please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
******************************************************************
Masaya naman si Glea habang nandoon pa ang kanyang pamilya. Panay ang pasyal niya sa mga ito kapag wala siyang pasok o galing sa opisina.
"Ang laki pala talaga ng bahay na tinitirhan mo anak noh?" Wika ng kanyang ina habang magkatabi sila sa higaan. Nakayakap si Glea sa kanyang inay.
"Inay naman..opo malaki po yung building pero itong unit ko lang po ang sa akin..." Wika ni Glea.
" Ang ibig kong sabihin malaki na.. okay na to para tirhan mo dito sa Maynila.. Minsan kasi nag-aalala ako kung anong nang klaseng bahay ang tinitirhan mo... Kasi kahit papano malaki ang bahay natin sa probinsya... may malaki kang silid doon at di kita binabanat sa pagtatrabaho." Wika ng kanyang ina.
"Inay...okay na po ito.. Oo namimiss ko sa atin.. pero kailangan kong magsikap para po magiging maayos ang future ko at sa inyo ni Tatay pati na sa dalawang kuya." Wika ni Glea.
"Wag mo nanag alalahanin ang dalawa mong kapatid anak.. may maayos na na trabaho ang mga iyon at malalaki na rin ang sahod.. ewan ko lang kasi kung bakit ayaw pag mag-asawa ng mga iyon... Kami naman ng tatay mo ay okay na sa maliit na negosyo namin... Mabubuhay na kami doon.. at lumalago naman na ito... Dapat ngayon sarili mo ang isipin mo..." Payo ng kanyang inay.
"Inay walang kapantay po ang ginawa niyong suporta at pagmamahal sa aming magkapatid. Kasa dapat lang po na suklian namin kayo sa lahat nang nagawa niyo sa amin.. hayaan niyo po akong gawin yan nay... Masaya po ako.. Dahil mahal na mahal ko po kayo..." Wika ni Glea.
"Mahal na mahal ka rin namin anak... Yan ang tandaan mo.." Wika ng kanyang inay.
******************************************************
Hindi mapakali si Rhoanne... Kalalabas lang niya galing sa trabaho... Gusto niyang makausap si Glea.. magmakaawa..kung kailangang lumuhod siya dito ay gagawin niya.
Sumakay siya ng Taxi at nagdesisyong puntahan si Glea sa condo unit nito. Kakapalan na niya ang kanyang mukha, lulunikin niya ang kanyang pride layuan lang ni Glea si Aaron. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak.
Samantala nag-aayos naman si Glea dahil hahabol siya sa pamilya niya na nasa mall ngayon at namamasyal. Nang biglang may nagdoorbell... Inisip niya baka si Andrew kaya binuksan niya ito.. Ngunit iba ang nandun.. Si Rhoanne.. Sobrang payat na nito at nanlalalim ang mata...
"Anong ginagawa mo rito.. Ayokong makipag-away may lakad pa ako..." Wika ni Glea.
"No Glea.. I don't want a fight I just want to talk to you..Please give kahit 5 minutes..." pAgsusumamo ni Rhoanne.
"Kung anumang sasabihin mo.. Sabihin mo mna ngayon at aalis na ako... " Wika ni Glea na hindi man lang pinapasok si Rhoanne sa loob.
Lumingon-lingon si Rhoanne sa paligid saka dahan-dahan lumuhod.. Medyo nagulat si Glea sa ginawa nito. Deretso pa nitong sinubsob ang mukha sa kanyang mga paa...
"Glea please patawarin mo na ako... Nagsisisi na ako sa lahat nang ginawa ko sayo... Itigil mo na to.. maawa ka Glea please.. layuan mo na si Aaron.. mamamatay ako kapag nawala siya sa akin...please Glea..huhuhu..." Umiiyak na nagmamakaawa si Rhoanne habang hinahalikan ang paa ni Glea.
" Masakit ba Rhoanne? Masakit ba ang malamang may kinalolokohang iba ang mahal mo? HIndi ba't ganun ang ginawa mo sa akin? Halos mamatay ako sa sakit dahil sa ginawa mo... Halos gusto ko nang itigil ang pag-ikot ng mundo ko.. naiisip mo ba yun Rhoanne? Naawa ka ba sa akin?" Tanong ni Glea. Hindi na rin niya mapigilan ang kanyang mga luha dahil naalala nanaman niya ang sakit na nararamdaman niya.
"OO Glea.. Ramdam ko na ang sakit.. Siguro nga mas masakit pa... Hindi ko na maibabalik ang panahaon... Kung pwede pang ibalik, hidi ko gagawin yun... para hindi na umabot sa ganito... Pero Glea... Nangyari na ang lahat... Kung itutuloy mo ito wala ka na ring kaibahan sa akin... dahil may sasaktan ka ring tao sa ginagawa mo..." Wika ni Rhoanne.
"Wag mo akong itulad sayo Rhoanne.. hindi ako nasisilaw sa kayamanan..." Wika ni Glea.
"Glea... Hahayaan mong makasakit ka nang tao? Ganyan ka na ba ngayon? Nasaan na ang dating Glea na kilala ko? Ani Rhoanne.
"I don't care Rhoanne.. Kung ang masasaktan man ay ikaw.. It's fine.. dapat lang sayo yun... At sinabi ko na sayo noon.. Patay na ang Glea na kilala mo noon... " Wika ni Glea sabay sara ng kanyang pintuan at umalis sa harap ni Rhoanne upang umalis na.
"GLEa please!!! Buntis ako!! Maawa ka naman sa magiging anak ko... Kung may natitira pang konsensya diyan sa utak mo.. Kung may natitira pang kabaitan diyan sa puso mo please.. itigil mo na to... Not for me... Kundi para sa anak ko..please..." umiiyak na wika ni Rhoanne.
Napatigil sa paglalakad si Glea subalit di pa rin siya lumingon. Ayaw niyang makita ni Rhoane ang mga luhang nag-uunahang pumatak dahil sa kanyang narinig. Nasasaktan pa rin siya... Pero mas nanaig ang awa niya sa narinig niya.. naawa siya sa bata... Hindi siya lumingon at deretso pa rin siyang naglakad hanggang sa sumakay siya ng elevator.
"GLEA!!!!" narinig niyang sigaw ni Rhoanne.
Habang nasa elevator siya ay panay ang tulo ng kanyang luha. Himihikbi na rin siya. Mabuti na lamang at walang ibang sumakay. Pagdating sa basement dere-deretso siya sa kanyang kotse at doon na humagulhol.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...