A/N
MAlamang marami nang galit kay Rhoanne.. May naalala lang ako way back in cell test kng paano sila nagreact sa mga part na to..hahaha...
Enjoy reading lang po.. Bawal highblood.. Thanks.. Ciao!!!
hi to miss ammeriety thanks for reading...
-MjBlue
Hindi niya alam kung saang lugar siya. Naglalakad siya mula kanina pa, subalit wala naman siyang patutunguhan. Bigla nalang nag-iba ang lugar. Nakatayo siya ngayon sa isang sala... Biglang nasa isang silid na siya. Nilibot niya ang paningin sa paligid. May nakita siyang higaan at may taong natutulog doon. nang lumapit siya, dalawang tao ang nandoon... Lumapit pa siya...
Nanigas ang kanyang katawan at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang dalawang taong nakahiga sa kama.Magkayapos at hubo't-hubad ang mga ito.
"Rho-Rhoanne? B-babe!!!" Sigaw niya. Ngunit di nagising ang dalawa. Parang pinagtutusok na ang kanyang puso sa sakit dahil sa kanyang nakita!!!
"BABE!!!" Sigaw niya. "RHOANNE!!! SINO SIYA?!?!? RHOANNE!!!!" Subalit kahit anong sigaw niya ay di siya narinig ng mga ito... Naramdaman niyang palayo siya nang palayo sa mga ito.. Sumigaw ulit siya..
"RHOANNE!!! " Aniya. Nakita niyang gumising ang dalawa at naghalikan ang mga ito. 'RHOAAAANNNNNEEEEE!!!!" Sigaw niya habang tuluyan na siyang mapalayo sa mga ito.
Napabalikwas si Glea at hingal na hingal siya.
"Panaginip lang pala.. Akala ko totoo na..." Aniya sa sarili. Tinignan niya ang relo... It's 2:00 A.M., Tumayo muna siya at uminom ng tubig. Nahapo siya sa panaginip niya.. Para kasi itong totoo. Paano nalang kung manyari yun.. Anong mangyayari sa kanya... Hindi niya ito naisip na mangyayari pero paano nga pala kapag nagawa ito ni Rhoanne?
Isa itong malaking katanungan sa isip niya. HIndi niya alam ang sagot. Baka ikamamatay niya pag nawala ang babae.
Tinignan niya muna ang kanyang cellphone bago bumalik sa higaan. May message ito galing kay Rhoanne.
-Gudnyt babe. I luv u so mch. I miss u.
Napangiti siya sa message ng kanyang nobya. Tuluyan nang nawala ang iniisip niya kanina pa lang. Mahal siya ni Rhoanne, hindi ito magagawa ng babae sa kanya. They love each other...
******************************
Nagising si Rhoanne dahil parang may tumatawag sa pangalan niya. Tinignan niya ang kanyang katabi subalit mahimbing ang tulog nito, siya namay'y nakaunan sa bisig ng lalake. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng lalake. Napakasarap halikan ng lips nitong maliliit at mapupula. Matangos ang ilong nito at ang pilikmata'y makakapal at maiitim. Ang kilay din nito'y makakapal. Hinalikan niya ang labi nito, at bahagya naman itong nagising at gumanti ng halik, sabay yakap uli nito sa kanya at bumalik sa pagtulog. Pinikit na rin niya ang kanyang mga mata subalit di siya makatulog.
Pagatapos nilang kumain nitong gabing sinundo siya ni Aaron at biniygan ng gold na bracelet ay agad na itong nagyayang umuwi sila dahil nananabik na raw ito sa kanya. Sa kotse palang ay panay na ang himas nilang dalawa na parang ilang buwan itong hindi nagkita at sabik na sabik na ito sa isa't-isa. Init na init silang dalawa at sa loob ng silid ni Rhoanne ay pinagsaluhan nila ang init na kanilang nararamdaman. Bagama't nababagabag ay hindi na napipigilan ni Rhoanne ang daing ng kanyang katawan sa mga haplos at yakap ni Aaron Nababaliw siya sa tuwing dumadampi ang mga labi ni Aaron sa kanyang katawan. Kakaibang sensasyon ang dulot nito. Idinikit niy ang kanyang mukha sa dibdib ni Aaron at nilalanghap ang amoy ng lalake hanggang sa makatulog ulit siya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...