Masaya sa loob ng Bahay ni Jewel, Maliwanag ang ilaw sa salas at marami nang dumating. Sa may di kalayuan ay nakaparada ang kotse ni Arnold. Nung dumating a week ago, gustong-gusto na niyang magpakita sa asawa ngunit pinigilan siya ni Andrew dahil ayaw siyang makita nito. Updated siya sa mga nangyayari sa asawa niya pati na ang pagdadalang tao nito na sobrang ikinatutuwa niya. Biglang tumunog ang kanyang telepono at si Andrew ang tumatawag.
" Arnold, ready ka na ba? Pwede nang pumasok." ANito.
" Okay..." Aniya.
Medyo nanlalamig pa ang kanyang mga kamay nang inabot ang ulo ng maskot na isusuot niya pagpasok niya. Maskot ito ng isang baby giant na nakadiaper lang. Suot na niya ito papunta sa may gate ng bahay nakaabang naman si Andrew doon.
" Relax ka lang we can get through this.." ANito sa kanya habang inaalalayan siya papasok sa loob ng bahay.
Isang malakas na sigawan ang narinig niya nang pumasok sila ng bahay. Pinagkakaguluhan siya ng mga bisita, picture dito, picture doon. Nakita niya si Jewel na tuwang-tuwa sa pagpasok niya. Nakaupo ito sa gitna. He stared at her... Pinagmasdan niya ang napakagandang mukha nito na akhit may nakaumbok sa tiyan niya ay di pa rin nawawala ang kagandahan.
How much he miss her? So much... His tears fall down from her eyes. Buti nalang nakasuot siya ng mascot kaya di alam ng mga nandoon na umiiyak siya. Sumayaw-sayaw siya sa harap ng kanyang asawa na walang kaalam-alam na sa likod ng mascott na yun ay siya. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito kapag ireveal na kung sino ang nasa loob.
Tuwang-tuwa naman si Jewel sa kanya. Tawa ito ng tawa habang sumasayaw siya. Kumindat naman si Andrew nang mapagawi siya sa banda nito.
" Okay simulan na natin ang gender revelation..." Anunsiyo ni Andrew.
Nakahelera ang lahat paikot kay Jewel na nakatayo sa harap ng isang maliit na table na may cake.
Excited naman na hiniwa ni Jewel ang cake.
" AYYYYYY!!!! BAKIT KULAY GREEN!!!" Sigaw niya.
Nagtawanan lahat ng mga bisita sa reaksyon nito.
" Baka kakulay ko sis!!!" Wika ni Andrew.
" Andrew naman eh... " Dismayadong wika ni Jewel.
" Hiwain mo kasing mabuti baka meron pa diyan." ANi Andrew.
Double layer ang cake at ang hiniwa ni Jewel ay ang sa ibabaw lang... deneretso niya ng hiwa sa ilalim at may naramdaman siyang matigas kaya mabilis niyang tinanggal ang hiniwa niya at dinukot ang isang maliit na box na nandoon.
" Ay bakit di mabuksan?" Tanong nito.
" Basahin mo kasi ang instruction.." Sagot naman ni Andrew.
May nakadikit na maliit na papel at mayroong nakasulat dito.
You can get the key at the heart of the baby.
Tumingin si Jewel sa giant baby at lumingon si Jewel kay Andrew.
" Okay... Before rambatin yang giant baby na yan... I just wanna tell you something... Bes... HIndi ako magdadrama... I'm so happy that you will be soon get the essence of being a mother, that life in your tummy that will change your life forever... Perhaps the life of someone too... If you just let him... Hangad ko ang kaligayahan mo at kahit na hindi mo sabihin alam kong hindi pa rin kompleto ang kaligayahan mo. Bes, tama na ang galit sa puso mo, sana matutunan mo nang magpatawad para ang makamit mong kaligayahan ay ang kaligayahang tunay... Sana naintindihan mo ang sinasabi ko..." Wika ni Andrew.
Tumulo ang luha ni Jewel sa sinabi ni Andrew. Alam niya kung gaano siya kamahal ng kaibigan at kung paano ito nandun para sa kanya lalo na nitong nagdadalang tao siya. Tama ang sinabi nito na hindi buo ang kanyang kasiyahan, at hinahanap pa rin niya ang taong nagbibigay nito. Ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil sa galit niya.
" Thanks Andrew... Akala ko walang drama..." ANiya habang pinapahid ang kanyang luha.
" Sige na, rambatin mo na yan... " ANito.
Samantala sa loob ng giant baby sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Arnold. HIndi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Jewel kapag nakita siya. Ramdam niya rin ang panginginig ng kamay ni Jewel habang hawak nito ang ulo ng mascott para tanggalin ito.
Isang nakakabinging hiyawan ang maririnig mo sa buong bahay nang matanggal na ang ulo ng mascott at nakita na kung sino ang nasa loob nito. Tumutulo ang luha no Arnold ganun din si Jewel...
" A-Arnold? " Mahinang sambit ni Jewel...
At sa di inaasahang pangyayari ay bigla siyang niyakap ng asawa... HUmihikbi ito.
" I'm so sorry, I'm so sorry Jewel.. Sorry kung nasaktan kita..." Bulong niya habang yakap niya ito nang mahigpit.
" Mahal na mahal kita Arnold..." WIka ni Jewel sa gitna ng paghikbi nito.
" Pangako hindi na ako mawawala sa'yo at sa baby natin... I will never ever let you go... I'm so sorry mahal ko.. I'm so sorry.." ANiya sa asawa.
Kumalas si Jewel sa kanya at hinawakan nito ang mukha niya...
" Kalimutan na natin ang nangyari... I'm sorry kung sinarado ko agad ang pintuan ko para sa'yo.. Pero ang totoo miss na miss na kita... " Wika ni Jewel.
" Salamat... Salamat... I love you..." ANi Arnold sabay yakap muli nito sa asawa.
" I love you too... So much..." Sagot nito.
" AHEM!!! Pwede bang ituloy na natin to???" Pagputol sa kanila ni Andrew.
Saka lang nila naalala na may gagawin pa pala sila.
" Saan na ang susi?" Tanong ni Jewel.
" Nasa puso ko.." Sagot niya.
" Ha?" Takang napatitig si Jewel sa kanya.
Namula ang mukha ni Jewel nang kumndat siya sabay senyas si ilalim ng t-shirt.
" Kunin mo..." Aniya.
" WHAT?!?!?"
" Sa puso nga bes diba? " Sagot ni Andrew.
Pulang-pula ang mukha ni Jewel habang dinudukot niya ang susi na nasa dibdib ni Arnold sa ilalim ng t-shirt nito. Ramdam niya ang init ng katawan ni Arnold.
" Ahemm! Pakibilisan parang nag-eenjoy ka jan.." ANi Andrew.
Agad na inalis ni Jewel ang kamay sa dibdib ni Arnold nang makuha na niya ang susi...
Sabay silang dalawang lumapit sa maliit na mesa kung nasaan nandoon ang box na bubuksan nila.
" Open it in three... two... one..."
Isang crystal rose na kulay pink ang laman ng box...
" IT'S A GIRL!!!" Sigaw ng lahat...
" Babae ang baby natin..." Naluluha sa tuwang sabi ni Jewel sa asawa..
" UU babae... And we'll name her Crystal Rose..." Ani Arnold.
" Magandang pangalan..." Sang-ayon naman ni Jewel... ANd arnold kissed his wife in the lips... Something that she missed so much...
***********************************
Don't forget to hit the star button po thanks... Bhadz (",)
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...