Brothers

27 2 0
                                    


" Saan kaya pupunta yun?" Tanong ni Jewel sa sarili nang paglabas niya ay nakita niiyang tumatakbo si Arnold patungo sa ospital na katapat ng pharmacy. nagtatakang agad namn niya itong sinundan ang asawa. Naabutan niyang papasok sa pintuan ng isang private room ang asawa at bigla siyang kinabahan lalo na nang paglapit niya ay nakita niya ang nakapangalan doon sa labas ng pintuan.

" ARNOLD?" Narinig niyang gulat na wika ng dalawang tao.

" Hayup ka! Paano mo nagawa kay Glea ito!" Galit na wika ni Arnold kasabay nun ay ang pagtama ng kamao ni Arnold sa mukha ni Lance at sinundan pa ito ng dalawang beses habang hindid pa nakahuma si Lance.

" ARNOLD!! MY GOD! Itigil mo yan!!!" Sigaw naman ng kanilang tiyahin.

Mabilis na sumaklolo si Jewel at niyakap niya si Arnold upang pigilan ito.

" Hayup ka! Dinukot mo si Glea! Anong ginawa mo sa kanya ha? Bakit siya nakaratay ngayon! PUCHA!!! Kasabwat kaba dito tita ha?!?" Galit na galit na tanong ni Arnold habang pilit na kumawala sa pagyakap ni Jewel sa kanya.

" Hindi mo naiintindihan Arnold! Makinig ka! Please wag kang gumawa ng gulo dito... " Pagmamakaawang wika ni Cory.

" NO tita! HInding-hindi ko mapapalagpas ang ginawa ng gagong ito!!!" Galit at pasigaw na wika ni Arnold.

" I love her... Asawa ko siya..." Mahinang wika ni Lance.

" DAMN IT!! Anong asawa? HIndi mo pwedeng maging asawa si Glea! At tsaka tingnan mo anong ginawa mo sa kanya ha?!?!?" Akmang susugod na sana si Arnold ngunit hinarangan siya ni Jewel at niyakap siya paharap.

" ANo ba Arnold tama na!!!" Wika ni Jewel habang buong lakas niyang pinipigilan ang asawa.

" Arnold please calm down... Walang kasalanan si Lance sa pagkakasakit ni Glea..."

Dahil sa ingay na yun ay nagising si Glea at nagulat ito nang makitang nasa silid na si Arnold at Jewel. Nagtatakang palipat-lipat ang tingin niya sa mga taong nandooon.

" A-Arnold? J-Jewel ba-bakit kayo nandito? Papaano niyo nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong niya.

" Wala! Walang nagsabi Glea at nadiskubre ko lang... And tita why the hell did you help him?!?!" Galit na tanong ni Arnold.

" Pamangkin ko siya... He is... he is..."

" ANo tita? He is who???"

" He is your brother! Lance is your brother!!! " Sigaw ni Tita Cory.

" NO WAY!!! HE can't be!!! " Gulat na wika ni Arnold.

Pati si Glea at Jewel ay nagulat din sa kanilang narinig ngunit si Lance ay matagal na niya itong alam kaya't di na siya nagulat na dumating ang araw na ito na magkakaharap din silang magkapatid.

" NO! Hindi ko siya kapatid! And Glea I will tell Tita Janice about this!!!" Wika ni Arnold.

" No Arnold please don't..." Mahinang wika ni Glea.

Galit na umalis si Arnold sa ospital habang nakasunod naman sa kanya si Jewel. Habang nasa byahe ay di natiis ni Jewel na tanungin si Arnold.

" Kailangan mo pa ba talagang sabihin sa kanila kng nasaan si Glea?" Tanong niya dito.

" OFCOURSE! You see? Tumakas siya sa kasunduan, tinakasan niya si tita Janice and worst is kasama niya pa si Lance na hinding-hindi ko matatanggap na kapatid ko!" Galit na wika ni Arnold.

" Bakit? Gusto mo pa rin bang ikasal kay Glea?" DI mapigilan ni Jewel ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Akala niya wala na si Glea sa buhay ni Arnold na siya na talaga ang babaeng mahal nito, ngunit sa nakita niyang reaksyon nito kanina naalala niyang isa lamang pala siyang panakip-butas.

" Anong klaseng tanong ba yan Jewel! Damn it!" Sagot ni Arnold. Sakto namang pagdating nila ng bahay. Agad na bumaba si Jewel at di na niya inantay na pagbuksan siya ng pintuan ng asawa. Patakbong tumungo na siya sa kanyang silid dahil ayaw niyang makita ng lalake ang kanyang paghagulhol.

*****************************************************

Please don't forget to hit the star... Tnx.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon