Torn

49 4 0
                                    

censya na po sa typo errors next year na ako mag edit..hehhe piz...

*************************************

Nasa labas na agad si Arnold naghihintay sa kanya. nang makita siya nitong maraming dala ay agad siya nitong sinalubong at kinuha sa kanya ang box na bitbit niya.

" Thanks." Aniya.

"Mabuti na lamang pala naisipan kong sunduin ka... Wala ka palang dalang kotse.." Aniya.

" Yeah.. I have to return the car too... It's company's car inissue lang sa akin noong dumating ako..." Aniya.

" So when are you going to get you things at your condo?" Tanong nito.

" Baka bukas nalang wala naman na akong pasok, tsaka konti lang naman yun, just my clothes and some of my stuff... Company provided pa rin ang mga gamit ko doon kaya wala akong ibang dadalhin." Aniya.

"Sobrang mahal na mahal ka ng kompanya mo ah, binigay sayo lahat.." Anito.

" HAhaha... you bet.. nahihiya nga ako kanina eh.. kasi napakabait nila sa akin but I just turn my back on them.. Pati mga staff ko nalungkot rin, You know i've handled them well." Aniya.

" I can see that... And I can see that you will handle well you mother's business too.." Aniya.

" Let's see to that.." Aniya.

Dinala siya ni Arnold sa isang classy na restaurant. Masarap kasama ang lalake, palagi siya nitong pinapatawa at hindi ito boring kausap. Magkasundo sila sa maraming bagay.

" Your mom told me to introduce to you some of our business that our parents are partners para daw madali ang pagturo ko sayo and at the same time nagagampanan ko ang trabaho ko.. Multi-tasking ano? Si tita talaga tinitake advantage ako..." Anito.

" Hahaha.. Close kayo eh..."

" Yun lang... Kaya binabanatan ako ng utos... Anyway di naman ako nagrereklamo.. Napansin ko lang..." Aniya. " It's a great pleasure to be with a very beautiful lady.." Dagdag pa nito.

" Ay sus!! Subukan mo pang mambola ulit at malalaman mo kung sino ako..." Aniya.

"HAhaha.. I know you.. Ikaw kaya si Glydel..." Anito.

" Ah.. Mali pala.. malalaman mo kung ano ako..."

"Bakit? Ano ka ba?" Tanong niya.

" Isa akong lalake noh!! nagtatago sa katawan ng babae..hahaha" Aniya.

"Awww... nakakatakot..." Anito na may kasama pang panginginig.

" BAliw!!!" Aniya at sabay nagtawanan silang dalawa.

****************************

Sumilip si Lance kay Glea after niya pinabigay kay Jewel ang envelope, ngunit di man lang nito binuksan at inilagay lang ito sa kanyang bag. may kausap ito sa telepono at agad namang umalis sa opisina bitbit ang box na may laman ng kanyang gamit. Sinundan niya ito ng tingin, para siyang stalker ng babae dahil hanggang sa baba ay sinundan niya ito nang patago.

Nakita niyang may sumalubong na lalake kay Glea. Yun na siguro si Arnold Jacinto ang tinutukoy ni Andrew. Parang palagay ang loob ni Glea sa lalake.. At halatang magkasundo ang dalawa. Nakaramdam ng pagseselos si Lance. Mukha yatang magkakaroon siya ng karibal sa babae.

Nanlulumong isinara niyang muli ang elevator at bumalik sa kanyang opisina.

"Glydel... How will I get you back?" Aniya sa sarili.

**********************************

Kinabukasan ay pumunta si Glea sa condo unit niya upang iligpit ang kanyang mga damit. Sinamahan siya ng nanay Alma niya upang makatulong ito sa kanyang pagliligpit.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon