She's Evil

39 4 0
                                    

***pavote po..tnx..****************************************Mjblurrr(",)***********

"PUNYETA!!! Paano niyo hinayaang makatakas ang babaeng iyon kuya? Ang bata hindi niyo pa talaga nakuha!! Mga palpak kayo! Mga Palpak! Walang silbi!!!" Galit na wika ni Theresa.

"Relax lang Theresa.. Napag-alaman naming nasa Australia na ngayon si Janice.. Malamang kasama rin nito ang kanyang anak.. Wag kang mag-alala... Nandoon ang isa nating pinsan upang maghanap sa kanya." Sagot naman ng kapatid.

" Huwag niyong hahayaang makawala ang babaeng yun at ang kanyang anak.. Gusto kong makita sa Dyaryo o telibisyon na patay na ang mag-inang yun!! Naintindihan mo kuya?!?" Ani Theresa.

" OO Theresa... Ginagawa na namin ang aming makakaya..." Sagot nito.

"Dapat lang kuya... Dapat lang.." Wika ni Theresa.

Lingid sa kaalaman ng babae, nakikinig pala sa kanya ang kanyang anak na si Lance. Saka pa lang niya ito napansin nang matapos na siyang makipag-usap sa kanyang kapatid. Masama ang tingin nito sa kanya at may namumuong luha sa mga mata nito.

" Lance? Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.

" How dare you mama? Masama kang tao!! Masama kang tao!!!" Galit na sigaw ni Lance sa kanya.

" Lance.. Di mo ako naiintindihan Lance!! Namatay ang kapatid mo dahil sa kanila..." Wika ni Theresa.

" No!! Hindi sila ang may kasalanan.. You are the one driving the car not them!! Wag mong ibentang sa kanila ang kasalanang ikaw naman ang may gawa!! You killed my Sister!! YOU KILLED TRACEY!!! Now you wanna killl Glydel and her mom too?? HOW DARE YOU MAMA??? YOU ARE EVIL!!! EEEVVVVIIILLLL!!!" Malakas na sigaw ni Lance.

" Lance!! Lance!!! Tama na! Tama nah!!!" Sigaw din ni Theresa.

" I hate you mama! I Hate you!!!" Wika ni Lance sabay takbo palabas ng kwarto niya.

HUmabol naman si Theresa sa anak kahit na naka wheel chair ito. Umiiyak si Lance habang tumatakbo, hindi nito namalayan ang bola ng baseball na nasa malapit sa hagdan naapakan ito ni Lance at sa isang iglap ay pagulong-gulong na ang kanyang anak sa hagdanan.

"LANCE!!!!" Sigaw ni Theresa.

Duguan at walang malay si Lance nang bumagsak sa ibaba.

" LANCE!! ANAK KOOOO!!!" Sigaw ni Theresa. Agad namang nagsilabasan ang mga katulong at nauna na dito si Yaya Soleng!!

" Diyos ko Lance anong nagyari?" Natatarantang tanong ni Soleng. " Bilisan niyo tulungan niyo ako, dalhin natin siya sa Hospital!!!"

Agad namang kinarga ng isang lalakeng kasambahay si lance at isinakay sa Kotse, pinaharurot ng driver ang kotse upang dalhin si Lance sa Hospital kasama si Yaya Soleng. Sa kotse na lamang nakuhang tawagan ni Soleng ang among lalake na nasa trabaho. Agad naman itong dumating sa Hospital.

Nasa labas ng Emergency room si Soleng at ang driver nang madatnan niya...

"Soleng! Anong nangyari? Nasaan si Lance?" Tanong niya.

" Nasa emergency room pa ho sir... Inaasikaso ng mga doktor." Sagot ni Soleng.

"Soleng ano bang nangyari? " Tanong ni Mariano.

" Hay naku sir! Itanong mo yan sa asawa mong mamamatay tao..." Galit na wika ni Soleng.

" Anong ibig mong sabihin Soleng?" ani Mariano.

" Sir.. Matagal ko na itong sinarili lang dahil ayokong magkagulo kayong mag-asawa... Pero sa ginawa niya sa alaga ko ngayon.. Hindi na ako makatiis sir..." Ani Soleng.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon