Medyo mabilis na to. Dami kc naghihintay..hehehe... God bless all of you... Pls po pavote...thanks...
MjBlue(",)
***************************************************
Mainit ang ulo ni Glea ng araw na yun. Tuesday na at wala pa siyang mahanap na paraan kung paano makakasunod sa cruise na sasakyan nila ni Rhoanne at Aaron. gustong-gusto niya talagang sumunod.
Pumasok si Jewel sa opisina niya.
"Glea, may dumating na package para sayo.." Sabi ng kanyang secretary.
"Kanino galing to?" Tanong niya.
" HIndi ko alam, walang nakalagay na sender eh.. Wala ring sinabi ang nagdeliver niya. Check mo nalang.." Wika nito. Lumabas na si Jewel pero nakatitig pa rin si Glea sa envelope na nilapag nito sa kanyang table.
"Ano kaya ang laman nito.." Aniya sa sarili.
Inabot niya iyon at kinakabahang binuksan ang envelope. nagulat siya sa laman nito... Dalawang plane ticket at dalawang ticket ng Carribean Cruise... Napatili si Glea... Agad namang pumasok ang kanyang secretary dahil nag-alala ito sa tili niya..
"Glea anong nangyari?" Tanong agad nito.
"Ah..wala Jewel.. It's okay.. Sorry nagulat kita.." Nakangiting wika niya dito.
"Akala ko kung ano na.. Sige iwanan na kita diyan.." Wika nito.
"Sige.." sagot niya.
Sinilip niya ulit ang laman ng envelope.. tama nga ang nakita niya Tickets.. at dalawa ito. Si Andrew agad ang unang naisip niya. Agad siyang tumayo at nagmamadaling tinungo ang opisina ng kaibigan.
"Anong problema Glea?" Tanong ni Andrew. Hangos kasi itong dumating sa opisina niya.
Inabot nito ang envelope sa kanya.. " Buksan mo daliii!!!" Wika nito.
"bakit ano ba to?" tanong niya habang binubuksan ang envelope.." AAAYYYYYYY!!!!!" Tili nito nang makita ang laman ng envelope. " Glea!! Sinabi ko naman sayo diba na.."
"SSSHHH!! Andrew I swear hindi ko binili yan.. kung bibili man ako isa lang hindi ko kaya ang dalawa. Dumating lang yan dito kanina, dineliver. I din't know I swear kung saan galing yan.." Ani Glea.
" You mean.. Binigay lang to sayo?"
" I don't know.. Maybe yes.. baka alam ng nagbigay niyan na kailangan ko yan.. Whoever she or he is.. maraming salamat sa kanya.." Wika ni Glea.
"So para kanino ang isang ticket na to?" Tanong ni Andrew.
" Di ko pa nakita.. Check mo nga.." Wika ni Glea.
Nang binuklat ni Andrew ang plane ticket.. " HOLY SHIT!!! MY NAME IS IN IT!!! DAMN IT!!!" Mura ni Andrew.
"Talaga!?!? magkasama tayo sa cruise friend!!" Tuwang wika ni Glea.
"OO NGA!!! OMG!! What a very lucky day for me?" Ani Andrew.
"Oo Drew.. ang swerte naman natin.. kanino kaya galing to noh?" Aniya.
" I don't know Glea, but all i know now is we have to go shopping, wala akong getup para sa cruise!!!" Wika nito.
" Ako din.." Sabi ni Glea.
May Idea na si Andrew kung sino ang nagpadala nung ticket, hindi siya pwedeng magkamali. tinawagan niya ito nang umalis na sa opisina niya ang dalaga.
"Narecieve niyo na pala?" wika ng kausap niya.
"Opo.. maraming salamat ha at kasama pa pala ako.." Aniya.
"Bantayan mo siya ha.. Huwag mong hayaang mapahamak siya.. Just suport her... don't worry sa gastos.. Gaya ng dati ipadala mo nalang ang bill sa akin ako na ang bahala.." Wika nito.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...