A/N
****************************************************MjBlue(",)**************************************
" O ano na nagkausap na kayo?" Excited na tanong ni Andrew kay Glea. Nakita niya kasing lumabas si Lance sa department ni Glea.
"OO... Just as expected... he asked me..." Sagot niya.
"Anong sagot mo?"
"Syempre.. pagulat effect. Tanong kunyari bakit ako..." Aniya.
"Artistahin.. So ano na?"
"I said pag-iisipan ko..."
"Hahaha...baliw! Kailangan pa ng isip-isip.." Natatawang wika nito.
"Aba syempre!!! Para talagang isipin niyang hindi natin pinlano ito.." Aniya.
" Matalino.. Sige ikaw na ang bahala sa pakikipag-usap mo sa kanya. I have to go now.. Hindi ka ba maglulunch?" Tanong nito.
"Nagpatake-out lang ako kay Jewel, madami akong gagawin eh.." Aniya.
"Okey sige... Mamaya nalang.." Wika nito sabay tungo na sa pintuan. Napatda siya nang pagbukas niya ng pintuan ay may nakatayong tao doon. Bahagya ding nagulat ang babae sa pagbukas niya ng pinto. Halatang umiiyak ito dahil kita niyang namasa ang pisngi na may daloy ng luha. Biglang dumilim ang mukha ni Andrew...
"Why are you here?" Tanong niya.
Nakatitig lang sa kanya ang babae na parang di alam kung anong sasabihin. " Si.. Si Glea?" Tanong nito.
"She's not here... She had a meeting.. Bakit anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Andrew. Lumabas na siyang opisina at agad itong sinara.
"Gusto ko lang sana siyang makausap.." Aniya.
"About what?"
"Ah..wala.." Wika nito sabay mabilis na umalis. Pinagmasdan lang siya ni Andrew habang papaalis. Hindi siya makakapayag na magkita sila ni Glea sa ganoong sitwasyon. Masisira ang planong paghihiganti ni Glea kapag kakausapin siya ni Rhoanne. Baka madala ang babae at lalambot ang puso nito kay Rhoanne.
***********************************
Narinig ni Glea ang pag-uusap na yun. Napansin niya kasing nagulat si Andrew pagkabukas niya ng pintuan. At may kausap ito. Nang isinara ni Andrew ang pinto ay agad siyang tumayo upang silipin kung sino ang nandoon at kausap ni Andrew.
Nakita niya si Rhoanne. malamang nalaman na nito na nandito siya dahil nakasulat sa labas ng pintuan ng kanyang opisina kanyang pangalan as Marketing HEad. Narinig niyang nagsinungaling si Andrew dito at sinabing wala siya. Bumalik siya sa kanyang table at pabagsak na umupo doon. Gusto niyang kausapin si Rhoanne. Gusto niya itong sumbatan sa ginawa nito sa kanya. Pero hindi pa ngayon ang panahon para doon. Sisiguraduhin niyang hindi magiging masaya si Rhoanne kay Aaron.
**************************************
Patakbong umalis si Rhoanne mula sa Department ni Glea. Agad siyang sumakay ng elvator paakyat sa taas at dumeretso agad siyang CR at naghilamos. Hilam sa luha ang kanyang mata at baka magtaka pa si Aaron bakit siya umiiyak.
Nakaharap siya sa salamin. Habol niya ang kanyang hininga. Tama nga siya.. Si glea nga iyon. Si Glea nga ang bagong head ng marketing department ng kompanya nina Aaron. Bakit ba naman sa dinami-dami ng kompanya ay doon pa napunta si Glea? Bakit hindi nalang sa ibang kompanya? At nakatira pa ito sa condo kung saan nandoon din si Aaron.
"Hon?" Narinig niyang tawag ni Aaron sa kanya mula sa labas ng cr.
"Hon.. Bakit?" Sagot niya.
"I'm worried, kanina ka pa kasi diyan... Okay ka lang?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...