Chapter 41: Please don’t let me die
[Nick’s POV]
Hinihingal. Kinakabahan. Natatakot. Lahat ng emosyon nararamdaman ko. Bakit ngayon pa? Dali dali akong tumakbo sa may elevator. Papasok na sana ako sa elevator ngunit nadinig ko ang sigaw ni Lina.
Lumapit ako sa kanya at nakita ko siya na nagmamakaawa sa doktor.
“Nagmamakaawa po ako sa inyo. Buhayin niyo po ang kaibigan ko. Hindi ko po makakaya kung mawawala siya sa akin—sa amin,” patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Mawawala? Akala ko ba…
“Babe…”
Lumapit sa akin si Suzy at hinawakan ako sa braso. Dahan-dahan lang ako naglakad papunta sa kanila dapat hindi ko sa kanila ipakita na mahina ako.
“Nasaan po si Naomi?” umubo ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. “Ayos lang po ba siya?” napatingin ako sa tatay ni Naomi, patuloy niyang pinapatahan ang asawa niya katabi nila si Crystal na nakatulala pa rin. Ano ba talagang nangyari?
“Pasensya na,” sa pagkakasabi niyang ‘yon unti unti ng nangingilid ang luha ko sa mata. “Ginawa namin ang lahat pero…” nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero pinipigil ko pa rin.
“Pero namatay siya, ganon ba?” napayuko ang doktor dahil sa sinabi ko. Hindi ko na napigil ang pagluha ko. May chances pa naman diba?
“Nick!”
Napalingon ako at nakita ko si Jasper at Leo na natakbo papalapit sa amin. Agad na lumapit si Leo kay Lina at pinakalma niya ito.
“B-bakit nasa m-morgue kayo?” tanong niya sa amin.
“Wala na siya. Iniwan na tayo ni Friend!” iyak ni Lina at saka siya sumandal kay Leo. Tumingin siya sa akin ng diretso.
“Totoo ba?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Nakita ko siya kung paano niya pinipigil lang pag-iyak niya.
Tumingin siya sa doktor at tumakbo siya palapit rito. Sobrang bilis ng pangyayari sinuntok niya ang doktor at ngayon nasa sahig na sila at pinagsusuntok niya ito ng walang tigil.
“Anong klase kang doktor?! Ang laki ng binayad namin!!! Tapos mamatay lang siya!!!” sinuntok niya itong muli pero sa sumunod ay inawat ko na siya.
“Walang magagawa ang bagay na ‘yan hindi na muli siyang mabubuhay,” tumayo siya at humarap sa akin.
“Ang galing mo talaga. Pagkatapos mo kay Naomi babalik ka ulit sa kanya. Ganyan ba ang pagmamahal na sinasabi mo sa akin?” sabi niya at saka siya umalis.
“Babe, tara na,” nadinig ko na naman ang boses niya.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang inosente niyang mukha. Hinawakan ko ang pulso niya pero agad siyang pumitlag.
“Aray!” sabi niya.
Tiningnan ko ang pulso niya at nakita ko na namumula ito. Hindi ko alam ang dahilan pero bakit kinabahan kaagad ako.
“Anong nangyari dyan?” tanong niya sa akin.
“Yung isa kasing babae kanina bigla na lang hinablot ang kamay ko, kaya ‘yan namumula,” sabi niya sa akin.
Paalis na kami ng bigla na lang akong tinawag ni Crystal.
“Nicko! Hindi ka man lang ba magpapa-alam sa kapatid mo.”
Parang tinusok ng ilang milyon na karayom ang puso ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na wag niyang sasabihin ang bagay na ‘yon? Hindi ba siya nakaka-intindi o sadyang iniinis niya lang ako.
“Hindi na niya kailangan pa. Tutal half-sister lang naman niya si Naomi,” mabuti na lang kasama ko ang madaldal na babaeng ito kundi walang sasalo sa akin.
“Tara na Babe,” sabi niya sa akin. Tumango lang ako at umalis na kami sa hospital na ‘yon.
Kahit na labag sa puso’t isipan ko na iwan si Naomi doon wala akong nagawa. Kung malalaman ni Papa ang tungkol sa amin, na nagkarelasyon ako sa kapatid ko alam ko na ang gagawin niya. Ilalayo nila lang ako. At ayoko ‘yon. Ayokong mawalay kay Naomi.
Ayokong mawalay sa may hawak ng puso ko.
[Aunt’s POV]
“Umuwi na muna kayo at magpahinga, ako na ang bahala sa mga gamit ni Naomi,” sabi ko kay Arnel at Christina.
Lumabas na sila ng kwarto. Ito ang unang araw na wala siya. Nawala si Naomi. Wala ang nagpapasaya sa buhay ko. Siya na nagligtas sa akin noong panahon na akala ko’y tulyan na akong mawawala sa mundong ito.
Naalala ko pa ang pangyayaring nagpabago ng buhay ko at ng buhay ng angkan namin.
Ma-ulang gabi. Malamig at walang tao sa kalsada kundi ako lang. Ako lang at ang madilim na gabi. Naglalakad ako. Gusto kong patayin ang sarili ko. Gusto kong mawala sa mundong ito dahil sa kagagahan na ginawa ko.
Kung hindi lang nalaglag ang anak naming dalawa sana nandito siya sa tabi ko. Kung hindi lang may diperensya ang matres ko baka may anak na kaming dalawa. Eh di sana hindi siya mambaba-babae. Eh di sana nasa bahay ako at walang balak magpakamatay.
Dahan dahan akong pwesto sa kalsada kung saan may nakalagay na karatulang “Accident Prone Area.” Madalas ditong nagaganap ang mga banggaan. At pagkamatay ng isang tao.
Naghintay lang ako ng sasakyan na dadaan doon at pagkatapos mawawala na ako sa mundong ito. Isang mundo na maraming pagsubok.
Isang ilaw na nakakasilaw ang nakita ko. Dahil sa sobrang nakakasilaw ito wala akong nagawa kundi ay tumayo lang doon. Ito na ang hinihintay ko. Ang aking kamatayan.
“Tumabi po kayo!!!” sigaw ng isang batang babae na may maigsing buhok. Hindi ko siya pinansin sa halip patuloy pa rin akong nakaharap sa kotse na paparating. “Mababangga po kayo!” patuloy pa rin niyang sigaw sa akin.
Malapit na ang kotse sa akin ng bigla na lang…
“Tabi po!!!”
Tinulak ako ng bata sa kabilang parte ng kalsada. Sa halip na ako nasagasaan ng kotse siya ang nasagasaan. Niligtas akong isang bata. Iniligtas niya ako sa kapahamakan.
Simula ng mangyari ang bagay na iyon, palagi kong itinatak sa isip ko na ang buhay ko ay utang ko kay Naomi. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang nagbigay ng bagong buhay sa akin. Hindi ko naman lubos akalain na malalaman niya ang mga tunay niyang magulang ng ganito kabilis at ganito rin siya kabilis mawawala sa buhay namin.
Inilagay ko na ang mga gamit sa may bag. Isinara ko ang zipper nito at handa ng umalis. Bumukas ang pinto at expected ko na si Crystal ang makikita ko dahil sa pinapasunod ko siya rito sa kwarto.
Pero nagkamali ako sa inaakala ko.
“N-naomi?” bulong ko sa hangin habang nakatingin pa rin sa babaeng naka-suot ng puting damit na pang-hospital. Imposible na siya ito, patay na siya. Hindi ba iyon ang sabi ng doktor.
Ngumiti sya na nagpataas ng mga balahibo ko.
“Aunt,” nang sabihin niya ang bagay na iyon parang nanlambot ang tuhod. Paanong?
Umikot ang buong paligid. Nahilo ako at bigla na lang bumagsak sa malamig na sahig. Nakita ko siyang lumapit sa akin.
“Aunt! Aunt! Ayos lang po ba kayo?! Aunt!” sabi niya at saka tuluyang lumabo ang paningin ko.
------------------------------------------------------x
A/N: Belated Merry Christmas Guys!!! Sorry medyo matagal ang update, pasko kasi kaya busy. Anyway, hope you like it. ^___^
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
