Theresa

33 5 0
                                    

Heto na po ang pinakahihintay niyo... I planned na sunod sunurin ko na... Mga next chapters po mahahaba na... Bibilisan ko na to may mga tao nang naghuhunting sa akin..hahaha...

Please dont forget to vote..thanks...

Ciao...

MjBlue

*************************
*


***************************************************



Masayang nagkwentuhan si Glea at si Theresa ang mama ni Lance. Kung anu-ano nalang ang pinag-uusapan nila. Hindi namalayan ng mga ito na oras na para uminom ng gamot at magpahinga ang ginang. Mabuti na lamang at lumapit na ang private nurse nito at pinatake na siya ng gamot.. Si Glea mismo ang naghatid nito sa silid at siya mismo ang tumulong dito upang makahiga ito sa kama.



"Maraming salamat anak..." Anito nang maiayos na nito ang sarili sa kama.



"Tita... I hope you don't mind me asking... What happen to your legs?" Tanong niya dito.



" I have an Accident long time ago at naipit ang paa ko.. may nasirang buto at veins sa paa ko sanhi nang hindi na ako makalakad..." Malungkot na turan ng babae.



"Ahhh.. okay wag niyo na pong ituloy.. tama na po yung nalaman ko.. Sige po magpahinga na kayo..." Wika ni Glea.



HInawakan niya ang kamay ni Glea.." Anak... Maraming salamat sa pagbisita mo dito ha... I'm so happy..." Wika ng Ginang.



" Ikinagagalak ko po ang pumunta dito. " ANiya. Nagpaalam na siya sa ginang.. Humalik muna siya sa noo nito bago siya umalis.



Paglabas niya ng kwarto ay siya namang pagdating ni Lance..." IS she asleep?" Tanong nito.



" Patulog pa lang..." Aniya.



" Glea.. Kuya is downstairs...." Wika nito.



Gumuhit ang pag-alala sa mukha ni Glea. Ayaw niyang makita ang lalake, bakit pa dumating ito? " Does he know i'm here?" Tanong niya.



"Maybe.. Nasa garahe ang sasakyan mo eh..." Aniya.



" OH God!!!" Aniya.



"Bakit?"



" I don't wanna see him.." Aniya.



" Akala ko ba kayo na..." Aniya.



"No Way!! Never!! Alam mo naman ang main reason kaya ko ginawa yun Lance diba? And you think sa nangyari kay Rhoanne gusto ko pang ituloy yun?" Tanong nito.



" I don't know sayo.. Baka kasi..."



" Mukha na ba talaga akong demonya sa tingin mo Lance para gawin ko yun? May puso din naman ako.. Minahal ko si Rhoanne kahit papano.. She still have that spot in my heart where i could still care about her... Pinatawad ko na siya.. And she has forgiven me so easily sa ginawa ko sa kanya, which I never done before. Kung sana'y nagpatawad nalang ako agad, we could live a new life now.. hindi na sana nangyari ang ganun.. wala na sanang nasaktan.. I'm so Stupid.. I'm so Rude..." Mangiyak-ngiyak na wika ni Glea.



"Shhh.. Don't blame yourself... Nasaktan ka lang.. nagalit... but it already happen... magpasalamat nalang tayo at walang worst na nangyari... Safe na ang baby ni Rhoanne at you're okay now. " Ani Lance.



"Yeah.. okay na ako.. wala na ang galit na nararamdaman ko... But i hated your brother.. Buntis pala si Rhoanne pinatulan pa niya ako... Hihiwalayan niya si Rhoanne dahil sa ibang babae alam naman pala niyang buntis ito.. How dare him... Ayoko siyang makita ngayon.. naiinis ako..." Aniya.



" You can choose not to talk to him... " Ani Lance.



"Ngunit paano? alam na niyang nandito ako... baka pipilitin niyang makipag-usap sa akin..." Aniya.



"Iwasan mo.. I can help you with that... Basta sigurado kang ayaw mo talagang makipag-usap sa kanya." Tanong ni Lance.



" Yes.. I don't wan't to..." Wika ni Glea.



"Okay.. wait for me here at magpapaalam lang ako kay mama.." Anito. Sabay pasok sa silid ng kanyang ina. Gising pa ito.. at nakatingin sa ceiling.



"Ma..." Tawag niya.



" Anak..." Lumingon ito sa kanya.



" Okay ka lang ma? Masaya ka ba today?' Tanong niya.



" OO anak.. okay lang ako... Si Glydel umalis na?" Tanong nito.



" Hindi pa po... pero aalis na siya..." Aniya.



"Anak.. di niya pa rin tayo kilala... " Malungkot na wika ni Theresa.



"Okay lang yun ma.. Maalala din niya balang araw..." Anito.



" Natatakot ako anak, baka kapag maalala niya ay kamuhian niya ako.. tayo... Baka kamuhian ka niya.. ayokong mangyari yun anak.. Ayokong masaktan kang muli..." Umiiyak na wika ng babae.



" Ma.. There's no reason para kamuhian ka niya.. Wala ka namang kasalanan sa kanya..." Aniya.



"Inilayo ko si Tracy sa kanya kaya siya inatake sa puso.. at muntik nang mamatay..." Anito.



"Ma.. di mo sinasadya yun... Pero ang ipinagtataka ako lang.. at hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin ang isip ko.. anong nagyari nung araw na yun.. ano ang dahilan ng pag-aaway niyo ni daddy... At bakit bigla ka nalang umalis?" Aniya.



"Nag-away lang kaming daddy mo anak.. yun lang... Suge matutulog na ako... Hinihintay ka na ni Glea..." ANito.



"Sige ma..." Tanging nasagot ni Lance. Alam niyang may malalim na dahilan ang pag-aaway nila, at iniiwasan itong sagutin ng kanyang mama. Humalik siya sa noo ng ina at lumabas na doon. Sasamahan niya si Glea palabas ng bahay baka guluhin pa ito ni Aaron. Paglabas niya ng kwarto ay nandoon pa rin si Glea naghihintay sa kanya.



" Let's go.." Yaya niya sa dalaga...



" Tara..." Sabi naman nito.






















My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon