please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
**************************************
Dumaong na ang barko sa Amsterdam. Lahat ng mga pasahero ay dahan-dahan nang umalis ng barko upang habulin ang kani-kanilang flight pabalik ng kanilang bansa. Gayun din sina Rhoanne at Aaron. Maaga silang umalis ng barko.. Ayaw ni Aaron na magpang-abot pa sila ni Glea sa paglabas kaya maaga silang umalis.
Magkaiba naman ang kanilang flight kaya panatag na siyang hindi sila magkikita sa airport.
"Hon.. Dito ka lang ha bibili lang ako ng makakain natin.." Paalam ni Aaron sa kanya.
" O sige hon.. magcoconnect ako sa wifi ng airport imimessamge ko lang si Emma." Aniya.
Umalis naman na si Aaron upang bumili ng pagkain, siya naman ay busy siya sa pagchachat niya kay Emma. Narinig niya ang yabag ng takon ng sapatos, sa gilid ng mga mata niya ay may nakita siyang paa na may suot na pulang sapatos at mataas ang takon nito. Naglalakad papadaan sa kanya. Nang nasa tapat na niya ito ay napatingala siya nagulat siya nang pagtingala niya ay mukha ni Glea ang kanyang nakita. Nagpang-abot ang kanilang mgat mata.. Tumaas ang isang kilay nito at ngumiti sa kanya. Nakatitig siya dito hanggang sa lumagpas na ito sa kanya...
Nanlalamig si Rhoanne at parang gusto na niyang himatayin. Nandito sa Airport si Glea, hindi rin imposibleng sumakay din ng Carribean cruise ang babaeng yun.. HIndi kaya si Glea ang babaeng yun? Si Glea ang babaeng katagpo ni Aaron sa barko? Si Glea ang may-ari ng lipstick sa t-shirt nito. OO ang lipstick.. kasing kulay ng lipstick na nasa labi ngayon ni Glea.
"HIndi pwede! Hindi maari yun!! Ito na ba ang sinasabi mong paghihigante mo sa akin Glea?" Aniya sa sarili. " Hindi.. Hindi ako makakapayag.." Aniya. Nanginginig siya, hindi niya maintindihan.. nagagalit siya... Nasasaktan lalo na kung isipin niyang si Glea ang babae ni Aaron. Parang gusto na niyang himatayin.
Pinakalma ni Rhoanne ang sarili dahil nakita niyang pabalik na si Aaron sa kanya.
"Hon.. namumutla ka yata.. Okay ka lang?" Tanong nito.
" Ha..ahhh.. oka lang ako hon.. ANo ba yang dala mo? Kainin na natin yan..." Sagot niya. Kinuha niya agad ang pagkain at ibinaling niya sa pagkain ang atensyon.
Tuwang-tuwa naman si Aaron habang nakatingin sa kanya. naintindihan naman niya kung bakit ganun ang nobya. Buntis ito at palaging gutom dahil dalawa silang kumakain.
Maya-maya ay nag-aanounce na ang attendant na pwede na silang magboard ng plane. Mabuti na lamang at tapos na si Rhoanne sa pagkain. palingon-lingon siya hinanap ng mga mata ni Rhoanne si Glea subalit hindi na niya ito nakita.
************************************************
"Bruha ka talaga.. doon ka pa dumaan talaga sa harap ni Rhoanne ha.." Wika ni Andrew.
"I was just meking her realize na kahit saan man sila magpunta ni Aaron ay nandoon pa rin ako upang guluhin ang buhay nila.. I won't let them happy.." Wika ni Glea.
Tapos na silang mag-check in ng baggage may tatlong oras pa silang maghintay para sa kanilang flight. Niyaya nalang niya si Andrew na maglakad-lakad at mamili sa shopping mall ng airport.
Napansin niya nanaman ang lalakeng nakasombrerong dumaan habang namimili siya ng mga wines... Hindi siya nagkakamali yun ang misteryosong lalake ang dumaan. Sinundan niya ng tingin kung saan ito pumunta... Nagmamadali naman niyang sinundan iyon at gusto niya itong komprontahin. Napansin naman siya ni Andrew.
" Glea saan ka pupunta?" Tanong nito.
"Nakita ko yung lalakeng sinasabi ko.. Susundan ko siya..." Sabay lakad ni Glea nang mabilis patungo sa pinuntahan ng lalake.
"Glea saglit.. teka lang.." Habol din naman si Andrew.
" Bilisan mo Diyan Andrew baka di na natin maabutan!!" Ani Glea.
Biglang kinabahan si Andrew, nakita niya kasi si Lance kanina na dumaan at nagpunta ng men's room.
"Teka lang Glea nagbabayad pa ako sa Counter.." Pigil niya dito.
" Bilis na kasi.. mamaya na yan babalikan na lang natin.." Sabi nito.
Hindi pa rin naalis ang tingin ni Glea sa bandang pinasukan ng lalake.
"Halika nga rito!!" Hinila niya ang kaibigan paharap sa kanya. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat... " Glea friend... guni-guni mo lang yun... Lasing ka lang nun time na yun kaya kung anu-ano nalang ang naiisip mo. " Wika niya. Sinulyapan niya ang gawi ni Lance at nakita niyang nagmamadali nang lumabas ang lalake mula roon at nakalayo na rin ito.
Tinanggal ni Glea ang pagkahawak ni Andrew sa kanaygn balikat.. Friend kung ayaw mo akong samahan ako na ang pupunta.. Sige na bayaran mo na muna yang bibilhin mo. Sumunod ka nalang sa akin.
This time confident na si Andrew na wala na doon si Lance kaya hinayaan nalang niya ang kaibigan na pumunta doon. Sa kabilang side naman ay nakita niya si Lance na nakatingin sa kanya. nagthumbs up ito sa kanya. Tumango naman siya. Bihis na ito ng ibang damit at tinaggal na nito ang kanyang sombrero saka lumabas ng mall. Sumenyas ito sa kanya na doon na daw ito sa waiting area. Tinanguan naman niya ito.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
Любовные романыOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...