It's Over

51 6 0
                                    

please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",

********************************************************

Madilim ang unit ni Aaron pagpasok niya. Galing siya sa isang bar at uminom ng konti. Naiinis kasi siya dahil ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Glea ni hindi nito sinasagot ang tawag niya. Sinipat niya ang relo sa braso niya.. Alas-diyes na pala... pinailaw niya ang unit at dumeretso sa kusina upang kumuha ng beer pagbalik niya ay bahagya siyang nagulat dahil nakaupo sa sofa si Rhoanne. Nakalimutan niyang meron pala itong spare key ng unit niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Aaron.. hon... namimiss na kita.." Sabay tayo ni Rhoanne at yumakap ito sa lalake... Hinayaan muna siya ni Aaron na yakapin ito pero di nagtagal ay tinaggal nito ang braso niyang nakayakap sa lalake.

"Ano ka ba Rhoanne? ANo pang ginagawa mo rito?" Aniya.

"Hon.. please.. Hindi ko kaya ang mawala ka.. Hindi ako mabubuhay na wala ka...Wag mo kaming iwan ng anak mo...please Aaron.. mahal na mahal kita.. Akala ko ba ako lang ang mahal mo.. Aaron please..." Pagmamakaawa ni Rhoanne.

"Tama na Rhoanne! Tama na!!! HIndi na ikaw ang laman ng puso ko ngayon! Si Glea na ang mahal ko at siya na ang babaeng gusto kong pakasalan  kaya please umalis ka na sa bahay ko!!" Wika ni Aaron.

" Arron.. paano na kami ng anak mo? huhuhu..." Ani Rhoanne.

"Wag kang mag-alala Rhoanne hindi ko tatalikuran ang obligasyon ko sa anak ko.. At tanging sa anak ko lamang..." Ani Aaron.

"Hon.. hindi mo na ba talaga ako mahal? hindi na ba talaga pwedeng ibalik ang nararamdaman mo? hanapin mo naman ako diyan sa puso mo.. Baka nabigla ka lang..please hon..." pagsusumamo ni Rhoanne...

"Wala na Rhoanne... kaya please.. Umalis ka na... " Wika ni Aaron.

Laylay ang balikat at hilam sa luha ang mga mata nang umalis si Rhoanne sa unit ni Aaron. Para siyang naupos na kandila habang naglalakad patungo sa sakayan ng elevator. Nag-uunahan pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha at parang hiniwa-hiwa ang kanyang puso dahil sa sakit ng nararamdaman niya.

"Diyos ko po!!! Kunin niyo na lang ako..." Mahinang usal niya.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon