Hi pips... Thanks for reading my story.. Dont hesitate to comment and vote... Thanks po ulit...
MjBlue(",)
**
*****************************************************Hindi pa pala siya tumawag kay Rhoanne mula nang dumating siya, ni hindi mn lang niya naisip tumawag sa nobya habang nasa Singapore siya. masyado kasi siyang naging abala kay Glea at nakalimutan na niya ang nobya. magulo ngayon ang utak ni Aaron habang naglalakad patungo sa kanyang unit. Hiniling ni Glea na hiwalayan na niya si Rhoanne at naipangako niya dito na gagawin niya.
Matindi ang pagnanasa niya kay Glea, ngunit mahal niya si Rhoanne. Ngunit sa tuwing magkasama sila ni Glea, nakakalimutan niya ang tungkol kay Rhoanne.
Malapit na siya sa kanyang unit, kinuha niya ang kanyang susi at binuksan niya ito. Sumalubong sa kanya ang amoy ng air freshener.. Malinis ang paligid at pinatugtog ang romantikong musika sa kanyang stereo. Lumabas si Rhoanne mula sa silid.. Nakasuot ito ng itim na nighties.
"Hi hon. Welcome back.." BAti nito sa kanya sabay lapit at kinalawit nito ang kamay sa batok niya at hinalikan siya nito sa labi.
"I missed you.." Bigla niyang sabi.
" I missed you too hon.." Sagot ng babae.
Kinabig niya ang katawan nito papalapit sa kanya at matagal na naglapat ang kanilang mga labi. Amoy niya ang bango ng sabon na ginamit nito panligo. Mamasa-masa pa ang buhok nito.
"Hon... Kain muna tayo.." Sabi nito sa kanya.
" OO tara hon.." Sabi niya, subalit giniya niya ito sa kwarto...
""Hon naman... hindi diyan.." Natatawang sabi ni Rhoanne sabay turo sa kusina.
Nakita niya na nakahanda na ang table with canle light. May wine na ring nakahanda na nakapatong sa yelo. At ang paborito niyang pagkain. Hinila siya ni Rhoanne papalapit sa kainan.
"Dito muna ang kainan na tinutukoy ko... ikaw talaga hon.. naughty..." Sabi ni Rhoanne.
"Ah dito pala hon, akala ko kasi doon sa kwarto eh.." Aniya.
"Mamaya na yun hon.. lam ko kasing gutom ka.." Aniya.
"What's so special today hon? Bakit parang napakaspecial ng hinanda mo?" Tanong nito.
Nakaupo na silang dalawa at nasa harap nila ang espesyal na niluto ni Rhoanne."Mamaya na hon, may sasabihin ako sayo.. Kumain k muna.." Wika ni Rhoanne.
Pinagsilbihan siya nito, nilagyan siya ng pagkain sa plato niya at kumain na rin ito.
"Hmmmm.. Sarap talaga ng luto mo hon.. namiss ko to.." Aniya.
"Talaga hon? sige kain ka pa.. dinamihan ko talaga to para makakain ka nang madami... Kumusta nga pala ang seminar mo sa Singapore?" Tanong nito.
" It goes well naman hon.. As usual maraming bagong methods ang tinuturo.." aniya.
"Hanga na talaga ako sa inyo hon, pinapadala kayo sa ibang bansa para lang sa mga ganyan.. Kailan kaya ako makapunta sa ibang bansa?" Ani Rhoanne.
"Huwag kang mag-alala hon, someday magtour tayo.." Ani Aaron.
Saglit na natigilan si Aaron, di nga ba't hihiwalayan na niya ito? bakit nangako nanaman siya dito... Iwinaglit niya sa isipan niya ang tungkol doon.
"Talaga hon? promise mo yan ha.. kahit asean lang okay na sa akin.. nang makalabas naman ako ng bansa.." Ani Rhoanne.
"OO hon.. " sagot ni Aaron.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...