The Capture

29 2 0
                                    


hokaayyyy... Tapusin na natin to!!! Pasensya na po at natagalan.. pero heto na po ang huling apat na yugto ng kwentong ilang taon na ring hanging....


Maraming salamat po sa pagbabasa.. Atin pong ikalat... Thank u thank u thank u!!!!


God bless you all.. Ciao! 


*******************************************************************************************


Kasama ni Arnold ang mga kapulisan mula New York City Police station. Sa matagal na nilang paghahanap sa wakas ay nahanap na rin nila ang lokasyon kung saan nagtatago si Janice at kung saan niya itinago si Glea. HUminto sila sa harap ng isang mataas na puting gate kung saan nakasaad ang address na ibinigay sa kanila ng isang doktor. Sinuyod nila ang lahat ng Hospital sa Amerika upang malaman kung saan si Glea, kaya pala wala silang makita dahil pagkatapos ng operasyon ay agad na inuwi si Glea at doon na ipinagpatuloy ang paggamot.

Isa-isa silang bumaba sa sasakyan at ang naunang pulis na ang kumausap sa gwardiya. Agad namang pinapasok sila nang ipinakita ang warrant of Arrest para kay Janice.

" Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito Arnold!!" Galit na wika ni Janice sa kanya.

" HIndi magbabayad tita, wala akong kasalanan sa'yo. Ikaw ang magbabayad sa kasalanang nagawa mo and I think I just did the right thing." Sagot ni Arnold.

" Gusto ko lang iligtas ang anak ko sa kapahamakan na idudulot ng lalakeng iyon!" Aniya.

" Mahal ni Lance si Glea bakit siya mapapahamak? Tama na ang pagtanim mo ng galit tita, pati ang kaligayahan ng anak mo ay nadadamay.." Ani Arnold.

" Nadadamay? Mali ba Arnold na protektahan ang anak ko? Kung hindi ko siya kinuha, malamang wala na siya ngayon. Niligtas ko lang siya."

" OO tita niligtas mo siya, pero meron kang ginawang masama. Kailangan bang pumatay ka ng tao para lang mangyari yun? Kung masama ang ginawa ng mama ko sa inyo noon, anong kaibahan mo sa ginagawa mo? Dahil diyan sa galit mo maraming nadadamay!!" Galit na wika ni Arnold.

" Hindi! Hindi ako makakapayag na mapupunta si Glea kay Lance o sa pamilya niyo! NO WAY!!!"

" Wala kang magagawa tita, nagmamahalan silang dalawa at hindi mo sila mapipigilan. Sa ngayon may pagbabayaran ka sa batas at kay Lance."

" Tignan natin... " Wika ni Janice na parang may masamang iniisip.

" Take her now..." Wika ni Arnold sa mga police at hinarap niya ang mga nurse na nandoon.

" Where is she?" Tanong niya sa mga ito.

Dinala siya ng dalawang nurse sa kwarto ng babaeng hinahanap niya. Tumulo ang luha niya nang pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang katawan ng dalaga sa higaan. Marami pa ring aparatus ang nakakabit sa kanya. Nakabukas ang mga mata na nakatitig lamang sa kesame. Mabilis niyang pinahid ang luha at dahan-dahan siyang lumapit dito.

" G-Glea..." Nanginginig ang boses niya nang sambitin ang pangalan nito.

Marahang ginalaw ni Glea ang ulo palingon sa kanya, halatang hirap pa ito sapagkat may bendahe pa ang ulo. Tinitigan siya nito nang matagal at biglanag kumunot ang noo.

" W-Who are you? "

Sa tanong na yun biglang gumuho ang mundo ni Arnold, agad na pumasok sa isip niya ang kapatid. Lumingon siya sa dalawang nurse na nakabantay, nagtatanong ang kanyang mga mata.

" That is the effect of the operation, the doctor said. She's in coma for three months and when she woke up yesterday she don't remember anything. She doesn't even know her name." Explain ng nurse.

" God! " Mahinang sambit ni Arnold. "Paano na si Lance? Paano niya maalala ang kapatid ko? " Tanong niya sa kanyang isipan.


**************************************************************


Don't forget to hit the star po.. Thanks.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon