Ang Pangamba

43 5 0
                                    

please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

************************************************************************************************************************************************

"Gabi na! Hindi mo talga mapigilan ang sarili mo? Nangangati na ba yang paa mo't kailangan mo nang umalis? Ano kaba Rhoanne?!? " ANi Aaron.

" Sabi mo kasi kung gusto kung umalis gawin ko.. eh nabobored ako dito, di pa ako inaantok kaya naisip kong lumabas... Diyan lang naman sana ako, di ako bababa pero natemp akong lumabas.. Diyan lang naman sa malapit." Paliwanag ni Rhoanne.

" Nagrason ka pa ha..." Hinila nito ang kanyang buhok papalapit sa kanya... " Mula ngayon lahat nang gusto ko ay susundin mo!!! " Wika nito.

"Aray Hon masakit!!!" Daing ni Rhoanne.

" Ano Masakit ha? Masakit?" Lalo opa nitong hinila ang buhok niya." Narinig mo ba ang sinabi ko Rhoanne? " Tanong nito.

"O-oo... narinig ko.. Oo ikaw ang masusunod..." Sagot ni Rhoanne.

" Good!! Sa susunod na gagawin mo yan.. Hindi lang yan ang matitikman mo!!!'' Galit na wika ni Aaron. Sabay talikod sa kanya at lumabas ng cabin...

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang hindi pa nito naisara ang pinto.

"Sa impyerno magyoyosi..." Sagot naman nito sabay pabagsak na isinara ang pinto.

HInaplos ni Rhoanne ang pisngi niya, masakit ang pagkasampal ni Aaron sa kanya kanina. Nagulat siya sa ginawa nito, simula nang maging sila ay ngayon lang siya sinaktan ng pisikal nito. Hindi niya lubos akalaing magagawa ito ng lalake. Tumulo ang kanyang mga luha... Hindi ba siya nagkamali sa desisyon niya na pumayag magpakasal sa lalake? Paano kapag kasal na sila ay pagbuhatan uli siya nito ng kamay? Mas malala pa sa ginawa nito kanina... Biglang bumangon ang pangamba sa dibdib ni Rhoanne sa kinabukasan iya at ng kanyang anak...

"Anak.. Kahit anong mangyari.. Wag kang susuko ha.. Magkasama tayo palagi.. wag mong iwan si Mommy.. Pangako ko anak.. HIndi kita iiwanan.. Mahal na mahal ka ng mommy." Aniya habang hinimas-himas ang kanyang tiyan.

Nakatulogan nalang ni Rhoanne ang paghihintay kay Aaron. Hindi na niya namalayan kung ito'y bumalik na o hindi.

Kinabukasan ay nagising nalang siya na nasa tabi na niya ulit si Aaron. Gisnig na rin ito at nakatitig ito sa kanya. Bigla siyang natakot baka kung anong gagawin nito, ngunit nawala ang kanyang pangamba nang ngumiti ito..

" Good morning hon.." Bati nito. Sabay halik sa kanya sa labi.

" HIndi ka na galit hon?" Tanong niya.

" Pasensya ka na kagabi hon ha... Masyado lang kasi akong nag-alala.. hinanap kasi kita sa buong barko hindi kita makita. Lumabas ako ng barko at hinanap din kita pero wala ka talaga. pagbalik ko dito wala ka pa rin. Sobrang nag-alala ako kagabi." ANiya.

" Sorry din hon.. Umalis ako na hindi ka kasama.. Hindi na mauulit yun..." Aniya.

Pinaunan siya ng lalake sa balikta nito at niyakap siya nang mahigpit. " I love you hon.." Wikang lalake.

" I love you too hon.." Anito.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon