Siopao

46 6 0
                                    

Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

************************************************

Ngingiti-ngiti si Glea nang lumabas siya sa storage room, hindi maipagkakailang hindi siya maayawan ni Aaron. Natatangay ito sa kanyang mga ginawang pagpapasarap dito at napapaoo niya ito sa mga pinapagawa niya dito.

"One day you'll go find out Rhoanne, you lost the man.. You think is better than me." Aniya.

Mabilis ang lakad niya at agad siyang sumakay ng elevator. Ngunit bago pa magsara ang pintuan ng elevator biglang dumaan ang lalakeng nakasombrero, mabilis niyang pinondot ang button ng elevator upang magbukas muli ang pintuan. Agad siyang lumabas ng elevator upang habbulin ang lalake, subalit hindi na niya nakita ito. Tinungo niya ang way kung saan ito patungo nang dumaan.

"Glea!!! Saan ka pupunta?" Tawag sa kanya ni Andrew. Nakita pala siya nitong lumabas ng elevator at parang may hinahanap.

"Andrew... Yung lalakeng sinasabi ko, dumaan siya kanina dito, ang bilis namang maglakad nun di ko na naabutan." Aniya.

"Ayan ka nanaman.. Akala ko ba babalik ka na sa cabin, di ba nga may hangover ka pa? Guni-guni mo lang yun Glea... Magpahinga ka na.. Tara bumalik na tayo sa cabin natin.." Yaya ni Andrew.

" Hindi eh.. Nakita ko talaga siyang dumaan... Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" Tanong niya.

"Eh ano ba naman? Paglabas mo ng elevator papunta na ako.. Kung meron mang lalakeng dumaan diyan ako ang unang makakita bago ikaw, kaso wala talaga akong makita." Wika ni Andrew.

"That's impossible.. Baka hindi mo lang namalayan o napansin.." Ani Glea.

" Wala nga.. hay naku sayo sis.. ang mabuti pa ay umakyat na tayo nang makapagpahinga ka na ulit. Nang mawala yang hang-over mo okay?" Wika nito sabay hila sa babae pasakay ng elevator. Walang magawa si Glea kundi ang magpatianod nalang sa kaibigan. Ngunit sa loob niya sigurado siyang nakita niya ang lalake.

Lingid sa kaalaman ni Glea, ang lalakeng kanyang nakita ay nagtago lamang sa likod ng malaking tubo ng barko. Napansin niya ang paglabas ni Glea kanina sa elevator at mabuti na lamang ay nakapagtago siya agad dito. ngunit kung dumeretso ito ay talagang makikita siya nito, mabuti na lamang at dumating si Andrew at tinawag nito ang babae.

Pinagmasdan niya ang babae habang nakikipag argue ito kay Andrew tungkol sa kanya. Wala talaga itong ideya kung sino siya...

*****************************************

"Sir Lance heto na po ang plane ticket at ang passes niyo sa Carribean cruise. Tulad po ng sinabi niyo, sa VIP ko kayo ipapareserve." Wika ng kanyang secretary.

" Thank you... Jasmine.. " ANiya.

" You're welcome sir..." Sagot naman nito. sabay talikod na upang lumabas sa opisina.

"Ahhh.. Jas..." Tawag niya.

" Sir?"

"LEt's just keep this between you ang me ha?" Aniya.

" Okay po sir.." Sagot nito. Sabay labas na ng opisina.

Agad siyang nagpabook ng plane ticket at ticket pra sa Carribean cruise after niyang malamang aalis si Andrew at Glea para sumakay ng cruise ship , dahil gusto nitong sundan si Aaron at Rhoanne. Ayaw niyang mapahamak pa si Glea, ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon, kailangan niyang pigilan si Glea sa mga balak nito. At isa pa, gusto niyang bantayan si Glea sa mga gagawin nito. Ayaw niyang may mangyaring masama sa dalaga.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon