@Singapore

58 6 0
                                    

WAAAAHHH!!! Ano nang nagyari sa bida natin? Daring na ba? Oh well.. let's find out sa chapter na to.. Enjoy reading po.. Hi to al...

please dont forget to vote..thank you..

*******************************MjBlue(",)***********************************************************

***************************************************************************************************

*******************************************************************************************

MY GIRL, MY BOY

Hapon nang makarating sina Lance at Glea sa titirhan nilang hotel sa Singapore habang may Seminar. Magkaibang module ang dadakluhan ni Glea at Lance subalit parehong oras naman ito kay sabay na silang aalis at uuwi. Saglit lang na nag-ayos ng gamit si Glea at niyaya na muna niyang mamasyal si Lance. Excited kasi siyang makita ang Singapore. Kinabukasan pa ang kanilang registration at sa Martes pa ang start ng seminar kaya may oras pa silang mamasyal. Simple lang ang suot ni Glea, nakamaong na pantalon siya at naka t-shirt lang. Hindi niya kailangang magsuot ng mga sexy na damit dahil wala naman si Aaron. Nakarubber shoes lang din siya para hindi siya mahirapang maglakad.

" Well.. you look prettier in simple get up.." Wika ni Lance sa kanya.

"Echus ka pre!!! Mas komportable ako sa ganitong suot.. Kesa doon sa pasexy.." Aniya kay Lance.

"EH bakit ba kasi kailangan mong magsuot nang ganun?" Tanong ni Lance.

"Syempre executive attire at babaeng babae.." Wika ni Glea.

"Ewan ko sayo! Tara na nga..." Yaya ni Lance sabay hila ng kamay niya at tinawid nila ang kalsada papuntang sakayan ng bus.

Gamay na ni Lance ang Sinapore dahil nakailang balik na rin siya dito.. Minsan ay pumupunta lang siya dito upang mag-unwind. Yun lang naman ang nakahiligan niya kapag natapos ang stressful work niya. Umaalis siya ng bansa, gamit niya ang kanyang sariling ipon mula sa sahod niya. Hindi naman kasi siya masyadong magastos kumpara kay Aaron na mahilig magpunta ng bar.. Kung wala lang si Rhoanne magastos din ito sa mga babae.. Karaniwan kasi nitong nagiging girlfriend ay mga sosyal at maarte.. Iba nalang talaga si Rhoanne ngayon. Samantalang siya ay hindi siya mahilig mambabae, after ng break-up nila ng kanyang pangalawang girlfriend ay nagpahinga na muna siya. Kung may darating mabuti, kung wala okay lang din sa kanya. Sa trabaho muna siya ngayon.

Pumasok sila ni Glea sa isang sikat na seafoods restaurant doon. Madaming masasarap na kainan ang Singapore. Ito ang isa sa gusto niyang puntahang lugar dahil sa mga pagkain nito. Mahilig siyng kumain sa mga ganitong kainan. Nakakawala ng stress kahit nga sa pinas ganun ang ginagawa niya kahit mag-isa lang siya. Minsan nagyayaya siya ng kaibigan kapag gusto niya ng may kasama. Pero karaniwan talaga mag-isa lang siya.

"Ang sarap ng pagkain dito..." Sabi ni Glea.

"Sinabi mo pa..." Sagot naman ni Lance.

"Lagi ka ba dito?" Tanong ni Glea.

"OO kapag nandito ako..." Aniya.

"Mamamasyal pa tayo diba after this?" Parang batang tanong ni Glea.

"Hahaha.. OO naman.. Alam kong gustong-gusto mong gumala eh... Pagbibigyan kita ngayon.. Total registration pa naman bukas eh..." sabi ni Lance.

"Yeyyy!! Thanks Lance ha...Sigurado akong magiging memorable ang pagpunta ko dito sa Singapore.." Sabi ni Glea.

"Hmm.. Seminar first..." Paalala ni Lance.

"OO naman syempre... " Sang-ayon ni Glea.

"O siya kumain ka na riyan at marami pa tayong pupuntahang pasyalan. Maganda ang pasyalan dito pag gabi at mga night market." Sabi ni Lance.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon