Thanks for reading and waiting.. Have a blessed evening everyone...ciao!
MjBlue(",)
*#*#*#*#*####
May usapan sina Glea at ang pamilya niya na kumain sa labas. Pinagkasunduan nilang doon nalang sila maghihintay sa labas ng condo at pagbalik niya ay aalis na agad sila.
"Ma bilisan niyo naman diyan baka dumating na si Glea mamaya... Tapos wala tayo sa baba.." Tawag ni Allen sa ina.
" Ayan na ako!!! Kayo talaga minamadali niyo ako!" Reklamo nito.
" Kasi naman kung anu-ano pang ginagawa..." Sabi ni Glenn.
"Tama na yan bumaba na tayo baka dumating na ang kapatid niyo." Saway ng tatay nila.
Bumaba na silang apat at deretso sila sa labas upang madali nalang ang pagpick-up sa kanila ni Glea. Di nagtagal ay may sasakyang dumating ngunit hindi iyon sasakyan ni Glea.. Biglang may bumabang mga lalake at pinipilit silang sumakay.
Nanlaban ang sila subalit tinutukan sila nito ng baril kaya wala silang nagawa kundi ang sumama nalang.
"Saan niyo kami dadalhin? Walang pera ang anak ko.. Hindi niya kami kayang tubusin..." Wika ni Alma.
Nagtawanan ang mga lalakeng dumukot sa kanila.
"Ano ba talagang kailangan niyo sa amin? Wala kaming kayamanan na maibigay sa inyo." Wika ni Cesar.
"Wala kaming kailangan sa inyo.. napag-utusan lang kami... kaya wag kayong maingay diyan!!!" Wika ng pinakalider nila.
"Sinong nag-utos sa inyo?" Tanong ni Alma.
"Malalaman mo rin mamaya babae.. Kaya wag kanang maraming tanong diyan." Sagot nito.
Sininyasan ni Cesar ang asawa na tumahimik nalang baka kung ano pang gagawin ng mga ito sa kanila.
Malapit na si Glea sa Condo subalit wala sa labas ang kanyang pamilya. Tinawagan niya ang mga ito pero wa;lang sumasagot sa tawag niya.
" Nasaan na ang mga iyo?" Aniya.
Pinarada niya muna ang sasakyan sa harap ng Condo at bumaba doon. Inisip niya baka nasa lobby na ang mga ito at naghihintay lang sa kanya.
Paglabas niya ng sasakyan may dumating na isang van at bumaba ang dalawang lalake sabay hablot sa kanya.
"Sumama ka sa amin!" Wika nito.
Nagpupumiglas si Glea... " Bitawan niyo ako!! Sino kayo?? Bitawan niyo ako!!!! Sigaw ni Glea.
"Wag ka nang pumalag kung ayaw mong masaktan.. Sumama ka na sa amin." Sabay hila nito sa kanya pasakay sa Van. Malalakas ang mga ito kaya hindi makawala si Glea kahit anong pagpupumiglas pang gagawin niya.
" Hahaha.. Wala kaming gagawin sayo ineng kung tatahimik ka diyan!! Maghintay ka hanggang makarating tayo sa pagdadalhan namin sayo." Wika ng lalake.
Napilitang manahimik ni Glea. Natatakot siya baka kung anong gagawin sa kanya ng mga ito. Naalala niya ang pamilya niya, tiyak na nag-aalala na ang mga yun.. Naiwan kasi ang kotse niya sa labas ng kotse.
"Diyos ko!!! Wag niyo pong hayaang may mangyaring masama sa akin.." Panalangin ni Glea.
Medyo matagal ang byahe nila, namalayan na lang ni Glea na huminto na ang sasakyan. Binuksan ng isang lalake ang van at inalalayan siya nitong bumaba. Isang malaking bahay ang bumungad sa kanya. Sa paaligid ay may marami itong halaman.. Mga Orchids, rosas, daisy at iba pang bulaklak. Kahit gabi ay kita ang kagandahan ng lugar dahil na rin sa mga ilaw na nakalagay sa ibat-ibang sulok. Pati na rin sa ilalim ng bermuda grass ay may mga ilaw rin. May mga lampost din sa pathway patungo sa malaking bahay.
HIndi mapigilan ni Glea ang humanga sa lugar.. May mga puno rin na may nakasabit na mga ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid.
"KA-kaninong bahay to?" Di niya mapigilan ang sariling magtanong.
"Mamaya pagpasok natin malalaman mo rin..." Medyo mahinahon na wika ng lalake.
Ngayon niya lang naklaro ang mukha ng lalake, mabigote ito pero mukhang malinis naman. Hindi yung tipong mukhang goons na nakikita niya sa pilikula na nandudukot ng mga babae. Matangos ang ilong at at mahahaba ang pilik-mata.
"Its Arnold... " Biglang sabi nito.
Napansin pala siya nitong nakatitig sa lalake. Biglang umiwas ng tingin si Glea. Napahiya sa dito.
Paglingon niya sa likod ay nakasunod ang mga kasama nitong mga lalake, hindi rin ito mga mukhang goons. Nakangiti ito sa kanya. Inirapan niya lang ang mga ito... Narinig niyang binulong ng isang lalake..
" Mataray pre.." Anito.
Binuksan ng lalakeng nagngangalang Arnold ang pintuan at hawak ang kanyang siko ay pumasok na sila doon kasunod ang mga kasama nitong lalake.
Namangha si Glea sa laki ng bahay... Isa itong mansion at ang ganda sa loob. Naglakad pa sila ng konti at nakarating na sila sa may living area...
"NAy? Tay? Kuya?" Tawag ni Glea. Nagtaka siya dahil nandoon ang kanyang pamilya sa sala...
Tumayo ang kanyang nanay at sinalubong siya nito... " Glea anak... Akala ko di na tayo magkikita...huhuhu.." Umiiyak na wika ng kanyang inay.
" Nay ano pong nangyari? Bakit kayo nandito?" Tanong ni Glea.
" Dinukot kami ng mga kalalakihan anak... At dinala kami dito.. Ang nakakapagtataka hindi naman nila kami sinaktan... Ikaw anak sinaktan ka ba nila?" Tanong nito.
" HIndi naman po Inay.." Wika ni Glea.
"Maupo muna kayo diyan.. Tatawagin ko lang ang nag-utos sa aminna dalhin kayo dito..." Wika ni Arnold.
Sumunod naman silang dalawa at magkatabi silang umupo... Di nagtagal ay may narinig silang tumatakbo patungo doon... Laking gulat ni Glea pagkakita niya kung sino ang dumating..
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...