Chapter 55: Bring back…
[Naomi’s POV]
Inhale. Exhale. Kalma lang, Naomi. Magiging maayos rin ang lahat. Isipin mo na lang wala kayong pinag-usapan kanina.
“Tara na?” ani Jasper.
Ngumiti ako sa kanya. “Tara balik na tayo sa room.” anyaya ko at saka naglakad palabas ng canteen.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang canteen kitang kita ko ang mga tao na nagtatakbuhan sa may gitna ng field. Ilang beses ko itong nilingon at nakita ko ang likod ng isang babae na pamilyar sa akin.
“Teka lang ha.” Ani ko.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na tinatawagan ako nina Jasper na bumalik. Hindi ko na sila pinansin. Si Crys ‘yong babae, sigurado ako. Baka may inaway na naman siya kaya siguro nagkumpulan ang mga tao.
Nakisiksik ako sa kumpol ng tao na nagtitilian. Siguro dahil sa may sabunutan o kaya naman… dahil sa panghaharana ng isang lalaki sa kapatid ko? ANO?!
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. MAG-P-PROPOSE BA SIYA?! BAKIT SIYA NAKALUHOD?! TAPOS…. TAPOS … SA KAPATID KO PA?!!!
ARAL MUNA BAGO LANDI!!!
“Crys?”
Napalingon sa akin si Crys dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya. Napatingin siyang muli sa lalaki dahil sa pagsasalita nito.
“Will you be mine Crystal Gonzales?” tanong ng lalaki.
Napatingin ako rito. Matangos ang ilong, magandang kutis, mukhang foreigner, matangkad, at mukha naman disente. Pwede na rin. Magaling palang makabingwit itong si Crys ng lalaki.
Napatingin ako kay Crys na nakayuko lang. Sinilip ko ang mukha niya at… WHAT THE?! Namumula ang pisngi niya?! Akala ko robot siya pero hindi pala!!!
“Sagutin mo na!”
“Yes ka na girl!”
“Blessing na ‘yan!”
“Share ka naman!” Sigaw ng malalanding babae sa likod ko.
Tumunghay na si Crys at kitang kita ko ang saya sa mukha nung lalaki. Ilang beses bumuntong hininga si Crys bago niya sagutin yung lalaki.
“Pasensya na pero ayokong maging sa’yo.” Aniya at saka umalis doon.
Nagsi-alisan na ang mga tao pero nandoon pa rin ako at pinapanood ang lalaki na may lungkot sa mukha. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod.
*ClapClapClap*
“What an embarrassing moment.”
Nakita ko ang papalapit na si Suzy sa lalaki. Nakangiti siya dahil sa binusted yung lalaki ng kapatid ko. Ganito ba siya kasama? Na habang nagdudusa yung iba nasasayahan siya.
“Kailan ko ba makukuha ang susi ng mansyon ko?” tanong niya rito.
Mansyon? Binigyan ng matalim na tingin ng lalaki si Suzy. Kitang kita ang galit sa mga mata nito.
“Screw you!” aniya at saka umalis.
Napatingin naman sa akin si Suzy. “Pinagpustahan niyo ba ang kapatid ko?” ani ko.
“Akala ko slow ka and stupid pero hindi pala.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Oo, pinagpustahan namin siya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/24560264-288-k373882.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*