Tahimik buong byahe nila si Lance at Glea. Nang tinanggal na ang cast sa kanyang paa ay agad siyang lumipad papuntang US upang sunduin ang asawa. Pinauwi na niya si Arnold dahil may obligasyon pa ito sa kanyang asawang nagdadalang tao. HIndi niya muna sinabi dito na asawa siya ni Glea. Nagpakilala lang siyang malapit na kaibigan nito at mukhang nagtiwala naman sa kanya.
" Who is he?" Tanong ni Glea kay Arnold nang dumating si Lance.
Malungkot na nagtinginan ang magkapatid. Ramdam ni Arnold ang lungkot na nararamdaman ni Lance dahil hindi ito kilala ng asawa.
" Ah I'm one of your closest friend like Arnold. I am his brother and he needs to go home because his wife is pregnant. " Paliwanag niya.
Nagtataka ang tingin ni Arnold sa kapatid bakit hindi ito nagpakilalang asawa siya nito.
" Kaya pala parang pamilyar ka sa akin, siguro madami rin tayong memories na nawala sa ala-ala ko.. Pasensya ka na ha..." Wika ni Glea.
' It's okay, I understand..." Sagot ni Lance.
" Samahan mo muna ako sa labas Lance, ituturo ko ang room mo..." Ani Arnold.
Sumunod naman si Lance nang magpaalam na siya kay Glea sandali.
" What was that?" Tanong ni Arnold.
" Ayokong mapilitan siyang pakisamahan ako bilang asawa nung wala naman siyang ala-ala..." Malungkot na wika ni Lance.
" Paano kung hindi bumalik ang kanyang alaala? Habang buhay ka nalang magsisinungaling sa kanya? " Tanong ni Arnold.
" Dahan-dahan akong manliligaw sa kanya... Hindi pa sa ngayon pero kapag wala na talagang pag-asa..." Aniya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Arnold. Naaawa siya sa kapatid.
" Ikaw ang bahala... Pero sana bumalik na ang kanyang alaala... " Wika niya.
" Wag kang mag-aalala, ako na ang bahala. Umuwi ka na at kailangan ka ng asawa mo... Utang ko sa'yo ang laha Arnold... Maraming salamat..." Anito.
" Wala kang utang Lance... I just did the right thing...."
" Are you okay?" Tanong niya sa katabi.
' Yeah i'm fine... I was just thinking about when we arrive..." Anito sa kanya.
" Bakit? May problema ba?" Tanong ni Lance.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Glea bago magsalita.
" I have no memories, paano yung mga taong naghihintay sa akin doon... Hindi ko sila makikilala... I will hurt their feelings..." Malungkot na wika nito.
" You don't have to worry about it, like me they will understand... But like me sana hayaan mo silang alagaan at mahalin ka..." ANi Lance.
Halos isang buwan din siyang nag-alaga kay Glea bago pa ito tuluyang makabangon at magkapaglakad nang maayos. Sa buong therapy nito ay nandoon siya palagi para umalalay. May minsang iritable ang babae na parang nawawalan na nang pag-asa ngunit palagi siyang nandoon nagtatyagang intindihin siya kahit na sinisigawan siya nito.
" Pasensya ka na those times na sinusungitan kita... Nandoon ka pa din at napakahaba ng pasensya mo... SOmetimes I wonder if you were just a friend or we could have been more than that..." Anito.
Parang kinurot ang kanyang puso nang marinig niya iyon mula sa dalaga... Pero ayaw niyang magsalita, ayaw niyang isipin ng babae na mapagsamantala siya...
" Take a rest Glea, mapapagod ang utak mo mamaya kapag madami ka nang makaharap.." ANiya sa babae.
Biglang kinuha ni Glea ang kanyang braso at umunan ito sa kanyang dibdib habang ipanapulupot nito sa kanyang leeg ang braso ng lalake.
" Feels like so warm in here... I feel so safe..." Wika ng babae.
Pagtingin ni Lance ay nakapikit na pala ito. Marahan niyang hinalikan ang buhok ng asawa. Napakabango nito.
" Sana bumalik na ang alaala mo mahal ko..." ANiya sa isip niya.
" GLEA!!!!" Tumatakbong sumalubong sa kanila ang nanay Alma ni Glea.
Nakatitig lang si Glea pagkatapos ay lumingon siya kay Lance na parang nagtatanong.
" She will tell you..." Aniya.
Yumakap ng mahigpit si Alma sa kanya. Umiiyak pa ito. Bumitaw ito nang mahalatang nagtataka pa si Glea.
" Anak pasensya na.. Ako ang nanay Alma mo... Ako ang kinikilala mong nanay mula pagkabata... Kapatid ako ng mama Janice mo..." Wika nito.
" Ako naman ang tatay Cesar mo at sila ang dalawa mong kapatid si Allen at Glen..." Pakilala naman ng kanilang tatay.
" Pasensya na po kung di ko maalala..." Naiiyak na wika ni Glea.
" Shhhh... Alam namin anak wag kang mag-alala... Naiintindihan namin.. Wag kang mag-alala..." Alo sa kanya ng ina.
" Tara na sa loob nang makapagpahinga kayaong dalawa..." Yaya naman ni Cesar sa kanila.
" Ah, tay uwi na rin po muna ako..." Paalam ni Lance.
" Ha akala ko ba eh..."
" Uwi na po muna ako..." May ibig-sabihin ang tingin ni Lance sa ina ni Glea.
" Ah sige..." Wika ni Alma na parang naintindihan ang sinasabi ng mata ni Lance.
" So pano, bibisitahin nalang kita dito ha... " Paalam ni Lance kay Glea.
Biglang niyakap ni Glea si Lance.
" Sobrang thank you talaga sa lahat na ginawa mo para sa akin... I owe you alot.. At promise ha... BIbisita ka sa akin..." Wika ni Glea.
" P-promise.." Sagot ni Lance.
" Hatid na kita anak sa labas..." Wika ni Alma.
Tahimik silang dalawang lumabas papunta sa sasakyan.
" Sigurado kang okay ka lang?" Biglang tanong ni Nanay Alma nang pasakay na siya.
Bigla siyang bumalik at yumakap sa ama ni Glea saka niya pinakawalan ang hagulhol na matagal na niyang pinipigil.
" Ang hirap nay... Hindi ako nagpakilala sa kanyang asawa, gusto kong hintaying bumalik ang alaala niya at siya mismo ang makaalala sa akin..." Wika ni Lance habang umiiyak.
" Naiintindihan kita anak... Hayaan mo ipagdadasal natin yan at tutulungan kitang ibalik ang alaala ng anak ko... " Anang matanda.
" Maraming samalat po nay..."
" Hindi anak... Ako ang dapat magpasalamat sa'yo..." Wika ng ginang.
**********************************
Don't forget to hit the star button po.. Thanks... Bhadzz (",)
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...