Chapter 27: Who?
[Jasper's POV]
"WHAT HAVE YOU DONE?!" napayuko ako. Shit! "Have you seen the news?! Were second! Only second! Not on TOP!! Anong ginawa mo Jasper?!" napahinga ako ng malalim. Ito na naman siya. Wala ng ginawa kundi ang sumigaw. "ANSWER ME!!!" Humarap ako kay Papa.
"Dad, I can't come to that certain meeting because I'm sc--" Bigla na lang niyang hinampas ang lamesa niya at tumayo. Hinilot niya ang sintido niya.
"That Fucking schooling again!!! Hindi ba sinabi ko na sayo na tumigil ka na sa pag-aaral! You're smart! Hindi mo na kailangan pang magtake ng course na 'yan!!!" 'yan naman ang palagi niyang sinasabi, na matalino ako at hindi ko na kailangan pang magtake ng Engineering Course. Bakit ba? Bawal na bang sundin ang pangarap mo? I don't like business, actually I hate it.
"Dad, my dream is to be a Engineer. I can't take my dream away from me." umupo ulit siya. Pinagtagup niya ang kamay niya at tumingin siya sa akin.
"So, you're saying you will leave our company, for you're dream. Lahat ng pinaghirapan ko itatapon mo lang ng ganon ganon. You're my only son. You're the one should manage our company." napatingin ako sa bintana. Kung nandito lang si Mama sigurado akong hindi nasa ganitong kundisyon si Papa.
"Dad, nakakalimutan mo na bang may isa ka pang anak. Nick, he wants to take over the company." nadinig ko na naman ang tawa niya.
"Bakit ko ipapaubaya sa kanya ang kompanya? Isa lang siyang pagkakamali. Why would you came up with that conclusion? Sinabi ko na sayong wag mo siyang ituring na kapatid diba? Isa lang siyang pabigat." Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Papa. Sumandal siya sa swivel chair na inuupuan niya.
"Go back to you're work. Make our company on top again." lumabas ako sa office ni Papa at dumiretso sa sariling opisina ko. Nakita ko ang secretary ko na hawak hawak ang isang maliit na sobre.
"Scarlet, may appointment ba ako?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa may table ko.
"Sir, mamaya pong twelve may lunch meeting po kayo. Sila po 'yung mga bago nating investors. Pagkatapos po may pipirmahan po kayong mga papers. Wala na po kayong susunod na appointment pagkatapos po ng pagpirma." tumango naman ako sa sinabi niya. Konti lang ang appointment ko kaya may time ako para maka-isip ng bagong paraan para tumaas ang marketing namin. Napansin ko na nakatayo pa rin si Scarlet sa harapan ko.
"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagkalikot sa laptop ko saka lang ako tumingin sa kanya ng may ilapag siyang sobre sa mesa ko. Napatingin ako sa kanya. "Ano 'to?" tanong ko sa kanya.
"Sir, magreresign na po ako. Malapit na rin po kasi akong manganak. Ayaw po ng asawa kong ako po ang magtatrabaho pagkatapos ko pong manganak. Gusto niya po sa bahay lang po ako. Pinapaalis na niya po ako bago po ako manganak." kinuha ko ang sobre na kanina lang ay nilapag niya. Binuksan ko ito at nakita ko na pati si Papa ay may pirma na, ang pirma ko na lang ang hinihintay. Tumingin ako sa kanya at sa tyan na unti unti ng bumubukol.
"Kailangan mo ba balak umalis?" tanong ko sa kanya.
"Balak ko po sana December po. Alam ko po kasing marami pa po kayong ipapagawa sa akin na ako lang po ang nakakaintindi." kinuha ko ang sign pen ko at pinirmahan ang papel. Kailangan ko na namang magtrain ng bagong secretary. Iniabot ko ito kay Scarlet.
![](https://img.wattpad.com/cover/24560264-288-k373882.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*