Have a bad day today... But eneweis.smile lang nang smile... Eh di asar ang galit..hekhekhek...
Ciao!!!MjBlue(",)
Tumawag nang maaga si Arnold sa kanya. Sabado ngayon at nagtataka siya kung bakit darating ito.. Iniisip niya kung meron ba silang pupuntahan ngayong araw na ito ngunit wala naman itong inischedule na gagawin nila ngayon.
" Baka nakaligtaan niya lang sabihin.." Ani Glea sa sarili.
Bumaba na siya ng bahay, naabutan niya ang kanyang mama na nagkakape, nakahanda na rin sa table ang almusal.
" Anak.. Maaga ka yata ngayon.. May lakad ba kayo ni Arnold?' Tanong nito.
" OO daw ma eh.. Akala ko nga din rest day ko ngayon.." Pabirong wika niya.
" Ah baka nakalimutan lang.. O anong gusto mong almusal? Kumain ka na para hindi ka magutom sa lakad niyo.." Anito.
" Okay na po yang nakahanda ma.. Kumakain naman ako ng kahit anong nakahanda... " Aniya.
HUmingi nalang siya ng kape upang taLagang magising na siya.. Matagal kasi siyang nakatulog kagabi dahil binasa pa niya ang ibang history ng kanilang business.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo sa negosyo natin?" Tanong nito.
" Okay lang naman po ma.. Madali kong natutunan.. Sa tulong na rin ni Arnold..." Aniya.
" Mabuti naman kung ganun.. I'm expecting bago man lang akong bumalik ng Australia ay maayos ka na rito... Anyway I won't worry about it kasi nandiyan naman si Arnold na mag-aalalay sayo sa pagpapalakad ng negosyo natin... Kasosyo naman natin sila anak.."
" OO nga ma.. Arnold has been there.." Sagot niya.
NIlapag ng mama niya ang diyaryong binabasa at tumingin ito sa kanya.
" Anak... Arnold is a very nice guy.. Kilala ko na siya mula noong bata pa siya.. I like him.. Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?" Tanong nito.Nagulat si Glea sa tinuran ng ina... HIndi nito akalaing ganun ang ang iisipin nito para sa kanya.. Parang sinasabi nito na magustuhan niya ang lalake.
"Ma naman.. I don't think i'm ready for that.." Aniya.
"Kelan pa anak? Nasa tamang edad ka na para magkaroon ng nobyo at asawa... Para magkakaapo na rin ako..." ANito.
"Ma.. It will come if it will come.. Wag nating pangunahan ang tadhana..." Ani Glea.
"Mas mabuti nang pangunahan ang tadhana nang masiguro ko ang iyong kinabukasan.." Gustong sabihin ni Janice sa anak subalit pinigilan niya nalang ang sarili. HInayaan niya si Arnold sa sinabi nitong make in a natural way.. na walang bahid ng pag-uusap nila ng kaniyang ama tungkol sa pag-aasawa nilang dalawa.
"Sige ma.. Aalis na muna ako.." Pukaw ni Glea sa kanya.
" O sige mag-ingat ka anak.." Anito. HUmalik na si Glea sa pisngi niya saka umalis. Pinasmasdan na lamang niya ang anak habang papalayo ito.
********************************************
"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Glea kay Arnold.Nasa labas na ito ng mansion at naghihintay sa kanya.
"Basta may pupuntahan lang tayo.." Anito.
" Bakit di ka man lang pumasok? Para man lang makapag-almusal ka.." ANi Glea.
" Tapos na kasi ako.. And tita knows nandito na ako kanina pa.. Sabi ko dito nalang muna ako sa labas magpapahangin.." Anito.
" Ganun ba? "
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...