Sorry tagal ng update.. Happy reading...*****************************************************************************
Gabi na nang naglanding ang eroplanong sinakyan nina Glea at Lance sa mismong airport ng France... Paglabas nila ng airport ay nakaantay na ang sasakyan nila...
" Good evening sir Lance... Welcome back to France." Bati ng driver ng sasakyan.
"Maraming salamat mang Elmo.. Ito nga pala si Glea... Girlfriend ko.." Pakilala ni Lance sa kanya.
Tiningnan ni Lance si Glea ng go with the flow look...
"Magandang gabi po mam Glea... Welcome po.." ANito.
" Maraming salamat po mang Elmo... " Sabi ni Glea.
Sumakay sila sa kotse na minamaneho ni Man Elmo. Nagtataka si Glea kung bakit sinundo sila ng kotse kung ang sabi ni Lance ay nasa condo lang siya.
"Kumusta na po kayo sir? Matagal na rin po kayong di nakapunta rito ah.. Kumusta ang papa mo? Nagkikita pa ba kayo?' Tanong nito.
" Mabuti naman po.. Wala na po akong balita kay papa man Elmo... " Aniya.
" Ganun ba? Ganun din ang tita Cory mo.. Wala na daw siyang balita sa taay mo.. Sobrang tuwa nga niya nang malamang darating kayo.. Alam niyo naman yun mahal na mahal kayong magkakapatid..." Anito.
" Hayaan na po natin siyang mabuhay na walang pakialam sa amin mang Selmo.. Desisyon niya yun... Kumusta si Tita Cory malakas pa rin ba?" Tanong niya.
" Medyo nagkakasakit na nga po eh.. Pero matibay pa naman.. Pero alam mo naman kapag tumatanda na ang tao.. Humihina..." ANito.
" Siya nga po eh.. Kaya nga po naisipan kong sa bahay nalang niya kami dederetso nang magkaroon naman ako ng time para sa kanya.. Bago pa mahuli ang lahat.." Aniya.
"Mabuti naman at naisipan niyo po yan... Tiyak na matutuwa talaga si mam kapag nakita kang muli..." ANito.
Kapatid ng ama ni Lance si Cory... Nakapag-asawa ito ng mayamang taga France, ilang taon na ang nakaraan anng malaman niyang namatay na ito sa sakit sa puso... May anak silang isang babae ngunit nag-asawa na rin.. Kaya palaging mag-isa nalang ang tiyahin sa bahay na malaki...
Nakaabang na ang ginang sa labas ng bahay nang dumating sila.. Tuwang-tuwa ito nang makita ang pamangkin..
" LANCE!! BAby!! Ang tagal mo anng di nagpunta rito.. I miss you so much son..." Annito.
" I miss you too tita.." Aniya. Sabak halik at yakap sa kanyang tiyahin. Bumitiw siya dito pagkatapos at inakbayan si Glea.. " Tita.. meet Glea... " Pakilla niya.
" Is this her? O my God she's so Beautiful..." Bulalas nito... Sabay yakap kay Glea.
" Kumusta po?' Tanong ni Glea.
" Fine hija.. Much more fine ngayong nandito kayo..." Wika nito.
Niyaya sila nit sa loob..at nakasunod naman si Man Elmo na bitbit ang gamit ni Glea.. Si Lance naman ay bitbit ang ibang bagahe nila... Napalibot ang paningin ni Glea sa buong bahay.. Napakaganda nito... American-italian ang tema ng bahay... Sa gitna ay napakalaking swiming pool at jacuzzi pa sa bandang itaas. May Man made falls sa dulong swimming pool at sa di kalayuan ay napagandang garden... Tiyak na pinalandscape talaga ito ng may-ari at pinailawan nang maayos upag kahit gabi ay makikita ang kagandahan ng hardin.
Naramdaman niyang pinisil ni Lance ang kanyang kamay at napalingon siya dito...
"Like what you see?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomansOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...