Huhays!!!! Musta mga piips...sa mga waiting jan..wait wait nalang..hehehe*********************
Ilang buwan ding nawala si Aaron. Umalis muna siya sa Pilipinas at pumuntang US, parteng lugar ng kanyang lola na ina ng kanyang mama Theresa. Halos doon na rin siya lumaki... ayaw niya dati sa bahay nila dahil ayaw niyang naririnig ang magulang na parating nag-aaway kaya doon na siya tumira sa kanyang lola. Tahimik ang lugar, malapit sa karagatan at simpleng probinsya ang paligid.. Subalit maraming mapagkakabuhayan doon.. maraming pananim ang kanyang lolo at lola, manok at baka... Natuwa naman ang kanyang lolo't lola sa kanyang pagtira doon ng ilang buwan. Tumulong siya sa pagtanim at pag-alaga ng mga hayop.. Kasama ang dalawan kapatid ng kanyang ina na may pamilya na rin at nakabonding niya ang mga pinsan.. night out... bars... at syempre di nawawala ang mga babae. Nakakalimutan niya ang mga nangari way back sa Pilipinas... Ang panloloko sa kanya ni Glea at ang sa kanila ni Rhoanne.
Subalit naisip niya.. kailangan na niyang magseryoso... Kailangan na niyang harapin ang responsibilidad niya sa buhay.. Magiging ama na siya... At kailangan siya ni Rhoanne upang palakihin ang kanilang anak. Ilang gabi na rin niyang napapanaginipan ang babae.. At aminin man niya o hindi ay namimiss niya ito.
Handa siyang harapin ito ngayon at humingi ng tawad sa babae at humingi pa ng isa pang pagkakataon upang magampanan ang pagiging ama ng kanilang anak.. At maging asawa na rin nito. Napagtanto niyang mahal niya pala si Rhoanne... Sa gabi-gabing iba-ibang babae ang nakakasama niya, habang pinagsasaluhan nila ang gabi sa malamig na silid.. Si Rhoanne ang pumpasok sa isip niya... Gusto niyang makitang muli ito, mayakap at ipadamang mahal niya ito.
Dumeretso siya sa kanyang condo pagdating niya. Maayos pa rin ito at malinis dahil nagpapadala ang kanyang mama ng tagalinis sa unit niya. Nilapag niya lang ang kanyang bagahe saka umalis na rin agad doon. Pupuntahan niya si Rhoanne.. Hihingi siya ng tawad dito at hihingi siya ng isa pang pagkakataon.
tahimik pagdating niya sa apartment ng babae... May napansin siyang isang kotse na nakaparada sa labas ng apartment. Agad siyang nagdoorbell ngunit walang nagbukas sa kanya.. nakailang pindot na siya ng doorbell at tawag sa pangalan ni Rhoanne pero walang sumasagot..
"Sir sino pong hinahanap ninyo?" Untag sa kanya ng isang babae sa katabing apartment.
"Ah.. Ale... napansin niyo ho bang ang nakatira dito?" tanong niya.
"Ah.. sir isinugod po si Yungisang buntis na kasamang nakatira diyan sir.. manganganak na po ata..." Anito.
" Alam niyo po ba kung saang hospital sila tutungo?" Tanong niya.
"Di ko po alam sir eh..." Anito.
" May malapit po bang hospital dito ale?" tanong niya.
Sinabi sa kanya ng babae ang hospital na posibleng pinagdalhan kay Rhoanne at agad namang tumallis si Aaron upang tignan kung doon nga ba dinala si Rhoanne.
Nagtanong siya sa information at nalaman niyang doon nga dinala si Rhoanne. Kasalukuyang nasa operating room ito dahil cesarian ang pagpanganak nito.
Agad siayng tumakbo kung saan ang operating room at naabutan niya sa labas si Lynn..
"Aaron?" Gulat na sambit ni Lynn..
" Lynn.. Kumusta ang mag-ina ko? di pa ba tapos? God!!! I wasn't able to be with Rhoanne on her labor pains.." Aniya.
"Aaron? totoo ba yung narinig ko? Concern ka kay Rhoanne at sa anak mo?" Di makapaniwalang tanong ni Lynn...
"Lynn.. I know I made a mistake... But please believe me I already realized my mistakes.. and i want to make it up to Rhoanne and my baby.. Mahal ko si Rhoanne yana ng ang narealized ko when I was away.. I needed her... I love her so much.." Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...