[24] Damsel in Distress

1.3K 37 3
                                    

Chapter 24: Damsel in Distress

[Naomi's POV]

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. Hindi man lang siya sumagot at hinigit na lang ako papasok sa bahay nila. "Okay lang ba kung papasok ako dito? Hindi ba magagalit ang parents mo?" sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya at ngumiti ulit.

"Wala parents ko dito. Kaya walang magagalit." sabi niya saka ulit ako hinigit papasok ng bahay. Ang masasabi ko lang sa bahay nila-- este mansyon pala. Super laki nito at parang siya lang ang nakatira rito. Hindi kaya siya natatakot kasi mag-isa lang siya dito sa bahay nila. Paano na lang kapag nagbrown-out? Hindi ba siya natatakot sa dilim? Speaking of dilim, nasaan kaya si Nick.

"Naomi, dito ka muna ha? Kuha lang ako ng makakain natin." umupo ako sa may sofa nilang maganda. Astig! May rhyme. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko ang Chandelier na malaki sa gitna ng bahay nila. May second floor pa 'yung bahay nila. Grabe, kung titira lang rin ako dito baka maligaw ako sa laki nito. Sobrang daming kwarto at saka ang daming pasikot sikot. Biglang bumukas ang pintuan at nilabas ang isang little angle.

"Who are you?" sabi ng batang babae sa akin. Siguro siya 'yung babatang kapatid ni Jasper. Ang cute niya ang sarap niyang pisilin. Nakapameywang pa nyang tanong sa akin. Kanino kaya 'to nagmana? Mabait naman si Jasper kaya bakit parang kakaiba ang ugali nito?

Lumapit ako sa kanya at binigyan ng isang ngiti. "Hi, I'm Naomi. Friend ng kuya mo." sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko para makipag-shake hands. Sa halip, na kamayan niya ako tinaasan niya lang ako ng kilay. Pagkatapos, niyang gawin 'yon ay naghair-flip siya at lumabas ng bahay. Huh? Anyare dun?

"Pagpasensyanhan mo na si Jessie. Mataray talaga 'yon." nabigla na lang ako ng may nagsalita sa likod ko pagtingin ko si Jasper pala na may hawak ng tray na naglalaman ng dalawang cake. "Umupo ka na muna para makakain tayo." sabi niya sa akin.

"Kanino nagmana 'yung kapatid mo? Ang taray." sabi ko sa kanya. Bahagya naman siyang tumawa at saka sumubo ng cake. Gosh! Ang gwapo niyang sumubo. Naomi, may boyfriend ka na, tandaan mo.

"In born na 'yon. Hindi ko nga alam kung saan 'yan napulot ni Papa." sabi niya sabay kain ng cake.

"Napulot? Ano siya tuta?" sabi ko naman sa kanya. Kailan pa napupulot ang kapatid? Naku, kung ganon lang rin kadaling magkapatid. Itatapon ko si Crys at saka ako pupulot ng mabait kong kapatid.

"Ampon lang siya." nagulat na lang ako sa sinabi niya. May part sa puso ko na bigla na lang kumirot sa mga sinabi niya. Ang batang 'yon ampon? "Nakita lang siya ni Papa sa basurahan nung baby pa siya, naawa siya kaya kinupkop na lang niya." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

"Alam niya ba 'yung tungkol sa pagkatao niya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa." malungkot niyang sabi sa akin. "Ayaw ipaalam ni Papa sa kanya baka raw masaktan lang siya kapag nalaman niya ang katotohanan." dagdag pa niya.

"Hindi ba mas lalo siyang masasaktan kung hindi nyo ipapaalam ang tungkol sa pagkatao niya. Balang araw malalaman at malalaman niya rin 'yun. Hindi niyo kayang itago ang katotohanan sa kanya. Kung patuloy niyong gagawin ang bagay na 'yan, mas lalo siyang masasaktan sa future." sabi ko sa kanya. Napasandal siya sa kina-uupuan niya.

"Ganyan rin ang naiisip ko kaso... ayaw talaga ni Papa." sabi niya sa akin. "Bakit parang ang lallim ng pinanghuhugutan mo?"

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon