Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
*************************************************
Maayos at walang problema ang kanyang department nang bumalik sa trabaho si Glea. Gaya ng sinabi niya, mapagkakatiwalaan at magagaling ang kanyang mga staff.. Wala siyang dapat ipangamba kung mawala man siya ng ilang araw.
"I'm so proud of this department." Wika ni Glea kay Jewel. " Ang gagaling niyo.. At dahil diyan iboblow out ko kayo." Sabi niya.
"Talaga Glea?" Tanong ni Jewel.
" Do I look like i'm kidding Jewel?" Tanong niya.
"Ah... hindi naman..." Anito.
"Good... Tanungin mo kung anong gusto nila for lunch, Pizza hut, kfc name it.. I'll pay.." Sabi ni Glea.
Agad namang tumalima si Jewel sa utos niya. Kinausap nito ang mga kasamahan kung ano ang gusto nilang kainin upang maorder na ito. Habang siya ay inabala na muna niya ang sarili sa kanyang mga nakatambak na gawain nung wala siya. okay lang sa kanya dahil responsibility naman talaga niya iyon, inayos lang iyon lahat ni Jewel para hindi na siya mahirapan pa. Halos ilang oras din niyang ginugol sa trabaho ang sarili at nakalimutan na niya ang oras. Pagtingala niya sa wall clock.. 10:30 na pala. Pumasok si Jewel sa opisina at sinabi sa kanya ang order ng kanyang mga staff at ang babayaran. Binigyan naman niyang cash ang secretary at ito na daw ang bahala... Alam niyang sobra ang binigay niya pero okay lang sa kanya.. Masaya siya sa staff niya kaya they are worth para gastusan niya. masayang lumabas ng opisina si Jewel pagkatapos nitong magpasalamat sa kanya.
Nag-unat siya ng braso... Naisip niyang puntahan si Aaron. Inayos niya muna ang kanyang suot na damit at nagretouch sa kanyang make-up. Nagpaalam siya kay Jewel na puntahan muna niya ang kaibigan na si Andrew. pero instead na sa opisina ni Andrew siya dederetso ay sumakay siya ng elevator paakyat sa opisina ni Aaron.
Naabutan niya ang lalake na abala sa mga paper works. Ni hindi nga siya nito napansin. Nakatalikod kasi ito at tinitignan ang malaking ledger na nasa table. Nagbabalanse ito ng financial report ng company. nIyakap niya ang llake mula sa likod.
" Boy oh boy.. You are so busy.. di mo man lang ako tinatawagan na pumunta dito..." Aniya. Sabay himas himas ng dibdib ng lalake. Napahinto ito sa kanyang ginagawa.
"Sorry my love... marami lang akong ginagawa..." Wika nito.
"Mas importante kay sa akin?" Tanong niya.
HUmarap si Aaron sa kanya pero nakayapos pa rin siya.. Ginawaran siya nito ng halik sa labi.
"Hmmm.. I missed you..." Wika nito.
"I missed you too.." Sagot naman ni Glea. Habang nakayakap pa rin siya ay bahagya siyang tumingkayad upang maabot ang labi ng lalake at nagkahinang ang kanilang mga labi. Kinabig ni Aaron ang kanyang ulo upang dumiin ang kanilang halik. Nag isa naman ay kinabig ang kanyang beywang upang madiin ang katawan ni Glea sa kanyang katawan. Parang hayop na hayok na hayok si Aaron sa kanyang mga labi, mainit, mapusok ang kanyang mga halik. Kinarga niya si Glea at ipinatong niya ito sa table. Walang puknat pa rin ang kanilang pakikipaglaplapan. Dumako ang halik ni Aaron sa kanyang leeg at ang kamay nito sa kanyang dibdib.
Nasa ganung posisyon sila nang napansin ni Glea na dahan dahang nagbukas ang pinto. Niluwa ng pintuan ay si Rhoanne, at gulat na gulat ito sa kanyang nakita. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagkunwaring sarap na sarap sa ginawa ni Aaron. HIndi alam ni Aaron ang pagdating ni Rhoanne kaya di pa rin ito tumitigil sa paglalaro sa kanyang dibdib at paghalik sa kanyang tenaga, sa leeg.. Umuungol-ungol si Glea na kunwa'y di niya nakitang dumating si Rhoanne.
"MGA HAYOP!!!!" Sigaw ni Rhoanne.
Nagulat si Aaron sa narinig. " Hon? Ba-bakit ka narito?" Tanong niya.
" Hayop ka Aaron!!!" Deretso si Rhoanne papunta kay Aaron at pinaghahampas niya ito sa dala niyang bag.
"Rhoanne! Saglit lang sandali! Aray! Rhoanne please listen to me!!! "
Ngunit di nakinig si Rhoanne panay pa rin ang hampas niya sa lalake.
"PApatayin kita!! Papatayin ko kayong dalawa!!!" Aniya.
"Wait!! Rhoanne!!! Tumigil ka!! Rhoanne!!!" Sigaw ni Aaron dahil nasasaktan na siya sa ginagawa ng babae.
Napansin ni Aaron na nakaalis pala si Glea. Ang babaeng yun iniwanan siya agad dito. " Ano ba RHOANNE!! TUMIGIL KA NA!" Sigaw niya at buong lakas niyang pinigilan ang babae hanaggang sa huminahon ito. Iyak ito nang iyak.
Kumalas siya dito at napaupo sa sahig ang babae. Sinuklay niya ang buhokl niya ng kanyang kamay at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan. HIndi niya akalain sa ganitong paraan pa malalaman ni Rhoanne ang tungkol sa kanila ni Glea.
" Tell me Aaron.. May gusto ka ba sa kanya? Matagal na ba to? Mahal mo ba siya?" Sunod sunod na tanong nito. "TELL ME!!! Sigaw ni Rhoanne.
"OO-OO!!!" Pasigaw na sagot ni Aaron. " May gusto ako sa kanya.. at matagal na naming ginagawa to.. and I think I'm falling for her.. Im sorry..." Dere-deretsong sabi ni Aaron pati siya nagulat sa sinabi niya.
"Akala ko Ako lang ang mamahalin mo.. Nagpropose ka pa.. isa lamang palang kalokohan yun!!! Hayup ka Aaron! Pinaasa mo ako|!!! Pinaasa mo kami ng anak ko!!!" Wika ni Rhoanne.
Tumayo ito at pinulot ang kanyang bag na natapon sa sahig. HInubad nito ang sinsing na binigay ni Aaron sa kanya. Humarap siya kay Aaron, kinuha ang kamay ng lalake at nilagay ang singsing.
"Saksak mo yan sa baga mo kasama ng mga kasinungalinagn mo!!!!" Wika nito sabay alis. Pagbagsak nitong isinara ang pintuan ng kanyang opisina.
Naiwan si Aaron na natulala sa mga pangyayari, noong mga nakaraang araw lang ay gusto niyang pakasalan si Rhoanne, ngayon inaamin na niya dito na nahuhulog na siya sa ibang baba.
"SHIT! SHIT! SHIT!!! BULLSHIT!!! Ano ba tong pinasukan kong gulo? Bakit ko nagawa ito?? Ahhhhh!!!" Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...