A/N
mmmm.. Mukhang di na nakakatuwa sa Rhoanne ah... Iiwasan kaya niya si Aaron? Paano na ang ating bida? Heto na po ang next chapter... e Free po magalit pero wag po high blood..hehehe..
Happy reading po sa lahat... Ciao!
--MjBlue
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising si Glea sa bango ng amoy ng niluluto ng kanyang inay. Bumangon siya at naghilamos at pagkatapos at tumungo sa kusina kung saan nagluluto ang kangyang inay.
"O bakit nagising ka na anak?" Tanongnito.
"Ang bango kasi ng niluto mo nay nagugutom na ako.." Aniya.
"O sige ihanda mo na ang lamesa't mag-aalmusal na tayong lahat. Sumabay ka nang kumain sa mga kapatid mong papasok sa trabaho." Utos ng kanyang ina.
"Opo nay.." Sagot niya sa ina.
Hindi na ito nagtatrabaho bilang web designer dahil nakapagtapos naman na silang tatlo at may maayos na trabaho. Sa susunod na taon magreretiro na rin ang kanilang ama bilang military at magnenegosyo nalang sila ng kainan dahil mahilig din naman magluto ang kanyang ina. Sa ngayon patanggap-tanggap lang muna ng order ang kanyang ina para naman may pagkakaabalahan ang kanyang inay.
Dinukot muna ni Glea ang cellphone sa bula at cniheck kung tumawag ba si Rhoanne kagabi. pero wala itong message o misscall galing sa babae. Gusto niyang tawagan ito ngayon, subalit naisip niyang baka napagod sa dinaluhang party niya kagabi. mamaya nalang siya tatawag dito dahil wala din naman itong pasok.
"Tol!! Kumusta? namayat ka tol ah!!!" Wika ni Glen.
"OO dami kasing trabaho tol.. Di pa ako masyadong nakapag adjust.." Aniya.
"Sabihin mo kamo wala nang nag-aalaga..hehehe.." Sabat naman ni Allen.
"Ulol!!!" Sagot naman ni Glea at nagtawanan silang magkakapatid.
"O tama na yang asaran, kumain na kayo dito't may pasok pa kayong dalawa. Glea sumabay ka na rin dito, tawagin ko lang ang itay niyo." Wika ng kanilang ina.
Sumundo naman sila sa sinabi nito at agad dumulog sa hapag-kainan.
"Mga tol uwi naman kayong maaga ngayon, laro naman tayong basketball namimiss ko na yun eh.." Sabi ni Glea.
"OO ba tol..sige uwi kami nang maaga... Okay ba kuya Allen?" Tanong ni Glenn.
" O sige, magpapaalam akong maagang uuwi mamaya.." Sagot naman ng isa nilang kapatid.
Maganda na rin ang trabaho ng dalawa niyang kapatid. Parehong engineer ang mga ito at may maayos na sahod sa kompanyang pinapasukan nila.
****************************************
Nagising si Rhoanne sa katok ng kashare niya sa apartment na si Lynn.
"Pasensya na nagising kita.. may naghahanap kasi sayo sa baba.." Wika ni Lynn.
"Sino?" Tanong niya.
"Lalake eh.. Aaron ang pangalan..." Sagot nito.
"Ha? Si Aaron?"
"OO.."
"Saglit pakisabi saglit lang..." aniya.
Mabilis pa sa alas alaskwatro ang ligo ni Rhoanne. Nakakahiya naman kasing haharap siya sa lalake na bagong gising pa siya. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay agad na siyang bumaba.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...