A/N
So lumilevel up ang ating bida.. Nasa Maynila na siya ngayon.. Hmmm.. Enjoy reading po sa inyong lahat...
Ciao!
-MjBlue
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumapag na ang eroplano sa airport ng Maynila. Pagkatapos niyang mag check-out ay agad na siyang lumabas. Nakita niya agad ang plakard na may pangalan niya. Agad siyang lumapit dito. Isang lalakeng naka uniporme ang may hawak nun...
"Kuya ako po si Glea Arevalo.." Pakilala niya.
"Ay mam ikaw pala... Welcome po sa Maynila mam... Ako po si Nilo ang iyong pansamantalang driver at assistant.." Wika nito.
"Maraming salamat po.." Aniya.
"Sige mam tara na po sa sasakyan." Wika nito.
"O sige po..."
Kinuha nito ang dala niyang gamit at isinakay sa sasakyan. Madaldal ang driver kaya natutuwa naman siya dito.
"Pers taym niyo po ba dito sa maynila mam?"Tanong nito.
"Oho.." Sagot niya habang nakatingin sa dinaanan nilang mga gusali.
"Ah.. so hindi mo pa pala alam ang pasikot-sikot dito... Mabuti na lamang po at ako ang iyong official driver mam... Hangga't di pa po ninyo kabisado ang maynila ako daw po muna ang magiging driver niyo mam.. Heto po pala ang schedule niyo mam... Pinadala na po sa akin ng secretary niyo..." Aniya.
"May secretary na agad ako?" ANiya.
"Opo... Nakahanda na rin po ang opisina niyo.. Yung unit niyo po siya din po ang nag-arrange nun..."
"Wow galing naman.. ANong pangalan niya.."
"Jewel po..."
"Ah.. " Tanging sagot niya.
Binuklat niya ang folder na naglalaman ng kanyang Schedule. Nakasaad doon ang unang araw ng pagpasok niya, ang pagpunta niya sa opisina bago ang unang araw niya to meet the boss...
Inihatid siya ng Driver sa unit niya.. Nasa ika labing-limang palapag ang kanyang unit. Maayos na ito gaya ng sinabi ni Nilo, may mga appliances na rin. May maliit na terrace ang kanyang unit at maganda ang tanawin mula roon. Maalaiwalas naman ang lugar.. Meron itong dalawang kwarto isang malaki ang at isang maliit na pang guest room niya. Ang kusina ay siya na ring kainan na kumpleto na sa gamit at may maliit na sala na may malaking flat screen na TV.
"Ano pong masasabi niyo sa room niyo mam?" Tanong ni Nilo.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
Любовные романыOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...