Hi p sa lahat ng readers..please don't forget to vote, shre and comments po..Thanks..
**************************************************MjBlue(",)********************************
*******************************************************************************************
MY GIRL, MY BOY
Buong araw ginugol ng grupo ang pagshoshoot sa ad ni Glea. Binalikan nila ang dating laro ni Glea ng basketball. Pinagsuot din siya nito ng panlalaking damit tanda ng pag-alala kung ano ang hitsura niya dati. Part ito ng ipapakita nilang ad na total transformation.
Nagshoot din sila ng baskeball game na kasali kunwari si Glea. Nasa university sila nila ngayon kung saan siya nag-aral ng college. Naalala niya ang mga panahong nag-aaral pa siya dito. Bawat sulok ng school ay nakikita niya silang dalawa ni Rhoanne. Nakatayo siya ngayon sa tambayan nila palagi ni Rhoanne kapag vacant period nila.
Parang naririnig niya ang halakhakan nilang dalawa, ang kanilang harutan at minsa'y awayan. Nakaramdam siya ng pangungulila kay Rhoanne. Di niya namalayang pumatak ang kanyang luha. Agad niya itong pinunasan dahil baka may makakita sa kanya.
Ngunit hindi iyon nakaligtas kay Lance na sumunod pala sa kanya. Nagtaka ang lalake kung saan siya pupunta, yun pala ay sa tambayan ng mga estudyante kapag vacant period.
"Naalala mo siya ano? Let me guess.. Dito kayo palaging tumatambay ano?" Wika ni Lance.
Nilingon niya ang lalake. Malungkot siyang sumang-ayon sa sinabi nito. " We spend most of our vacant time here... Parang naririnig ko pa ang tawanan namin..." Aniya.
"You must love her that much.." Wika ni Lance sabay upo sa isang mahabang upuan ng mga estudyante. Tumabi na rin si Glea.
"Hindi siguro ako magkakaganito kung hindi.." Ani Glea.
"Then why do you wan't to hurt her kung mahal mo siya?" Tanong nito.
"Dahil sobrang sakit ang ginawa niya sa akin..." Sagot niya.
"Alam mo.. Siguro may purpose kung bakit nangyari yun, may purpose kung bakit siya inilayo sayo ng panginoon... May mas maganda plano sayo si Lord kaya yun nangyari..." Sabi ni Lance.
" Kelan ka pa naging pastor Lance?" Tanong niya.
"Well i'm just saying.. kasi you have a choice naman eh.. Ang ganda na ng buhay mo ngayon Glea.. You have a high position in the company, good salary... Model ka pa... and you are so intelligent. Why waste your time for stupid revenge when you can move on with your life, as well as the can move on..." Payo ni lance.
" At ano ? Hahayaan ko nalang ang ginawa nila sa akin? Balewala nalang ba ang naramdaman kong sakit sa ginawa nila sa akin? Hindi mo naman maintindihan yun dahil hindi naman ikaw ang nasaktan eh.. Hindi ikaw ang niloko.. " Ani Glea.
" I understand Glea, galing na ako diyan... I love someone else pero naagaw ng iba sa akin. But I learned to let go and move on.. OO masakit dahil niloko ka, pinaasa ngunit umasa ka naman sa wala... But i happens.. It often happens... " Wika ni Lance.
"Magkaiba tayo lance.. Kung ikaw okay lang sayo.. Ako hindi.." Sabi ni Glea.
"Ikaw kung yan ang makakapagpagaan ng loob mo then go for it... As iv'e said hindi ko tinotolerate ang gusto mong gawin.. What I'm doing is for the company. HIndi ko sinasabing sang-ayun ako.. nasa sa iyo na yun.. But one thing is for sure... You won't be happy hangga't hatred at bitterness ang laman ng puso mo.. Dapat sana maglet go ka na, magpatawad at mag move on... Talo ka kasi.. Sila masaya na ikaw still hunted by your bitterness in the past." Wika ni Lance.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...