Jewel

16 1 0
                                    

Halos dalawang buwan na sa Pinas si Jewel, wala na rin siyang balita kay Arnold simula nang iwan niya ito sa France. Kahit sa Social Media ay hindi niya tinangkang silipin ang profile nito baka masaktan lang siya. Natatakot siyang baka ang makita niya doon ay larawan na nilang dalawa na ikinasal. Ngunit hindi pa rin niya makakalimutan ang lalake, pilitin man niya ngunit di pa rin nawawala ang sakit na nanararamdaman niya dahil sa ginawa nito at ang pinakamasaklap mahal na mahal pa rin iya ito. At kapag naalala niya ito ay tumutulo ang kanyang mga luha nang walang pasabi.

" Hayan ka nanaman Jewel eh, kinakawawa mo nanaman ang sarili mo..." Aniya sa sarili.

" Are you talking to yourself?" Biglang wika ni Andrew na kapapasok lang sa opisina niya.

Bumalik na rin kasi siya sa trabaho. Hindi na niya tinapos ang ilang buwang leave niya at baka mabaliw pa siya ko tatambay lang sa bahay.

" Ha? Hindi ah! Meron lang akong naalalang appointment kaya napabigkas ako..." Paliwanag niya.

" Sus Jewel, hindi ako tanga noh! Ayaw mo ba talagang magkaroon man lang ng balita tungkol sa kanya?" Tanong ni Andrew.

Binalaan na niya ito mula nang pagdating niya na walang babanggiting kahit ano ang kaibigan tungkol sa kanya. Minabuti na niyang walang alam kay sa umasa nanaman siya at mabigo. Kaya't kahit ano paman ang alam nito ay wala itong binanggit tungkol kay Arnold. Hindi naman nito maiiwasan na may alam dahil pinsan ito ni Glea.

" SInabi ko na sa'yo ayokong may marinig na kahit ano tungkol sa kanya. We have to live our lives separately... Tapos na ang pagkukunwari..." Wika niya dito.

" Sige ikaw bahala... By the way may dala akong food, dala ito ng isang staff ko I thought of sharing this to you... Pampawala ng stress..." Anito sabay deretso sa isang bakanteng mesa sa kanyang opisina at nilabas ang dalang pagkain.

" Anong amoy yan?!?!? EWE!!!" Aniya na sabay takbo sa lababo ng kanyang personal comfort room at doo'y nagsusuka.

She don't know why, but lately naging maselan siya sa mga amoy at minsa'y nahihilo siya. Pakiramdam niya lagi siyang nasusuka. SHe better see a doctor baka kung anong sakit ang dumapo sa kanya.

" Are pregnant in any ways?" Biglang wika ni Andrew na nakatayo na sa pintuan ng cr.

" WHAT?!? " Kunot-noong tanong niya.

" GOSH!!! Your being picky lately, tapos ang arte mo pa sa mga amoy... Tulad kanina napagalitan mo yung isang staff natin dahil sa amoy ng perfume niya ngayon naman sa pagkaing dala ko na paborito mo naman sana. And lately lagi kang late dahil late ka na nagigising, so what do you want me to think?" Wika ni Andrew.

" Hindi ah! Hindi naman siguro, baka may sakit lang ako, mababa ang dugo maybe?" Pagdedeny niya.

" Girls, hindi ako doktor but do you happen to have a track of your period lately? Tanong nito.

Bigla siyang napasulyap sa kalendaryong nakasabit sa pintuan ng cr. Noong isang linggo pa dapat ang schedule na ngunit hindi pa rin ito dumating. Nanlaki ang mga mata niya.

" OH MY GOD!!! Don't tell me..."

" Oh no!!! Samahan mo ako sa doktor Andrew..." Kinakabahang wika niya sa kaibigan.

" Congratulations misis, it's positive. you are eight weeks pregnant." Wika ng doktor.

Napahawak si Jewel sa kamay ni Andrew, napansin ng kaibigan ang panlalamig nito.

" Are you sure doc?" Tanong ni Andrew.

" Yes... You if i'm not mistaken is the husband? Congrats you're soon to be a father..." Wika nito.

Napaubo si Andrew sa sinabi ng doktor. Type pa naman sana niya ito dahil may hitsura naman talaga.

" I'm not... Sinamahan ko lang siya.." ANiya.

Hanggang sa paglabas nila sa ospital ay wala pa ring narinig na salita si Andrew mula kay Jewel. Para itong natulala sa kanyang narinig.

" Hoy Jewel!!! Nandiyan ka pa ba? HOY!!!"

" WAAAAHHHHHHHH!!!!! Pano na yan? Buntis ako? WAAHUHHU!! PAANO NA YAN?!?!?! Walang daddy ang baby ko!!!" Nagngangawang wikani Jewel.

" Eh kung hindi ka ba naman gaga..."

" Tama na!!! OO na... Malay ko bang manloloko at paasa ang lalakeng minahal ko!"

" Gaga ka talaga ano! Eh kung ipaalam mo sa ama niyan na ama na siya!"

" NO!!! Baka makasira pa ako ng pamilya.. Hayaan mo na... Palalakihin ko ang baby nang mag-sa.. Kaya ko siyang buhayin..." Biglang wika nito.

" HAY NAKU!!! Bahala ka na nga! Buhay mo yan!"

" HOY IKAW BAKLA HA!!! Wag na wag mong sabihin sa kanya ito! Kundi malalagot ka talaga sa akin!" Banta niya sa kaibigan.

" AWWW!!! Takot ako!!!" Sarkastikong wika nito.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon