Another one of my story nanaman po... Maraming salamat sa mga nagbabasa ng iba ko pang stories...
LIRA
Heart of Mine
Bethroted
Hope you will like this one... Noong una akala ko ayaw nila sa story na to.. yet may nagbabasa naman so thank you po... God bless sa ating lahat...
This chapter is dedicated to Cindy delmo... Natupad din ang pangarap mo..
CHAPTER 1
MY GIRL, MY BOY
KNOWING HER
"GO GLEA!!! SHOOT!!!" hiyawan ng mga taong nanonood. She only have 3 seconds para mashoot ang bola sa ring at panalo na sila. Half-shot lang ang laman ng kalaban kung kahit 2 points pwede na. Malakas ang hiyawan ng mga nanonood na taga-school nila.
Inter-school Tournament ngayon sa lugar nila. Lahat ng mga kalahok ay mula sa iba't-ibang school sa kanilang lugar. Isa si Glea sa mga manlalaro ng Women's Basketball League. Nandito sila ngayon sa St. Benedict High School dayo lang sila sa school na ito. Galing silang St. Therese Academy.
"Glea!!! Pasa mo sa akin ang bola!!!" Sigaw ng isa niyang kasama na nasa gitna. Subalit may biglang malaking babae na humarang dito kaya di niya maipasa ang bola. Wala na siyang choice kundi ishoot ang bola mula sa kinatatayuan niya.
"2 seconds!!" Announce ng comittee...
Itinaas niya ang bola at nakatitig siya sa ring. Kailangan mashoot iyon upang sila na ang magiging Champion ngayong taong ito. Bahagyang umatras ang kanyang kanang paa..
"Sure ball Glea!! Sure ball!!!" Sigaw ng mga kababaihan.
She concentratedly throw away the ball to the ring... Parang slow motion ang pangyayari... Umikiot-ikot ang bola sa bukana ng ring at sila nama'y habol hiningang nakatitig sa bola. Napapikit si Glea..
"Shoot!!" Usal niya.
Narinig nalang niya ang sigawan ng mga tao. Dagli namang tumunog ang buzzer hudyat ng pagtatapos ng laro.
"Ladies and gentlemen.. This year's Interschool Women's Basketball League Champion... ST. THERESE ACADEMY!!!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Namalayan na lang ni Glea na nakaangat na siya. Pasan pala siya ng mga team mates niya.
Napanalo niya ang ang kanilang team dahil sa 3 points na last shoot niya. Sobrang dikit ng laban. Subalit nanlo sila. ANg kalaban nilang 3 times Champion na ng sunod-sunod na taon ay natalo nila. This is the first time na naging Champion ang school niya.
"That was a very good fight.." Narinig niyang wika ng coach ng kalaban sa coach nila. Nasa gilid na sila ng court ngayon at tapos na ang hiywan at sayahan sa pagkapanalo nila. Nakipagkamayan sila sa natalo nilang team. Altough talo sila, all smiles at nasiyahan pa rin sila sa larong iyon.
" OO nga... Magaling din ang team niyo.. Sabagay naka 3 times na kayong Champion eh.. Kami naman.." Wika ng kanilang coach.
"OO, di naman sa lahat ng oras panalo eh... What matters is nag-enjoy ang lahat.. Congratulations sa inyo.." Wika nito.
" Congrats din sa inyo, umabot tayo dito eh.. " Wika n1g coach nila.
"Yes.. we have the second place naman.. not bad anyway.." Sagot nito.
***********************************************************
Nasa 3rd year high school na si Glea... Kalilipat niya lang sa school na yun dahil nadestino ang papa niya sa lugar na yun. Military ang kanyang ama at isang web designer ang kanyang ina. Walang problema dito kung saan sila mapadpad dahil hindi naman ito nag-oopisina importante lang nito na mayroong internet connection sa bahay nila. May kapatid siyang dalawang lalake, si Allen at Glen. Siya naman ang pinakabunso sa kanilang magkakapatid.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...