Andrew's Aunt Janice

32 5 0
                                    

Ang hirap palang mag edit sa Polaris Office ng htc kusang tumatakbo ang scroll bigla nalang napupunta sa ibang part ang cursor..huhays... Sana maayos na laptop ko.. O di kaya sana makabili na ng bago...sino gusto magsponsor lewls..Jowks lang po... Pwede then totohanin..harhar..eneweis nakaraos din heto na po kasunod...enjoy reading po.. God bless...ciao!

MjBlue(",)

*********************####*##*#*****####

Alas singko palang ng umaga nang magring ang phone ni Andrew. Nakapikit na inabot ang phone sa kanyang side table at sinagot ito ni hindi man lang tinignan kung sino ang tumawag.

" Hello?" Naiiritang sagot niya.. Gusto pa niya kasing matulog ngunit nagising lang siya sa tawag.

" Hello Andrew darling.. I'm here na..." Wika ng nasa kabilang linya.

" Who's this?" Tanong niya.

" You don't recognize my voice darling?" Tanong nito.

Agad na napabalikwas si Andrew nang makilala niya ang nasa telepono...

" Where do you think you are now?" Tanong niya.

"Nandito na ako sa bahay... Puntahan mo naman ako dito marami tayong pag-uusapan." Wika nito.

" Okay, okay..pupunta na ako diyan.. Why didn't you tell me you're coming?" Aniya.

"Because I just want to surprise you.." Wika nito.

"Surprise me? Are you sure about that?" Tanong niya.

" Well.. it's one though.. and there are some other things I need to do.." Aniya.

" Okay.. I'll just get myself ready and I'll be there at breakfast time.. Are you gonna cook my favorite?" Tanong niya.

" Sure... I will.." Wia nito.

" Gee thanks.. I'll be quick.." Aniya sabay baba ng phone. Dali-dali siyang naligo. Ang Tita Janice niya talaga kapag dumating walang pasabi. Lagi nalang siyang nagugulat... Matagal na rin ang kanyang tita sa Australia. Nakapag-asawa ito ng Australiano na may malaking negosyo doon. Binibigay nito lahat ng gusto ng kanyang tiyahin, nagtayo rin ang kanyang tita ng negosyo doon na siya namang lumago. Ngayon ay pabalik-balik na ito sa Pilipinas, at siya namay Itinuring na nitong parang anak simula nung inabanduna na siya ng kanyang tatay after namatay ang kanyang inay na siyang pinsan lang ng kanyang tita Janice. Parang ina na niya ito at kapag nandito iyon sa pinas ay ipinagluluto siya nito ng kanyang paboritong pagkain.

Pagdating niya ng bahay ay nabungaran niya ang matandang babae na nakawheelchair. Nasa hardin ito at nag-iispray ng mga orchids. Kahit nakawheelchair ay sige pa rin ang pag-aalalaga nito ng mga bulaklak, ito na lamang daw ang kanyang libangan. Nilapitan niya ito...

" Hi lola good morning.." Sabay halik sa pisngi ng matanda.

" Andrew apo.. Mabuti at dumating kana... Nakahanda na ang breakfast.. ikaw nalang ang hinihintay namin." Wika nito.

" Lola.. Kung naghihintay kayo sa akin bakit nandito kayo sa hardin?" Tanong niya.

" Eh kasi apo habang wala ka pa ay mas mainam nang may ginagawa ako.. sayang ang oras ko... tsaka maganda na rin yung nasisinagan ng init ng araw sa umaga.." Anito.

" hay naku tara na lola... mangangamoy araw ka dito.." Sabay tulak ng wheelchair pabalik sa loob ng bahay.

"Andrew!!! I've missed you darling..." Salubong sa kanya ng kanyang tita Janice. " How are you?" Tanong nito.

" I'm doing fine tita.. How are you.. namamayat ka yata..." Aniya.

" Madami kasing iniisip eh..Alam mo na.." Sagot nito.

"Sus!!! O ano nakahanda na ba ang breakfast natin? Gutom na ako on the way pa lang eh.. I never took anything kasi gusto kong kumain dito kasama kayo... Ang hirap pa maghanap ng taxi." Ani Andrew.

" Yes darling.. breakfast is ready... Let's go to the dinning room... Nasaan ba kasi ang kotse mo?" tanong nito.

"Pinatune-up ko kasi, akala ko hindi ako aalis ngayon." Aniya.

Tulak-tulak ni Andrew ang wheelchair ng matanda at habang papunta sila sa dinning room.

" Apo.. kumusta naman na ang trabaho mo? Okay lang ba ang mga amo mo?" Tanong nito.

" Okay lang po lola mababait naman po sila." Ani Andrew.

"Mukha nga silang mabait kasi binigyan kayo ng condo..." Wika nito.

"Lola.. hindi po kami binigyan... hinuhulog-hulugan po namin yun... Pero lesser lang ang presyo..." Ani Andrew.

"Ganoon pa rin yun... Mabuti at may maayos ka nang tirahan... Naalala ko tuloy ang isa kong anak... Nasaan na kaya siya ngayon?" Pag-aalala ng matanda.

Nagkatinginan si Andrew at ang kanyang tita Janice. "Lola.. kung saan man siya ngayon.. I'm sure maayos na po ang lagay nila...Di ba tita Janice?" Ani ANdrew.

"OO naman ma.. " Sang-ayon ni Janice.

Isang mahabang usapan at kwentuhan ang ginawa ng magtiyahin, matagal na rin silang hindi nagkita. Mabuti na lamang at sabado kaya walang pasok si Andrew.

****************************************************************

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon