THe Doubt

40 7 0
                                    

Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

***************************************************************

Inayos na ni Rhoanne ang kanilang mga gamit. Kinabukasan ay dadaong na ang barko sa Amsterdam at bababa na sila para umuwi na. Nagdesisyon si Aaron na doon na talaga siya tumira sa condo unit nito. Hindi na ulit nangyari ang pananakit ni Aaron sa kanya. Nagiging malambing na ulit ito sa kanya.

Habang nagtutupi siya ng damit ni Aaron ay napansin niya ang puting t-shirt nito na may bakas ng lipstick. Hindi ito ang kulang na ginagamit niya mas dark itong nasa t-shirt niya kaya sigurado siyang hindi sa kanya.

Biglang kinabahan si Rhoanne. HIndi ba nagloloko si Aaron? Nandito din ba sa barkong ito ang kinalolokohan ng nobyo niya? Ito ba ang dahilang nang minang pag-alis ni Aaron sa kwarto nila? Ilang beses ding nangyaring umaalis si Aaron sa kwarto nila. nagpapaalam itong m agyoyosi, di naman siya pwedeng sumama dahil nakakasama ito sa baby niya. Matagal itong bumabalik kung iisipin mong nagyoyosi lang siguro mga isang kaha ang naubos nito.

Biglang kinutuban si Rhoanne... Grabe ang kanyang kaba... Hindi niya mawari... Tumutulo ang kanyang mga luha hindi niya matanggap na niloloko siya nito.

"Sino ang babaeng yun Aaron? Sino?" Aniya at tuluyan na siyang umiyak. Narinig niyang pumihit ang doorknob ng cabin nila. Agad siyang tumayo at tumungo sa banyo. Ayaw niyang ipakita kay Aaron na umiiyak siya. Gusto niya munang tiyakin ang lahat bago niya komprontahin ang lalake.

Pinaandar niya ang tubig at naghilamos siya.

"Hon! May dala na akong dinner natin..." Sabi nito mula sa labas ng banyo.

" O sige hon, saglit lang..." Sagot niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa banyo.. Patuloy parin ang pag-agos ng luha niya kahit naghilamos na siya. Mahina ang kanyang paghikbi pero ang kanyang damdamin ay para nang sasabog. Gusto niyang humiyaw nang humiyaw at magngangawa sa natuklasan niya.

Samantala habang nag-aayos si Aaron sa kakainin nila ay napansin niyang inayos na pala ni Rhoanne ang mga gamit nila. ANg bag niya pa lang ang kasalukuyang hindi pa tapos. Kasama doon sa mga hindi pa natuping gamit na marurumi ay ang t-shirt niyang puti.. napansin niya meron pala itong marka ng lipstick ni Glea. Napangiti siya... Pilyang babae yun.. may lipstick pala ang t-shirt niya. Agad niya itong kinuha at isinuksok sa pinakailalim ng mga damit niyang naayos na. Baka mapansin ito ni Rhoanne, mabuti na lamang at hindi pa niya ito nagalaw.

Lumabas na si Rhoanne mula sa cr, bagong hilamos ito at nagpupunas pa nang mukha. Ngumiti ito pagkatingin sa kanya.

"Kain na tayo hon.. gutom na ako.." Yaya niya sa nobya.

Lumapit naman si Rhoanne at normal lang na kumain na rin ito kasabay si Aaron. Pilit ang kanyang pagtawa sa mga jokes nito, pilit niyang tinatago ang kanyang nararamdaman. hanggang sa pagtulog ay nagkukunwari siyang walang alam... Bago sila natulog ay may nangyari pa sa kanila.. Nagkukunwari ilang din siyang nasasarapan pero sa totoo hindi niya iyon maramdaman dahil laging pumpasok sa isip niya na may ibang babae ang nobyo. At nandito pa sa barko.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon