I Will Make Your Life Miserable

49 6 1
                                    

Happy reading po...

MjBlue(",)

****************************************************

Plano ni Rhoanne na isurprise si Aaron sa pagdating niya. Kaya naisipan niyang mauna nang pumunta sa condo, meron naman siyang extra susi na binigay sa kanya ni Aaron. Ipagluluto niya ang lalake at aayusin niya ang lugar na maging romantic ito. Excited na si Rhoanne na ipaalam kay Aaron ang maganda niyang balita dito.

Pagdating niya sa condo ay nakita niya ang bagahe ni Aaron. Nakauwi na pala siya, di man lang siya nito tinawagan.

"Baka nagmamadali lang..." Aniya. Mabuti na nandito na ang lalake para pag-uwi mamaya ay balitaan na iya ito. Nilisnis niya ang unit ni Aaron, inayos at pinabanguhan. Nagluto din siya ng paborito nitong pagkain at sinet niya ang table with candle light. Nagpatugtog ng romantic songs. naligo siya at nagsuot ng sexy na damit. Naghintay siya nang konti nang may kumatok sa pintuan. Nagtaka siya dahil kung si Aaron yun ay kusa itong papasok at hindi na kakatok pa. Tumayo siya at tinungo ang pintuan.. Nanlaki ang mata niya nang pagbuksan ito.. Hindi si Aaron ang dumating.. Si Glea.. Nakasuot ito manipis na damit at klaro ang pang-ilalim nito.

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Tanong niya.
*****************************************
Maagang umuwi si Glea, nagpaalam siya kay Jewel na mauna na siyang umuwi dahil masama ang kanyang pakiramdam. nagpaalam na rin siya kay Andrew. Pagdating sa condo ay pabagsak siyang humiga sa kama. Nanghihina ang kanyang katawan at masakit ang kanyang ulo... bahagya siyang nakaidlip nang magring ang kanyang cellphone. Ang kapatid niyang si Glenn ang tumatawag...

"Hello kuya.. Kumusta?" Agad niyang tanong dito.
"Mabuti naman Glea, o ano kumusta ang Singapore? Natutulog ka na ba? pasensya na ha, ito kasing si nanay ang kulit gusto ka nang tawagan.." Wika ni Glenn.

"Maganda naman ang Singapore, marami nga akong pinamili para sa inyo.. Ipapabagahe ko nalang diyan..." Aniya.

"Ganun ba? Wow.. Ang bait talaga ni utol, di talaga kami kinalimutan.." Wika ni Glenn.

" Syempre naman kuya, di pwedeng kalimutan ko kayo..."

" Pero wag mo nang ibagahe, pupunta kami diyan.. nakapag-ipon na kami ni Allen at isasama namin si Nanay at tatay. Ipasyal mo kami diyan ha..." sabi ni Glen.

"Talaga? Kelan naman? Excited na ako.." Wika ni Glea.

"Basta tatawagan ka namin pag naconfirm na ang bakasyon namin.." Sabi ni Glenn. " O heto na si Nanay na makulit gusto kang kausapi.." Sabi nito sabay bigay ng telpono sa nanay nila.

"Hello anak, glea.. mabuti naman at nakauwi ka nang maayos mula Singapore.. Kumusta ka naman doon? Di ka ba nahirapan/" Tanong agad ng kanyang ina.

" HIndi naman po nay, okay lang po ako doon.. Ang ganda doon nay.. balang araw dadalhin ko kayo sa Songapore mamasyal tayo.." Aniya.

" Talaga? magandang ideya yan anak.. sabihin ko sa dalwa mong kapatid na mag-ipon ulit para makatulong naman sayo kung sakali.." Anito.

" Walang problema sa gastusin nay.. Akong bahala.." Sagot ni Glea.
"Hindi anak, nakakahiya namang sayo lahat.. tutulong din kami.. meron naman kaming kauning negosyo ng tatay mo.. at ang mga kapatid mo ay may trabaho naman..."

"Nay yang negosyo niyo para sa inyo talaga yan.. Wag niyong galawin sa kung anu-ano.. Kung tutuusin nay ang gagawin ko ay kulang pa sa lahat nang ginawa niyo ni tatay sa akin, sa aming magkakapatid. Malaki ang utang ko s inyo nay.. Kaya this time ako naman ang baabwi.." Ani Glea.

"Anak.. Wala kang utang sa amin... Obligasyon naming mga magulang ang ibigay ang pangangailangan niyo. Walang bayad yun.. Ang pagmamahal nito ay tama nang kabayaran sa lahat ng sakripisyo na among nagawa para sa inyo dahil alam mo naman yan anak.. mahal na mahal namin kayo ni tatay niyo." Pahayag ng kanyang ina.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon