*
This is for today... Malamig na gabi po sa inyong lahat... God bless..***************************************************************
Present...
"Ngayon naintindihan mo na kung bakit ganun ang nangyari?" Tanong Mariano kay Lance.
" So magkapatid si Tracey at si Glydel.. Ah si Glea?"
"OO... Magkapatid sila.."
"Dad bakit di mo hinanap si Glea?" Tanong niya.
" Hinanap ko siya.. At nalaman ko kung saan siya nakatira... Takot pa rin akong baka galit pa ang iyong ina kaya't nilihim ko ang aking nalalaman. Nasa mabuting lagay naman si Glea, hindi ko rin naman siya pinababayaan, palagi akong nakamonitor sa mga pangyayari ng buhay niya. Pati na ang nangyari sa kanila kay Rhoanne. Ngunit kailangan kong magkunwari na wala akong alam..." Aniya.
"Kaya pala wala siyang maalala dahil sa tumor niya..." Ani Lance.
" Yes.. Naapektuhan ang kanyang utak, which causes her to have lost her memory... Ibang pangalan at pagkatao ang sinabi sa kanya at yun ang kanyang kinalakhan. Pero naniniwala akong balang araw ay bumalik din ang kanyang memorya at maalala din niya tayo..." Ani Mariano.
Mula doon ay bumalik na si Lance at ang kanyang ama sa kanilang bahay, naabutan nila si Aaron doon na nagwawala, nakainom ito.
"Aaron ano ba yang pinaggagawa mo? Tigilan mo na yan!!" Saway ni Mariano.
"Lance!!! May alam kaba tungkol dito ha? May alam ka ba?" Tanong ni Aaron sa kapatid.
"Anong alam? ANo ba?" Tanong ni Lance.
" Alam mo ba ang tungkol kay Glea? na si Glea ang dating kasintahan ni Rhoanne?" Ha? Sumagot ka!!!" Galit na tanong ni Aaron.
Tumingin si Lance sa kanyang daddy... saka bumaling kay Aaron.." Wala, wala akong alam.. " Ani Lance.
"Oras na malaman kong may alam ka tungkol dito.. pagbabayaran mo ito Lance.. Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin!!!" Ani Aaron.
" Go ahead Aaron, di ako natatakot.." Wika ni Lance sabay pasok na sa loob ng bahay.
" Tama na yan Aaron, magpahinga ka na.." Wika nI Mariano.
" Hindi dad.. Ginawa nila akong tanga... NIloko ako ni Glea... Isa pala siyang tibo!!!" Sumbong ni Aaron.
"Minsan sa buhay natin may malalaman tayong nakakasakit sa atin... Pero minsan dahil lang din ito sa mga bagay na ginawa natin.. Nakasakit ka ng kapwa.. Siguro binalik lang sayo ang sakit na kanyang naramdaman noong inagaw mo ang mahal niya." Wika ni Mariano.
" Ayusin mo na muna ang buhay mo.. Magkakaroon ka na ng anak, hindi ba dapat nakafocus ka na lang kay Rhoanne? Napakahina mo Aaron, ang dali mong maakit sa isang babae, alam mong may masasaktan kang iba pero balewala sa iyo yun, sariling kaligayahan mo lang ang iniisip mo... Makasarili ka Aaron... Go now.. Take a rest.. Mag-isip-isip kang mabuti." Payo nito sa kanya.
Iniwan nito si Aaron na wala man lang naisagot sa sinabi niya.
******************************************************************
"Patawarin mo ako anak kung hindi na ako nagpakita sa inyong muli.. Pero sa maniwala kayo't sa hindi.. Sinusubay-bayan ko kayo... Hindi ko kayo pinababayaan..." Ani Janice.
"Anak.. Sana maintindihan mo kung bakit namin nagawa ito sayo.. Para din ito sa iyong kaligtasan.. Nanganganib ang buhay mo noon kaya namin ito nagawa.." Paliwanag naman ni Alma.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...