Getting Away

50 4 0
                                    

Enjoy reading.. Dont forget to vote... Thanks...

MjBlue(",)

#-__--#-__----__-#---~~~~~~~~|~~~~~~|~~

MY GIRL, MY BOY

Nagfile ng leave Aaron ng dalawang linggo. HIndi alam ng secretary nito kung saan puunta ang lalake. Nagngingitngit si Glea, dahil hindi nagpakita si Aaron sa kanya simula nung hindi ito sumipot noong gabing hinintay niya ito. Pinuntahan niya ang unit nito ngunit wala ito. Nakailang doorbell siya dito ay walang lumalabas na Aaron.

"Baka nag-out of town trip kasama ang girlfriend mam.." Sabi ng secretary ni Aaron ng tumawag siya upang tanungin kung pumasok ang lalake.

"Wala ba siyang nabanggit kung saan?" tanong ni Glea.

"Wala mam eh...' Sagot nito.

" Ahh.. okay..sige thank you.." Aniya. Sabay baba ng telepono. " Bullshit ka Aaron.. nasaan na kayong dalawa?" Galit niyang tanong.

Maya-maya ay pumasok si Andrew sa opisina niya.

"Positive Glea, umalis nga si Aaron... Bumili ito ng ticket for Cruise. magkasama silang dalawa ni Rhoanne na sumakay sa Carribean Cruise nitong lunes lang ng umaga." Balita ni Andrew.

" DAMN IT!! Tinakasan ako ng Aaron na yun ah!!!" aniya.

"Relax.. babalik din yun.. Wag kang mag-alala.. Aaron can't resist you.." Wika ni Andrew.

"Magkano ba ang CARRIBEAN CRUISE na yun Andrew?" Tanong niya.

"Uhmmm.. depende sa cruise ship na sinakyan nila.. kapag mamahalin.. aabutin ng mga half million.." Wika ni Andrew.

Half million? mauubos ang ipon niya kapag susunod siya sa mga iyon.. nagpaplano pa naman siyang ipagtour ang pamilya niya sa Singapore kaya niya inipon yun.

"Uy Glea, I would not suggest na sumunod ka... maghintay ka dito.. Wag mong sayangin ang pera mo para diyan.." Wika ni Andrew.

"Pero Andrew kailangan kong makasunod sa kanila.. Paano kung pagkatapos nilang mag-cruise ay hindi ko na maakit si Aaron dahil nakafocus na siya kay Rhoanne? Hindi maari yun.. Kailangan kong sirain ang kasiyahan nila.." Aniya.

"Glea naman!! tama na yung panaka-nakang pag-akit mo kay Aaron, hindi na pwedeng yang gagastos ka nang ganyan.. mas mabuti pang ibigay mo na lang sa pamilya mo ang pambili mo ng ganyan..." Payo ni Andrew.

Hindi na umimik si Glea.. Pero nasa isip pa rin niya ang maghanap ng paraan kung paano makakasunod sa dalawa sa Carribean Cruise. Napag-alaman niyang thursday night pa ang alis ng barko sa kung saan ito nakadaong ngayon. HInihintay pa ang ibang mga pasahero na galing sa ibang bansa. Kailangang makaalis agad siya.

**************************************************************

Sunday

Tanghali nang nagising si Rhoanne. Simula kasi nang mabuntis siya ay panay ang kanyang tulog. palagi siyang inaantok kahit na madami naman siyang tulog. Pagising niya ay wala si Aaron, nakita niya sa side table niya ang pagkain na hinanda nito para sa kanya at may nakalagay na note.

-hon, i'll be back in an hour.. i love you.

Ngumiti siya at tinupi ang note. Nilagay niya ito sa maliit na drawer ng side table, at kinain niya ang hinanda ng lalake. Pagkataos kumain ay humiga siya ulit sa kama... Hinimas-himas niya ang kanyang tiyan. hindi pa naman ito naumbok, pero ramdam niya ang buhay sa ilalim nito.

"Anak ko.. Sobrang saya ng mommy dahil dumating ka sa buhay ko... Pangako ko sayo.. Walang sinuman ang makakapanakit sayo.. mahal ka namin ng daddy mo.. I can't wait to hold you in my arms na baby..." Aniya dito. Nakatulog nanaman siya ulit.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon