What She didn't know

45 7 0
                                    

Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

******************************************************

Umuwi si Rhoanne sa kanyang apartment. Deretso siya sa kanyang kwarto ni hindi man lang niya nabati si Lynn na nasa sala at nanonood ng tv. Nagtataka man ito pero hindi na ito nag-usisa, naisip niyang baka nagkaproblema lang sila ni Aaron.

Samantala pagkapasok palang ni Rhoanne sa kwarto ay agad na niyang pinalabas ang kanina pa niya pinipigilang mga luha hanggang sa humaagulhol na siya. Ang sakit ng nararamdaman niya para na siyang mamatay. Gusto na niyang mamatay na lang.

"HOW DARE YOU AARON!!! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!?!? HOW DARE YOU?!?! HUHUHU..." Umiiyak na sigaw ni Rhoanne. Hindi niya kaya ang pait na nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib. Parang pinuputol ang kanyang hininga.

Buong araw siyang nagmokmok at umiiyak sa kanyang silid. Di niya nararamdaman ang gutom. Hanggang sa gumabi at dumating ang liwanag ng araw kinabukasan, hindi siya natutulog.. umiiyak pa rin... Ddalawang araw siyang nasa kwarto niya. Nagtataka na si Lynn bakit hindi siya lumalabas. HIndi na nito kinaya kaya kinatok na siya nito.

" Rhoanne? Gising ka ba?" Tanong ni Lynn sa labas ng kanyang pinto.

HIndi niya ito sinagot. Maya-maya ay nagbukas ang kanyang pintuan gamit ang spare key nito incase may problema at least meron silang tig-iisang duplicate ng susui ng bawat kwarto. Pagkakita niya kay Rhoanne nagulat ito..

"Diyos ko Rhoanne anong nangyari sayo?" Bulalas nito. Nagkalat ang kanayng mga gamit... basag ang salamin... si Rhoanne naman ay namamaga na na nanlalalim nag mga mata na parang walang tulog at iyak lang ito ng iyak.. Magulo ang buhok at panay ang tulo ng luha na nakatingin sa kawalan. "RHOAnne..." Aniya.

parang natauhan si Rhoanne at lumingon ito sa kanya... Agad itong yumakap sa kanya at humagulhol.

"Rhoanne? Anong problema? ANo bang nangyari? Sabihin mo sa akin? ANong nangyari?" Tanong ni Lynn.

"Niloko ako ni Aaron..huhuhu.. naabutan ko siyang may kahalikan sa opisina niya. At inamin niya sa akin na may namamagitan sa kanila nung babae at mahal na niya ito..huhuhu...Lynnn... Paano na kami ng baby ko? huhuhu..." Pagsusumbong ni Rhoanne.

"Buntis ka? hayop na lalakeng yun!! Walang puso!!!" Galit na wika ni Lynn. " Kelan to nangyari Rhoanne?"

"Noong isang araw na pumunta ako sa opisina niya. May kutob na ako noong nasa cruise kami, nung isang araw ko nalang nakompirma na meron talaga at inamin pa niya...huhuhu..hayop siya Lynn..Hayop siya..." Wika ni Rhoanne.

Biglang narinig nilang may nagdoorbell... Nagpaalam muna si Lynn sa kanya at pinagbuksan ang nasa labas. Si Emma ang dumating.

"Nasaan si Rhoanne? Dalawang araw na siyang di pumapasok at di man lang sinasagot ang tawag ko.. Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Emma.

"Pasok ka muna.. Nasa kwarto siya... Puntahan mo muna siya doon at ipaghahanda ko lang siya ng makakain.. halos tatlong araw na siyang di kumakain..." Wika ni Lynn.

"What? What happen?" Tanong ni Emma.

" Ask her..." Anito sabay tungo sa kusina.

Dumeretso naman ng kwarto ni Rhoanne si Emma. Nakita niya kung gaano kakalat ang kwarto ni Rhoanne at ang amoy nito. nakita niya rin agad ang kaibigan na nakahiga sa kama nito at halatang humahagulhol.

"Rho?" Tawag niya dito.

Agad na lumingon ang kaibigan at bumangon ito... Agad siyang sinalubong at niyakap nito habang pinakawalan ang malakas na pag-iyak.

"Ssshhhhh... Tahan na.. tell me what's wrong? Anong nangyari Rho?" Tanong ni Emma.

"I saw Aaron.. I saw Aaron..."

"Saw what?"

" I saw him with someone elese... Halos mag-sesex na sila sa loob ng opisina nito..." Wika ni Rhoanne.

"Who is the girl Rhoanne? Kilala mo ba?" Tanong niya.

"Si.. Si Glea... Huhuhu...ems.. i think i'm gonna die.. ang sakit.. ang sakit sakit..." Sabi ni Rhoanne.

"Naghihiganti si Glea Rhoanne?" Biglang sabat ni Lynn.. " Siya ba si Glea na ex mo?" Tanong nito.

Masakit at mahirap mang aminin pero tumango si Rhoanne. Nilapag ni Lynn ang bitbit niyang pagkain sa side table ni Rhoanne.

"Ito na ang kabayaran sa ginawa mo sa kanya Rhoanne.. Pinalasap niyalang sayo ang sakit na nararamdaman niya noong ipinagpalit mo rin siya kay Aaron." Wika ni Lynn.

Natahimik si Rhoanne. OO nga ito na nga yata ang kabayaran sa ginawa niya kay Glea... Naniningil na si Glea, hindi niya napaghandaan ang sakit sa gagawin nito. Hindi niya inakalang yun ang gagawin niya.

"I should have told you about it before... sana naabisuhan kita.. sana hindi umabot ng ganito..." Wika ni Emma.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Rhoanne.

"Noong nag Singapore kaming buong pamilya.. I saw Aaron... Kasama niya si Glea... Siguro alam mo ang tungkol sa seminar nila sa Singapore.." Ani Emma.

"Alam kong may sminar siya pero ang akala ko mag-isa lang siya.. hindi ko alam na magkasama sila..." Wika ni Rhoanne.

"Magkasama sila.. In fact nandoon din si Lance pero ang laging magkasama ay si Aaron at Glea... Binalaan ko na si Aaron..at nakaharap ko na rin si Glea... Binantaan ko pa nga.. pero pinagtawanan niya lang ako. Wala daw akong karapatan na pagsabihan siya sa dapat niyang gawin..." Ani Emma.

"Huhuhu.. matagal na pala ito.. Bakit ba parang ang tanga-tanga ko't di man lang ako nakaramdam.. Ang galing talaga ng ginawa ni Glea... Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin...huhuhu..." Sabi ni Rhoanne.

"Tama na yan.. Alalahanin mo nagdadalang tao ka... Makakasama sa baby mo yan.. hayaan mo.. palalakihin mo yan kahit wala si Aaron.. tutulungan ka namin umahon Rhoanne.. Basta tulungan mo rin ang sarili mo.." Wika ni Emma.

" Hindi ko yata kaya kung wala si Aaron...huhuhu.."

"Shut up!!! Nabuhay ka sa mundo Rhoanne na wala si Aaron... Dumating lang siya sa buhay mo... Kung wala na siya.. Mabubuhay ka parin!!! Tandaan mo yan!! Mabubuhay ka para sa anak mo!!!" Galit na wika ni Lynn.

"Tama siya Rhoanne.. you don't have to ruin your life dahil wala siya... Alalahanin mong may buhay kang dapat alagaan.. hindi lang sayo kundi diyan sa magiging anak mo..." wika ni Emma.

Pinilit nilang kumain si Rhoanne at pinaligo. Hinikayat ni Emma na pumasok na sa trabaho si Rhoanne at siya na ang bahala dun sa mga araw na di siya pumasok. Si lynn naman ay palagi siyang binabantayan.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon