Enjoy reading po..pavote nalang... Thanks...
MjBlue(",)
*******************************************
"WOW hon... ang laki namanng barkong ito!!" Bulalas ni Rhoanne. " Parang palasyo!!!" Wika niya.
Natatawa naman si Aaron habang pinanood ang nobya na tumatakbo papalapit sa malaking cruise ship na sasakyan nila. Noong lunes ng gabi sila dumating sa Amsterdam kung saan nakadaong ang barko, ngunit hindi muna sila sumakay doon dahil hindi pa naman ito aalis. Tumuloy muna sila sa isang hotel at doon nagpalipas ng gabi. Kinabukasan ay ipinasyal niya ang nobya at ipinagshopping na rin. Namili rin sila ng mga gamit ng baby kahit di pa nila alam ang kasarian nito.
"Anong gusto mo hon? Boy o girl?" Tanong nito habang namimili sila ng gamit.
"Syempre lalake ang gusto kung unang baby.. Pero kung hindi man, okay lang anak ko pa rin naman yun eh... Mamahalin ko pa rin babae man o lalake." Ani Aaron.
"Ako din hon gusto ko lalake para dala niya ang pangalan mo, pero kung hindi man okay lang din.. Sana pag lalake kamukha mo, kung babae syempre kamukha ko para maganda..hehehe.." Wika ni Rhoanne.
"Hindi ba pwedeng share? Sigurado kasi ako kapag share mas magiging maganda o gwapo ang anak natin..." Ani Aaron.
"Hmmp... sige na nga hati nalang tayo.." Sabi ni Rhoanne.
Masaya si Aaron sa pagbubuntis ni Rhoanne. Nasa hustong edad na rin siya at kaya na niyang gampanan ang pagiging ama. Naalala nita si Stacey ang dating girlfriend niya na nabuntis niya. Mula nang pagkabuntis at hindi niya pinaninindigan ito ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam sa kanya. Ngayon wala na siyang balita dito ni hindi niya alam kung lalake o babae ang kanilang anak.
"Hon.. halika na!! Umakyat na tayo!!!" Yaya sa kanya ni Rhoanne. Napukaw ang pag-iisip niya sa tawag nito.
Patakbong tinungo ni Rhoanne ang akyatan ng barko, naka-abang na ang mga crew doon para sa mga pasaherong sasakay.
"Dahan-dahan hon... Wag magmadali makakasakay din tayo diyan..." Saway niya dito sabay hawak sa babae para di na ito tumakbo pa.
"Naexcite lang kasi ako hon.." Ani Rhoanne. tumugil naman ito at dahan-dahan nalang naglakad kasabay ni Aaron.
Hangang-hanga talaga ito sa nakita niyang barko. Ang kanilang sinakyan ngayon na Carribean Cruise ay isa sa mga pinakamalaking cruise ship sa mundo. Only millionaires can aboard on this ship. At ang swerte niya dahil hindi siya milyunarya pero nakasakay siya nito. Sobra-sobrang swerte. Ngiting-ngiti si Rhoanne habang nakapila sila ni Aaron papasakay ng barko.
Lalo pa siyang namangha pagpasok pa lang nila sa barko. Parang 5 star hotel, na parang mall na parang palasyo. Hindi niya madescribe ang kagandahan nito. Feeling niya isa siyang reyna na pumasok sa kanyang palasyo.
"You like it?" Tanong ni Aaron.
"Alam mo hon? Kahit hindi na tayo lumabas dito para mamasyal sa iba't-ibang lugar. Dito palang solve na ako.. Sobrang ganda." Wika ni Rhoanne.
"Glad you like it... Sige tara na asa ating cabin... Magpahinga muna tayo.. Binyagan natin ang ating room..hehehe.." May pagkapilyong sabi nito.
"Hmmm... Sige tara..." Aniya.
*************************************
"Nay ipapadala akong Amsterdam ng kompanya namin for two weeks.." Paalam ni Glea sa nanay niya. Nasa airport na sila ngayon at hinihintay nalang nila ang pagboard nila sa eroplano.
"Kauuwi mo lang anak ah.. Aalis ka nanaman? Di pa nga tayo nagakikita..." Wika ng kanyang ina.
"OO nay eh.. Trabaho po kasi..." Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...