Sarry naman sa mga typo errors... Next year na ako mag edit..hikhikhik..
*******************************************Lagpas hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Glea. Bumangon na lamang siya at bumaba upang kumuha ng fresh milk para makatulog siya. Hindi muna siya bumalik sa kanyang silid, umupo siya sa couch ng sala nila at binuksan ang tv. Nakailan lipat din siya bago siya pumirmi sa isang channel.. Lumang palabas ang kanyang pinanood.. She found herself still amused with the tv program.. Pakiramdam niya may naaalala siya. Hanggang sa dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata.
"Siopao!!! Huwag mong ilipat ang channel kundi babatuhin kita nitong tinidor na hawak ko!!" Banta niya sa kaibigan.
" OO nga kuya... We like watching cartoons..." Ani Tracey.
" Ano ba naman kalbo.. Ang OA kasi ng palabas nila.. Ilipat nalang kasi natin sa iba.. May bagong palabas sa ibang channel.. Sige na yung power ranger..."
"HEH!! Tumigil ka siopao!! Nandito ka sa bahay namin... " Wika ni Glea.
"Eh.. di sige uuwi na ako.. Sa bahay nalang ako manonood.. " Sabi nito sabay tayo.
"Kuya naman eh... Iiwan ako.. Ate Glydel... LIpat nalang natin sa gusto ni Kuya... Let's watch power ranger nalang..." Anito.
" Hmmp!! Sige na nga!!! Nakakainis ka talaga siopao!!! Siopao ka talaga!!! Lagyan ko nalang ng pulang lipstick ang ilong mo siopao ka na talaga!! GRRR!!!" Naiinis na wika ni Glea. Habang ang kaibigan naman at ngingiti-ngiti dahil nagwagi siya sa gusto niya...
Magkatabi silang tatlo sa couch.. Napagitnaan siya ng dalawa.. Si Tracey ay nakahalukipkip sa kanya habang siya namay nakasandal sa kaibigan... Maya-maya ay ihinilig ng kaibigan ang ulo nito sa kanya ulo at bumulong...
" I love you kalbo..." Sabay halik sa kanyang buhok.
Hindi niya pinansin ang kaibigan subalit ang sinabi nito ay nagbibigay kiliti sa kanyang murang murang damdamin.
" Mahal din kita Siopao..." Aniya ngunit sinarili na lang niya ito. Ang bata-bata pa niya para sa ganun, pero sana paglaki niya, ito ang magiging nobyo niya kahit mataba ito mamahalin pa rin niya ito dahil alam niyang mahal siya nito.
"Sana siopao maabutan ko pa ang paglaki natin.. Ikaw magiging last dance ko sa aking 18th birthday... mag-aral ng college together, makapagtapos ng pag-aaral.. magtrabaho... ngunit alam kong imposible nang namngyari yun.. Tanggap ko nang konting panahon nalang mawawala na ako sa mundong ito... Nakakalungkot isipin pero kailangan kong tanggapin. Mahal kiita at ikaw lang ang mamahalin ko..." Ani Glydel sa sarili. Hindi niya namalayan na tumulo ng pala ang kanyang luha at hindi iyon nakaligtas kay Tracey na sakto namang nakatingala ito sa kanya. Ito mismo ang nagpunas ng kanyang mga luha... She ushered not to speak about it. And the little girl agreed.
************************************************
"Sinabi na kasing wag masyadong magtatakbo hayan tuloy siopao hinihingal ka na tuloy.." Wika ni Glydel.
" Sus kalbo inggit ka lang kasi di ka pwedeng tumakbo-takbo..." Sagot nito.
Nasa picnic sila ngayon kasama si Yaya Soleng.. Habang naglalaro si Tracey at Lance ng habulan tatawa-tawa namang nanood lang sa kanila si Glydel. Nagpunta sila doon upang makalanghap ng sariwang hangin si Glydel.. Pumayag naman ang kanyang lola dahil kasama naman si Yaya Soleng.
Umupo sa tabi niya si Lancepawisan at hinihingal.." Kain na tayo.." Yaya nito.
" Hay naku talaga siopao... Hindi ka talaga papayat niyan. " Ani Glea.
" Bakit sino bang maysabing nagpapapayat ako? ang payat mo.. maganda bang tignan? Hindi diba?" Sagot nito.
"Hmmmp!!! Meron akong sakit so exempted yun.." Wika ni Glydel.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...