtaka siya dahil nandoon na ang kotse ng dalaga.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...