Things Happen Unexpectedly

51 7 0
                                    

Thank po sa lahat nang nagbabasa ng mga stories ko.. Keep updated lang po... Try niyo rin iba ko pang stories..

LIra

Heart of Mine

Bethroted

MY GIRL, MY BOY

Thank you po... God bless sa ating lahat... Please don't forget to vote.

MjBlue(",)

MY GIRL, MY BOY

Habang nasa elevator si Rhoanne ay biglang nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang sinapupunan.

"Ahhhh..." Daing niya. Sapo niya ang kanyang puson. " Baby.. anong nangyayari sayo?" Aniya.

Naramdaman niyang may likidong dumaloy sa kanyang hita. Kinapa niya ito... Nang tingnan niya ang kanyang mga daliri..

"Diyos ko! Dugo..."

******************************************************

"Tay gusto niyo pong idrive ang kotse ko?" Tanong ni Glea sa ama.

"Ay.. gusto ko yan anak.." Wika naman ng kanyang itay.

"Hay naku Glea! Wag na baka ano pang mangyari sa atin.." Saway ng nanay ni Glea.

"Ano ka ba naman Alma? Noong police pa ako. patrol car ang dala ko... " Wika nito.

"Hay naku Cesar.. Kaya nga ayoko eh.. nasanay ka sa patrol car na Mabilis magpaandar kaya ayoko..." Wika naman ng kanilang ina.

Hindi nila namanlayan na nasa loob na pala ng driver's seat si Allen. Binuksan nito ang bintana ng kotse.

"O ano ba? Hindi ba kayo sasakay?" Tanong nito.

"Ay meron na pala tayong driver eh.." natatawang wika ni Glea.

"Kuuuhhh... talagang batang to oh.. uunahan pa ako.." Sabi ng kanilang ama.

"Hay naku tay.. di mo man lang napansin na pumasok na yan sa loob.. Busy kasi kayo kakaargue ng nanay.." Wika naman ni Glenn... " Ang sweet niyo naman talaga..." Anito.

"Tara na po.. Anong oras na, nang makapagpahinga na tayo." Yaya ni Glea.

"Sige tara na..." Sang-ayon naman ng nanay nila. " Hoy Allen dahan-dahan lang ha!! Ingat sa pagmamaneho.." Bilin ng kanyang inay.

Sa front seat si Glenn habang si Glea naman ay kasama ang mga magulang sa likod na upuan. Masaya silang nagkukwentuhan hanggang sa makarating na ng Condo. Dumaan muna silang car wash at pagkatapos ay doon na bumaba, iniiwan lang ni Glea ang kotse doon kapag nagpapalinis siya. naglakad nalang sila pabalik ng condo dahil nasa tapat lang naman ito. Tamang asaran lang sila ng kanyang mga kapatid at palagi naman silang sinasaway ng kanilang nanay habang ang kanilang itay patawa-tawa lang.

Pumasok ng sila ng condo at agad na dumeretso si Allen sa receptionist doon dahil type niya ito. Sinaway naman siya ng magulang at tinawag na dahil pababa na ang elevator. Nagulat sila nang magbukas ang elevator...

"Rhoanne?" Biglang sambit ng kanyang nanay.

Dumadaloy ang dugo sa hita nito. " Tu-tulungan niyo po ako..." Wika ni Rhoanne.

"Ineng ano bang nangyari sayo? Diyos ko!!!" Natarantang tanong ni Alma.

"Nay ang baby ko..." Daing ni Rhoanne.

Biglang lumapit ang ama ni Glea kay Rhoanne at binuhat ang babae.. " Dadalhin ka namin sa Doctor..." Wika nito.

Samantalang si Glea ay natulala at di alam ang gagawin.

"GLEA!! ANO KABA?!?!?" Tawag sa kanya ng kanyang nanay.

Bigla siyang natauhan at agad na sumunod sa mga ito. Nagpaiwan naman ang dalawa niyang kapatid at iniwan niya ang susi ng condo, agad niyang tinakbo ang kotse sa katapat ng condo, mabuti na lamang at hindi pa ito nasimulang linisin.

Dagling isinikay ng kanyang ama sa kotse si Rhoanne, kasunod naman si nanay Alama niya. Agad niyang pinaharurot ang kotse papuntang hospital.

Habang nasa sasakyan nagdideleheryo si Rhoanne. " nay ang baby ko.. ang baby ko..huhuhu..." Umiiyak na wika nito.

" Magpakatatag ka ineng... Ipagdasal natin ang anak mo na kumapit pa..." Wika nito.

Parang ina ni Rhoanne si Aling Alma ng mga oras na yun. Pilit niyang pinapakalma si Rhoanne at inaalo dahil iyak ito nang iyak.

Tahimik lang si Glea habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya... Parang gusto niyang maawa kay Rhoanne, pero nandoon pa rin ang kanyang galit. Subalit walang kasalanan ang bata, hindi pwedeng may mangyaring masama sa bata.

" Glea! Bilisan mo!!!" Utos ng kanyang ina.

"Yan na po nay.. Binilisan ko na po.." Aniya.

Nang makarating na sila ng hospital ay agad namang inasikaso si Rhoanne ng mga doctor. Ang sabi ng doctor ay masyadong nastress si Rhoanne kaya ito nagdurugo, masamang mastress ang isang buntis, nakakasama ito sa bata at baka ito ay malaglag. mabuti na lamang at matibay ang kapit ng bata. Nilipat na si Rhoanne sa isang private room matapos siya asikasuhin ng doktor. Tinawagan niya si Lance para sabihin kay Aaron ang nangyari. Nasa cashier si Glea kausap ang nurse para macheck ang bill. Walang Aaron na dumating, si Lance ang dumating.

"Nasaan siya?" Tanong ni Lance sa kanya.

"Room 407 ." Sagot niya.

"Kumusta na siya?" Tanong nito.

"She's fine, the baby is fine in case you wanna know.." Aniya.

"Okay...puntahan ko muna siya." Sabi nito sabay alis na agad.

Nagpipirma siya ng mga papers nang dumating ang kanyang nanay...

"Kumusta na siya nay?" Tanong niya habang nakayuko at nagpipirma. Alam niyang galing na doon ang kanyang inay. Ito ang sumasama kay Rhoanne mula nang lumabas ito ng emergency room. Wala siyang narinig na sagot mula sa inay niya. Kaya umangat siya ng tingin.

PAAK!!! Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa kanyang inay.

"Nay..."

"Ganun ba kita pinalaki Glea? Ang maghimagsik? Ang maging masama?" Galilt na tanong ng kanyang ina.

"Nay.. Ginawa ko lang naman yun dahil.."

"Dahil nasaktan ka? Dahil sinaktan ka niya? Wala na ba sa bokabularyo mo ang magpatawad Glea? Kasama na ba sa pagbabago ng mukha mo ang ugali mo? Kung gaano kaganda ay siyang pangit naman ng ugali?" Wika nito.

"Nay... Masyado po akong nasaktan... Gusto ko lang maramdaman ni Rhoanne ang sakit na naramdaman ko nung ginawa niya sa akin iyon..." Pahayag ni Glea.

"Binalaan na kita Glea... Bago ka palang pumunta dito.. Ang sabi ko kung pupunta ka lang ng maynila upang hanapin at maghiganti kay Rhoanne mas mabuti pang wag ka nalang umalis. Sinabi mong hindi mo gagawin yun... Anong nangyari Glea? Ginamit mo ang sarili mo para akitin ang nobyo ni Rhoanne? ANo? May nangyari na ba sa inyo? Ha!!! Sumagot ka! May nangyari na ba sa inyo???" Halos sabunutan siya ng kanyang inay.

"Wala po nay.. Wala po..huhuhu.. Wala po akong balak ibigay sa kanya ang pagkababae ko..." Umiiyak na wika ni Glea. " Sorry po nay.. sorry po.. Masyado lang pong napuno ang utak at puso ko sa galit... Kaya di na ako nag-iisip ng kabutihan.. Patawarin niyo na po ako inay...huhuhu..." Ani Glea.

"Ayusin mo to Glea! Ayusin mo itong ginawa mong kalokohan!!!" Wika ng kanyang inay. Sabay talikod sa kanya at pumunta na ito sa kwarto ni Rhoanne.

**************************************

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon