Happy reading po...
*********************************************Napabalikwas si Glea nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot nang hindi man lang tinignan kung sino ang tumawag.
"Hello..."
"Hello Glea.. I'm really sorry to wake you up so early but you have to get up now.." Si Arnold ang narinig niya.
Tinignan niya ang kanyang relo sa bisig, 6 palang ng umaga balak sana niyang gumising nang matagal dahil wala naman silang napag-usapang lakad ni Arnold at saka hiniling niya talagang wala silang gagawin sa araw na ito dahil may lakad nga siya kinagabihan at ayaw niyang malate...
"Bakit Arnold? Wala naman tayong lakad diba? Tsaka hiniling ko ang araw na to na wala tayong gagawin.." ANiya.
"Yes I remember that but there's a sudden changes.. Dumating na kasi ang mga stocks na binigay ng mama mo para sa mga bata.. At gusto niyang ihatid ngayon din..."
"Ano ba naman Arnold.. Pupunta naman tayo bukas pwede namang isama na natin yun..." Ani Glea.
" Tsaka gusto ng mga bata na ngayon na tayo pumunta.." Ani Arnold.
"Gusto ng mga bata o gusto niyo ni mama?" Inis na wika ni Glea na mayroong pagdududa..
" Naman.. Sige na Glea.. Gabi pa naman ang lakad mo makakaabot ka pa rin.." Ani Arnold.
"Hay! Sige na nga! babangon na.." Aniya.
"Pick you up by 7..." Anito.
"Okay then.." Aniya.
Walang nagawa si Glea kundi ang bumangon nalang. Naisip niyang sabagay gabi pa naman ang dinner date nila ni Lance.. UUwi nalang siya nang maaga.. Mauna siya sa ayaw at gusto ni Arnold dahil pinag-usapan na nila ito. nagbaon nalang siya ng pamalit na damit incase gagahulin siya sa oras.. Gusto pa naman niya fresh pagdating doon pero hayaan na...
Pagbaba niya ay nakahanda na ang kanyang almusal, kasabay niyang kumain ang kanyang nanay Alma at mga kapatid pati na rin ang tatay Cesar niya subalit wala ang kanyang mama...
" Si mama po nay?" Tanong niya.
"Maagang umalis.. May aasikasuhin lang daw.." Sagot ni Alma.
"Ganun po ba?" Aniya. Napansin niyang habang kumakain ay tahimik ang mga ito... Bigla siyang kinabahan..
"Hmmm.. Bakit parang nararamdaman kong may gusto kayong sabihin sa akin.." Ani Glea.
Nagtinginan ang mga ito at nahalata niyang nagsisikuhan ang kanyang mga kapatid.. Ngunit nagsalita na ang kanyang tatay Cesar..
"UUwi na muna kami sa probinsya anak.. Napabayaan na namin ang aming negosyo doon ng nanay mo.. Alangan namang iasa lang namin ito sa naiwan naming tauhan doon.. Diba nga si Nanay mo mismo ang chef doon... At saka itong mga kapatid mo pinapabalik na sa trabaho..." Anito.
" Pero tay akala ko ba dito na tayo titira.. Magsasama-sama na tayo dito..." Ani Glea na gusto ang maiyak sa mungkahi ng kanyang ama.
"Alam mo namang hindi maari yun anak... Sa iyo ito.. Para sa iyo ang bahay na ito... Ayaw naming magiging pabigat sayo.. At saka maayos na ang buhay namin doon... Hindi kami nararapat dito anak.. Sana maiintindihan mo..." Sagot naman ng nanay niya.
"Pero ito kasi ang pangarap ko.. Ang hindi na tayo maghihiwalay pa... Ang magkasama tayo.. Nay... Tay.. Kuya.. malulungkot ako kapag wala kayo sa piling ko... Please naman oh... Wag na kayong umalis... Kung trabaho mga kuya hahanapan ko kayo ng pososyon sa company... Nay magtatayo tayo ng negosyo mo rito... Wag lang kayong umalis..." Ani Glea.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
Storie d'amoreOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...