White walls, hospital aparatus ang sumalubong sa paningin ni Lance nang minulat niya ang kanyang mga mata. Pilit niyang ginugunita kung paano siya nakarating doon. The last thing he remember is the dark and cold place kung saan siya nilagay ng mga tauhan ni Janice. He tried to move pero di makagalaw ang kanyang paa. Nakasemento ito at marami pang nakakabit sa kanyang aparatus ng ospital.
He suddenly remember Glea, she is in danger. His wife needs him right now. He tried to get up but a hand had stopped him.
" No Lance you can't get up yet.. Mahina ka pa... You have been badly wounded.." It was his tita Cory.
" Tita kailangan ako ni Glea, kailangan ako ng asawa ko tita..." Wika niya.
" Hindi ka pa pwedeng gumalaw hijo. wala ka pang lakas, hindi mo kakayanin..."
" But tita paano na si Glea? Paano na ang asawa ko tita?"
" Don't worry, pinangako ni Arnold na hindi siya titigil sa paghahanap sa asawa mo..."
" Arnold?"
" Yes Arnold... "
" Why? Hindi ba't siya ang dahilan kung bakit nahanap kami ng ina ni Glea?"
" Natauhan ang kapatid mo nang tumawag si Janice sa kanya upang magpasalamat at nalaman niya kung ano ang pinapagawa nito sa'yo. Kung hindi niya ito tinakot hindi nito sasabihin kung nasaan ka. He might have angry pero hindi niya rin gusto ang pinapagawa na Janice. Humingi siya ng tulong sa mga pulisya para puntahan ka... Inilibing ka nila sa lupa ng buhay mabuti na lamang at hindi pa huli ang kapatid mo at naabutan ka nila. You are badly wounded at may broken bone pa. Iniligtas ka ng kapatid mo Lance... Patawarin mo na siya. Sa ngayon hinahanap niya kung saan dinala ni Janice si Glea. Nahuli ng ng mga kapulisan ang mga tauhan niya at siya rin ay pinaghahanap na rin ngayon." Salaysay ng kanyuang tita Cory.
" But I can't just stay here and do nothing tita... Paano kung pinaoperahan na niya si Glea? Paano kung.."
" Let's just pray hijo... "
" Tita hindi ko kayang mag-isip lang dito.. How many days? ANong araw na? Ilang araw ba akong walang malay???"
" You've been unconscious for more than two weeks. "
" WHAT!!!???"
" Nakatatlong beses na ring bumalik dito si Arnold at di ka pa rin nagigising..."
" Diyo's ko... Wag niyo pong pabayaan ang asawa ko... Kung pinaoperahan man siya, sana mailigtas siya kahit na po hindi na niya ako maalala basta ligtas lang po siya. Maawa po kayo sa asawa ko..." Mahinang panalangin ni Lance.
Isang linggo pa at pinayagan nang lumabas si Lance, nakawheelchair pa rin siya dahil sa nakasementong paa niya. Kinabukasan naman ay may natanggap silang balitang inatake sa puso ang kanyang ina at nasa kritikal ang kundisyon nito kaya't agad na umuwi si Lance. Mula airport ay dumeretso na sa ospital si Lance.
" Diyos ko po, maraming salamat at ligtas ka anak..." Naiiyak na wika ni Yaya Soleng nang makita si Lance habang tulak-tulak ni Cory ang wheelchair.
" Wag na po kayong mag-alala yaya, ayos na p ako..." WIka ni Lance.
" Hindi ko akallaing mgagawa ni Janice iyon, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.. Paano niya nagawa ang ganun?"
" Galit po, galit ang nagtulak sa kanya para gumawa ng masama... " Sagot niya.
Dinala na siya sa ICU kung saan nakalagay ang kanyang ina. Sa labas ng pintuan ay naabutan niya ang kapatid at ama na dala-dala ang lungkot sa kanilang mukha.
" Pa, where's mama?" Tanong niya.
" Hijo, she's inside, ikaw nalang yata ang hinihintay niya..." Wika ng matanda.
Nahabag siya sa hitsura ng ina, parang makina nalang yata ang nagpapabuhay nito.
" MA... Nandito na ako... Please be okay ma... Okay na ako ma oh... pagaling ka na ma ha... uwi na tayo..."
pilit niyang pinipigilan ang sariling umiyak ngunit napakasikip ng kanyang dibdib. Inspite of everything, she is his mother after all. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ito pa rin ang kanyang ina at mahal niya ito. Malaki man ang kasalanan nito noon at ito man ang dahilan kung bakit ang daming pagsubok na kinakaharap niya ngayon dahil sa kanya ay di niya talaga magawang magalit dito dahil nanay niya ito.
" Ma please live... " HIndi na niya mapigilan ang paghagulhol. Pati na rin ang mga taong nandoon ay naiyak na rin.
Gumalaw ang kamay ni Theresa at bumuka ang bibig na parang may gustong sabihin. Inalalayan siya ni Aaron upang mailapit ang kanyang tenga upang marinig ang gustong sabihin ng kanyang ina.
" L-Lance a-anak k-ko... P-pa-ta-wa rin m-mo ako... ang d-da-mi ng ka-sa-l-lanan ko, d-dahil sa a-akin nag-k-kaganyan ka.."
" Ma... wag mo nang isipin yun, wala yun... Just live please... fight ma.. marami ka pang dapat gawin... marami ka pang dapat sabihin sa asawa ko.. ma please be strong... "
" H-hin-di ko na k-ka-ya a-anak... pa-ki-s-sabi na lng kay Glea, pa-patawarin ni-ya ako..."
" Ma please, ikaw ang dapat magsabi niyan... Ma... "
" Ma-hal na ma-hal ko ka-yo... "
" I love you too ma..."
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang ina pagkatapos ay nilagutan na ito ng hininga.
" MAAAAAA!!!! NOOOOOO!!!! HIndi pwede ma!!!! MA please wake up ma!!!!! MAAAAAA!!!!" Sigaw ni Lance.
Pilit niyan inaalog-alog ang katawan ng kanyang ina ngunit di na ito humihinga. A single line is shown at the heart monitor telling that the patient's heart is not beating anymore.
Halos magwala si Lance dahil hindi matanggap ang pagkamatay ng ina.
When it rains, it pours... Sunod-sunod ang dagok sa buhay niya ngayon... Si Glea hindi niya alam kung ano na ang nangyari, nawala ang kanyang ina and he is now useless dahil hindi man lang siya makalakad dahil sa baling paa niya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...